EPILOGUE
Nagising ako sa ingay na nagmumula sa sala kaya kahit pupungay-pungay ang dalawang mata ko awtomatiko akong napatayo sa higaan at dumiretso sa sala.Ano na naman kaya ginagawa ni Kaeyah at napaka-aga ng kaingayan niya. Nang marating ko ang sala nagulat ako sa aking nakita.
"Kae, it's too lou—" naputol ang sasabihin ko nang makita ko si Aarth kasama sila Ace at Sean may dala-dala itong gitara at kinakanta nito ang Marry Me habang nag gigitara. "What are you doing Aarth—"
Nanlaki ang mga mata ko at ang pisngi ko ay parang kamatis na sa pula. I don't really expect na gagawin niya ito kasama ang dalawang loko.
"Please Marry Me Amaris."
I can't believe this— is this real? totoo ba ang lahat ng ito? walang paglagyan ang saya ko dahil sa narinig ko at nakikita ko, namalayan kona lang na umiiyak na ako dahil sa saya. Hindi ko pa naranasan na mahalin ng ganito at magmahal ng ganito sa buong buhay ko.
"Yes Aarth! I will marry you!"
Akala ko sa Fantasy lang may happy ever after, akala ko yung buong buhay ko ay pang drama lang everything has change when I met the doctor who saved me.
"NAKS! SAWAKAS ANG COUPLE NA PURO PROBLEMA IKAKASAL NA!" Parang tangang sigaw ni Ace na nasa likuran ni Aarth.
"Eh ikaw kaylan mo ba balak pakasalan kapatid ko? naka dalawa kana pero wala parin—"
"Chill bro, baka pag kinasal kami biglang maging lima pamangkin mo dahil triplets na gagawin namin."
"Tarantado!" sigaw ni Aarth dito sabay bato nang unan. Nagtawanan kaming lahat dahil sa kalokohan ni Ace.
Life is too short, don't let your past ruined your whole life. Si Aarth ang nagturo sa akin paano bumangon at paano magmahal muli.
Acceptance is a key for you to move out from your past life.KINABUKASAN inayos namin lahat ng kakailanganin sa kasal, gusto ni Aarth ng beach wedding kaya sa isang kilalang resort kami nag inquire for our wedding. The ambiance of the place makes me calm and relax. Sabi ko noon walang pag-asa na maikasal ako, walang pag-asa na maranasan ko ang kasal na maganda. Pero eto ako ngayon, soon to be Mrs.Viglianco.
"Misis ko..." Aarth whispered.
"Ang korni mo haha!" biro ko dito.
Simula nang nag-oo ako sa kasal namin palagi niya na akong tinatawag na misis ko, medyo korni siya pero dahil sa isang gwapong tulad niya galing katanggap-tanggap naman 'yon. Having him wala na akong mahihiling pa.
"Ilan anak gusto mo?"
"Aarth anak agad? hindi panga tayo kasal!"
"Advanced gift, malay mo bago tayo mag honeymoon meron na yan—"
Natampal ko ang noo ko dahil sa kakulitan niya. He wants a child parang nanghihingi lang ng candy kala mo siya iire!
Week passed isang araw nalang before our wedding. Kinakabahan ako sa saya dahil finally ito na yung araw na masasabi namin na iisa na kaming dalawa ito na yung araw na masasabi kong wala nang kahit sino pa ang p'wedeng humadlang sa amin dalawa kahit pa bagyo.
"Tomorrow na ang araw na pinakahihintay mo," Kaeyah said.
"Paano ba 'yan ikaw nalang mag-isa dito..."
"Who says? p'wedeng pwede kong hilahin si Sean hahaha!" biro ni Kae.
Mamimiss ko 'to lahat ng ginagawa namin kalokohan. Sana lang makarating si Ychie bukas. She's busy doing her modeling career kaya nawala siya bigla, Ikakasal na ako lahat-lahat yung isang 'yon wala paring jowa.
BINABASA MO ANG
Chasing You [C-SERIES #1] Completed (Under Revision)
Ficción GeneralCHASING SERIES|1 Amaris Kylie Miller, maganda at matalino ngunit hindi ito naging sapat para mahalin siya ng tapat ni Inspector Hanz. She found out that her boyfriend cheated at her. Dahil sa panlolokong 'yon, doon magtatagpo ang landas nila ni Do...