De Javu |CH16
𝐀𝐚𝐫𝐭𝐡'𝐬 𝐏𝐨𝐯
Paano niya nagawa ito sa akin? I thought malinaw na sa kanya na I don't love her. Fvck this life!
"What with the sudden engagement kuya? How about Amaris?!" bungad ni Ceridwen sa akin na kakauwi lang galing sa trabaho niya.
Hindi ko alam ano ba ang tamang gawin kung hahayaan ko nalang na lumayo si Amaris sa akin o ititigil ko ito kahit alam kong may mawawala.
Susugal ba ako o susuko na lang?
"She knows everything, Marde sent invitation to her. Naulit na naman ang ginawa ni Dad noon, I let Amaris stay away from me. It hurts lil, it hurts seeing her crying because of me," hindi ko mapigilan isipin kung ano ang nararamdaman ngayon ni Amaris, ginawa niya lahat para sa akin pero eto ang igaganti ko sa kanya.
"Isipin mo maigi kuya kung tama ba na isuko mo kung anong meron sa inyo ni Amaris, alam kong bumabagsak na ang hospital at ang offer ni Marde nalang ang nakikitang sagot ni Dad, pero kuya marami pang paraan... Marami pa please don't let this one ruined your life again. Don't repeat your mistake from the past," Ceridwen said.
Tama siguro nga tanga ako kung papalinlang ako sa mga paandar ni Marde, marami pang paraan. Kaylangan kong makausap si Dad regarding this, I want him to cancelled the engagement.
The time is running, I need to talk to dad as soon as possible.
__________
"Tama na Amaris!"
"What the hell! Umalis ka nga Sean, sino ka ba para pakielamanan ako? Ikaw ba nasaktan? Hindi."
Napakadali lang para sabihin sa kanya na tama na, samantalang hindi naman siya itong nasaktan! Hirap sa mga lalaki kahit anong gawin mong maganda pasakit parin yung isusukli.
"Do you think hindi ako nasasaktan Amaris? Sa tingin mo hindi ako nasasaktan na makita kang ganyan? Ilang araw ka nang walang ginawa kundi ang magkulong at uminom dahil kay Aarth. Papatayin mo ba ang sarili mo?"
"Ikaw nasasaktan? Patawa ka naman Sean, wala kang mauuto---"
"Mahal kita Amaris hindi ba malinaw sa iyo yon? Gusto mo linawin ko pa?!" saad ni Sean habang nakatitig sa mga mata ko.
Ako mahal niya kaylan lang naman kami nagkita, siguro kaya nasasaktan ako kasi mabilis akong mauto ng mga tulad nila.
"Stop playing around Sean, nakakapagod maniwala sa kasinungalingan."
Nakakapagod maniwala na mahal din ako ng taong mahal ko. Baka ginamit lang ako bilang panakip butas at ngayon bumalik na ex niya magpapakasal na sila.
Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko, gabi na pala kitang kita ko ang mga bituin na kumikinang, bigla kong naalala si Aarth sa mga bituin na nakikita ko.
Para siyang bituin mahirap abutin kahit anong gawin ko.
Pinunasan ko ang mga luha kong nag-uunahan sa pagbagsak. Siguro kung ako si Marde, hindi na ako magdurusa ng ganito.
Bumaling ako ng tingin sa likod ko, doon ko nakita si Sean na naka-upo habang pinagmamasdan ako. Awtomatiko akong napatakbo dito at mahigpit na niyakap ito.
"Shhh Amaris, iyak mo lang yan basta bukas ayoko nang makikita kang umiiyak." saad niya habang yakap-yakap ako.
Kung matuturuan lang ang puso ko sana siya nalang, kaso hindi pwede alam kong gusto siya ni Kaeyah.
"Sana hindi ko na lang siya nakilala, ang sakit niyang mahalin. Doctor sa puso pero siya mismo sumira ng puso ko," may pait kong wika.
"People come and go, accept the truth na hindi kayo para sa isa't isa Amaris." Sean said.

BINABASA MO ANG
Chasing You [C-SERIES #1] Completed (Under Revision)
Ficción GeneralCHASING SERIES|1 Amaris Kylie Miller, maganda at matalino ngunit hindi ito naging sapat para mahalin siya ng tapat ni Inspector Hanz. She found out that her boyfriend cheated at her. Dahil sa panlolokong 'yon, doon magtatagpo ang landas nila ni Do...