TIMELESS II: 12 - Part I

2.1K 127 4
                                    

Rui’s POV

“Dad?”

“Hmm?” sagot ko kay Yuki nang hindi tumitingin sa kaniya at nakapokus lang ang atensiyon ko sa isang online shop.

“Are you going to buy things for Kiru?” nagtatakang tanong niya kaya napatango ako at tumingin sa kaniya.

I smiled faintly. “Yeah, but I don’t know what to buy.” Tumingin ulit ako sa  mga librong nasa online shop.

Gagawin ko ang lahat para lang makuha ang tiwala ng anak ni Kit at pagkatapos ay si Kit naman. Damn! It’s too complicated. Paano kung hindi na talaga ako tatanggapin ni Kit? Paano kung bumalik ang ama ni Kiru? Paano kung hindi ako tatanggapin ng anak niya?

“Dad, Kiru likes to read science fiction stories especially time travelling stories.”

Agad akong napatingin kay Yuki na ngayon ay kumakain na ng chips. “R-Really?” Yuki nodded that made me smile. “Will you help me?”

“Of course, Dad!”  sigaw niya saka tumayo habang ang isang kamay ay nakaturo sa kisame. “Just do your best!”

Nakangiti kong ginulo ang buhok niya. “Thank you. Mabuti na lang at nagkaroon ako ng anak na kagaya mo.”

“Dad? Pwede ba akong lumabas?” Napataas ang kilay ko nang umiwas siya ng tingin. “I-I mean, pupunta ako sa park.”

“Anong gagawin mo do’n at sino ang kasama mo?”

Ngayon lang ’to nangyari. Lalabas si Yuki? Sino ang kasama?

“And Dad, I want you to come with me.” Hinila niya ang kamay ko saka pinatayo at tinulak sa harap ng closet. “Magbihis ka na Dad!”

Nagtataka kong tiningnan si Yuki na tumatakbo papalabas.

“Weird.”

Bakit naman ako sasama sa park? Gusto ko pang mag-order ng mga libro pero makakahintay pa naman ’yon.

Paglabas ko sa kwarto ay nadatnan ko si Yuki na nakangiting nakatitig sa akin saka hinila na ako papalabas ng bahay.

“Ano ba ang gagawin natin do’n?” nagtatakang tanong ko habang nagmamaneho pero hindi sumagot si Yuki kaya hindi na lang ako nagpumilit pa.

Pagkarating namin sa park ay iilan lang ang mga tao sa paligid.

“Yuki!”

Sabay kaming napalingon ni Yuki sa batang kararating pa lang. Napangiti akong napaiwas ng tingin nang tumingin si Kiru sa akin.

Damn. My heart’s beating so fast. Hindi pa ako handa.

“Hey, Kiru.” Hinawakan ni Yuki ang kamay ko saka tumingin kay Kiru. “This is my dad and Dad, this is Kiru.”

“N-Nice to meet you, Kiru.” Napayuko pa ako ng wala sa oras at narinig ko silang napatawa ng sabay.

Shit.

“Hindi ba nakausap kita sa phone?” Tinuro pa ako ni Kiru.

Kinakabahan akong tumango. “Ako nga.”

“Uncle Waks!” Kumaway si Yuki kay Waks na ngayon ay papalapit sa amin.

“Hey! Anong ginagawa n’yo dito?” nakangiting tanong ni Waks saka napatingin kay Kiru.

“I’m going to play with Kiru but...” Agad na lumapit si Yuki kay Kiru saka may binulong na nagpakunot sa noo ko.

Napakunot ang noo ni Kiru habang nakatingin kay Yuki. “Right now?”

Timeless [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon