CH18| It's Over
Kraze Pov
Five months, it's been five fucking months since Eulalie broke up with me, parang kahapon lang naganap ang lahat. Nasa company ako ngayon to check the ongoing clothes na i l-launch ng Laverkin Clothing Line.
"My little brother, focus on your work." Big sis commanded me.
How can I focus kung ang isip ko na kay Eulalie lang?
Damn this heart!
"Big Sis, can you please leave me alone for five fucking hours?"
"Minumura mo ako Raze?" Taas kilay na tanong ni Ate.
I didn't mean it! I'm just frustrated.
"No! But I want to be alone ate, please?" napabuntong hininga nalang si Ate at iniwan ako sa office ko.
Limang buwan na ang nakalipas pero nandito parin yung sakit, sino bang tanga nagsabi noon about three months rule after ng break up? Hindi naman totoo!
Naglakad ako palabas ng company, balak kong magpahangin muna at mag-isip isip, hindi ako makapag-focus sa pagta-trabaho kung ganito ang sitwasyon ko.
Habang naglalakad ako I saw a lady standing in front at the coffee shop, parang malalim ang iniisip nito o baka undecided sa kape na iinumin niya? Pero ano ba ang pakielam ko?
Pero parang may sariling buhay ang paa ko dahil narating ko ang pwesto niya.
"Undecided what to drink?"
"Sino ka naman?" she asked me.
"Importante pa ba kung sino ako? Kung in the end magiging stranger din naman tayo?" Sarkastiko kong saad.
"Weirdo," aniya sabay lakad palayo sa akin. Pero parang may sarili talagang buhay ang paa ko at sinundan ko ang babaeng 'yon.
I'm interested with her, I feel we're in the same page.
"Why are you still following me? Stalker ka ba?" iritableng wika nito.
Umiling-iling ako.
"By the I'm Kraze Izael Laverkin," I offered my hand to her but she insist.
Wow tumatanggi sa kagwapuhan ko?
"Not because I keep on talking with you it means we're close enough to tell you my name," she said.
Hinayaan ko lang itong magsungit hanggang sa marating namin ang destinasyon niya.
Hospital? Sino dadalawin niya dito?
Hindi parin kumibo ang babaeng kasama ko kahit alam niyang nakasunod ako sakanya. Natigil kami sa tapat ng isang kwarto siguro nandito ang sadya niya.
"Bakit ka ba nakasunod?"
"Gusto lang kitang sundan bawal ba?"
"I'm none of your business!"
"Well... Wala akong pake," mapang-asar kong saad dito.
Hindi na siya sumagot at binuksan niya na ang kwartong nakasara. Bumungad dito ang isang lalaking puno ng apparatus ang katawan at walang malay.
Familiar ito ah? Parang isa siya sa kaibigan ni ate!
"Alam mo ba, mahal ko si Rigil..." ani niya.
Hinayaan ko lang siya magkwento at nanatili lang akong nakikinig.
"Kaso hindi ako ang mahal niya, and because of my selfishness he got into accident. I was thinking to give him back to someone she love," she said. I saw her eyes forming a water inside.
I feel her pain, tama nga ako nasa parehong pahina kaming dalawa.
"Mahal ko siya pero hindi ako ang kailangan at mahal niya, I think this time I should give up and give him back to Amaris," she said habang pinupunasan ang mga luha niya.
Niyakap ko siya ng walang alinlangan dahil alam kong ito lang ang magagawa ko sa kanya, we're still stranger to each other.
I let her cry on my shoulder to ease her pain. Minsan ang pagiging selfish sa pagmamahal ang nagiging dahilan para masaktan ang taong mahal mo.
___
Mardeliene Pov
Nakatulala ako sa harap ng isang coffee shop habang iniisip kung ano ba ang dapat gawin? Naging makasarili na ako hanggang sa umabot sa puntong nasaktan na si Rigil, siguro ito na ang sign para itama ang mali ko.
Paalis na sana ako sa coffee shop ng biglang may lumapit sa aking lalaki at panay daldal na para bang kilala ako hanggang sa makarating kami dito sa hospital. Nakita pa niya tuloy kung paano ako umiyak.
He let me cry on his shoulder hanggang matapos ako sa pag-iyak, nakahinga ako ng maluwag pagkatapos kong umiyak at ilabas lahat ng sama sa loob ko.
I decided to give up at ibalik nalang sa totoong nagmamay-ari sakanya si Rigil. Sana pagdating ng araw mapatawad niya ako sa nagawa ko.
"Do you want some drink?" Kraze asked me. Tumango lang ako at sinundan siya palabas, dumiretso kami sa isang mini bar at doon uminom.
I need to celebrate this one, ang pagpapaubaya ko sa taong mahal ko.
Nag-inom kaming dalawa ni Kraze pero feeling ko mas broken ang isang ito kaysa sa akin dahil kanina pa iyak nang iyak at hinahanap ang babaeng wala naman sa harapan niya. The name is Eulalie Argent, sounds like familiar.
"Shi Eyulale, mahal ko y-yon kasho hisdi ako mahal non," he said while drinking.
Poor Kraze.
Habang nainom kami hindi ko mapigilan mapatitig sa mukha nito, gwapo ang mukha nito at may pinong mapupulang labi. Masasabi kong perpekto ang mukha niya at katawan niya wala akong maipintas. Habang pinagmamasdan ko si Kraze bigla akong nakaramdam ng kung ano sa dibdib ko nang biglang magtama ang mga mata namin, kaya naman napaiwas ako sa kanya.
His eyes seems to be tired, his heart was broken at ako kaluluwa, puso at isip ko pagod na.
I hope I can find a man like Kraze, yung kaya akong mahalin pabalik at iyakan.
Dahil lasing na kaming pareho I decided to go home, at dahil hindi ko alam saan bahay ng lalaking ito sinama kona pauwi. Don't get me wrong, I'm just concern.
Nang makarating kami sa condo agad ko siyang nilagay sa couch at doon ko hinayaan matulog ang sadboy ng taon. Akala ko ako ang broken, mukhang mas broken pa ang nagc-comfort sa akin.
Napangiti ako sa mukha ni Kraze, ang cute niyang matulog never pa akong nakakita ng lalaking tulad niya.
Siguro kung matagal ko nang kilala si Kraze, baka nagustuhan kona siya agad... Pero pwede naman.
"Goodnight handsome," I said bago pumunta sa kwarto ko at matulog.
_____________
Good evening! Short update muna tayo for tonight! I hope you'll like it💖
Dahil half way na tayo, maglalabas na ako ng side pov ng ibang character so enjoy reading💖
BINABASA MO ANG
Chasing You [C-SERIES #1] Completed (Under Revision)
General FictionCHASING SERIES|1 Amaris Kylie Miller, maganda at matalino ngunit hindi ito naging sapat para mahalin siya ng tapat ni Inspector Hanz. She found out that her boyfriend cheated at her. Dahil sa panlolokong 'yon, doon magtatagpo ang landas nila ni Do...