CHAPTER 12

89 22 0
                                    

Prospect|CH12

𝐊𝐀𝐄𝐘𝐀𝐇

“How was your dream?” tangina sino ‘to?

Napadilat ako ng mata dahil sa lalaking gumagambala sa pag tulog ko.

Halos mapatalon ako sa kama ng makita kung sino nasa harapan ko at kung nasaan ako. Hindi ito yung bahay namin ni Amaris!

Bakit nandito ang lalaking ito? I hate him! Bukod sa mahangin, malamig makitungo ang lalaking nasa harap ko.

“Lumayo ka sa akin Meisner!”

Si Meisner isa sa mga artista na kasama ko sa modeling industry. Sikat siya at gwapo pero ayoko sa kanya!

“Why? Nakaka-akit ba ang kagwapuhan ng isang Vukovic?”

Gwapo, saan banda?

Sa lahat ng babagsakan ko bakit dito pa kay Ikolve? At nakakapagtaka paano ako napunta dito.

“How did I get here?”

“Oh, halatang lasing na lasing ka nga kagabi pati ‘yon hindi mo matandaan?”

Mukha ba akong nagbibiro sa hindi ko matandaan? Pilosopo rin ang isang ito.

“Dito ka dinala ni Hudson, tsk.”

Biglang nawala ang sakit ng ulo ko sa sinabi niya. Seryoso?

“T-teka! Hoy hindi ko damit ito ha?!”

Sinong gago nagpalit ng damit ko?!
Malilintikan ka talaga sa akin Hudson! Bumangon na ako sa pagkakahiga at nagmamadaling pumunta sa banyo para mag-ayos. Hindi ko parin alam anong nangyari kagabi at napunta ako sa lugar na ito bukod sa lasing ako, baka mamaya may ginawa akong nakakahiya jusko!

After fixing myself I checked my phone and as I expected there's a lot of messages I received and it's all from Amaris.

"𝘒𝘢𝘦𝘺𝘢𝘩! 𝘞𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘩𝘦𝘭𝘭 𝘪𝘴 𝘺𝘰𝘶?!"

"𝘒𝘢𝘦𝘺𝘢𝘩! 𝘈𝘯𝘴𝘸𝘦𝘳 𝘮𝘦!"

"𝘕𝘢 𝘬𝘪𝘥𝘯𝘢𝘱𝘱𝘦𝘥 𝘬𝘢 𝘣𝘢?! 𝘑𝘶𝘴𝘬𝘰 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘣𝘰𝘴 𝘴𝘢 '𝘺𝘰?!"

Ilan lang yan sa text message na narecieved ko from her. Typical Amaris medyo baliw kapag nag-aalala, iniisip ko nga baka mamaya tumawag na 'yon ng pulis.

“I need to go, tell Hudson na yari siya kapag nagtagpo kami!”

Kunwari lang yang yari na ‘yan choz. Bet ko rin naman siya pero kailangan natin magpakipot mga mare.

_____
𝐌𝐚𝐱𝐰𝐞𝐥𝐥

“What's our plan?” tanong ko kay Laufeyson sabay higop ng kape. Hindi alam ni Carson na may hints na kami kung sino ang may sala sa pagkamatay ni Zachie. Magaling manlinlang ang suspect nagawa niyang manipulahin ang crime at napaniwala niya ang lahat na kamalian ni Viglianco ang dahilan bakit namatay ang biktima.

“Malamang we need to catch him, kailangan mahuli yang hayop na ‘yan,” sagot ni Laufeyson habang nagtitipa sa laptop niya. Akala ko noong una kakalabanin ako ng loko, buti na lang magaling din siya mag-deduce kaya nalaman niyang hindi talaga si Viglianco ang main suspect sa case na ito. Isa rin sa mga doctor ang maaaring gumawa ng krimen na nangyari.

“I have a good news!”

Napalingon kami when Attorney. Ceridwen arrived in the room, she was holding something in her hand a brown envelope to be exact.

“Saya natin ah! Mukhang hindi sinira ni Montemor ang araw mo?” asar ko rito.

“Don't mention him! I'm here to announced something,” a big smile form in her face.

Mukhang may nakuhang magadang balita ang isang ‘to, according to her aura.

“I found another witness makakapagpatunay kung sino nag totoong may sala,”

Hindi trabaho ng isang Attorney ang manghimasok sa pag-iimbestiga pero hindi namin mapigilan ang isang ito medyo delikado kapag nagalit. Tanda ko noong nakaraan na hearing sa trial court isa siya sa defender, she defense the side of the victim, when the prosecution said that the alibi of her client isn't valid, nagulat kami na bigla niya itong kinuwelyohan at sinapak dahil daw hindi manlang pinakinggan ang side niya bago I plead na not guilty ang suspect.

“I hope hindi umurong yan Viglianco,”

“Subukan niya lang.”

I wonder anong natakbo sa utak ng isang ‘to, baka tinakot niya ang witness knowing her brutal talaga makamit lang ang katotohanan.

“Anong sabi ng witness sa ‘yo?” Laufeyson asked her.

“One of their nurse na kasama sa operating room ang witness at isa sa kanila may nilagay na kung ano sa mga gamit pang-opera, natakot daw siyang magsalita dahil baka saktan siya nito. Pero nung nalaman niya na si Aarth ang nakulong dahil don naisip niya nang magsalita,”  Viglianco explained.

However hindi parin namin alam ang tunay na motibo ng gumawa nito.

Bumalik ako sa pag-scroll ng document na chine-check ko nang makita ko sa list of doctor na in-charge that time ang name na Doc. Nico Alvarez. Sabi sa info kaibigan ito ng dalawa Aarth and Zachary the brother of the victim, kaso nagkawatak watak sila because of Alvarez masyadong mayabang the same time mahilig makipagkompitensya

May nabuong conclusion sa utak ko kung sino ang maaaring gumawa nito pero I can't guarantee na one hundred percent na siya talaga ang may sala dahil galit at inggit lang naman ang dala-dala niya. Pero sabi nga nila anger can lead in a crime, mukhang kailangan maka-usap ko ang isang 'to.

“What if Alvarez did the crime?”

“Gaano ka nakakasiguro Maxwell, wala kang matibay na pruweba,” -Zekiel

Wala sa ngayon but sooner or later the truth will reveal.

𝐀𝐦𝐚𝐫𝐢𝐬

“Kamusta kana diyan? Ayos ka lang ba?” sunod-sunod kong tanong kay Aarth. Nabisita ko siya ngayon dahil visiting hour.

“I'm fine don't worry, I know Ceridwen and Zekiel will find the real culprit,” nakangiti niyang sagot pero parang puno ito ng pagod at sakit.

I know he's not fine, miss niya na siguro sa hospital at nag-aalala siya sa pamamalakad doon. Wala rin kasi ang Daddy nila nasa ibang bansa kaya walang pwedeng mag-manage ng Viglianco's Hospital.

“Tumawag ba si Dad?”

“Walang nasasabi si Ceridwen, mukhang hindi niya sinasabi sa Dad niyo---”

“That's good ayokong ma-stress si Daddy, we can manage this.”

Kung kaya ko lang tulungan si Aarth ginawa kona noon pa. Ano ba naman ako? Isang Journalist lang.

“Don't lose hope, hihintayin kita,” saad ko sabay hawak sa kamay niya.

He smiled at me but not the old smile he used to be.

Makakalaya ka rin Aarth, mahuhuli rin kung sinong walang puso ang gumawa nito.

“You need to go home, it's already six pm,”

“Always take care Aarth, babalik ako dito after my work at hindi ka magpapasko sa kulungan okey?”

“Silly,”

Umalis na ako sa Station at dumiretso sa bahay namin ni Kaeyah. Baka mamaya nag-aalala na ‘yon dahil wala pa ako anong oras na rin.

Sana nga before the Christmas start makalaya na si Aarth. Sasabihin ko na rin ang nais kong sabihin sa kanya, handa na akong sumugal ulit sa laban.

________________

Hello Gems! I know medyo matagal update at maiksi rest assure na hindi makakalaya sa pasko si Doc! Hahaha







Chasing You [C-SERIES #1] Completed (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon