Rui’s POV
I still do not know if what I saw earlier is true. My Kit... Kit who is already in front of me but Paul took him away before I opened my mouth.
“Fuck!”
“Dad!” sigaw ni Yuki nang bigla kong hininto ang kotse.
Hindi ko pa rin lubos maisip na may anak na si Kit at tinawag pa talaga siyang Mommy nito tapos ang kasama ng bata ay walang iba kundi ang ex niya, si Paul.
Palo lang ako nang palo sa manubela dahil sa inis at galit ko pero hindi pa rin mawawala ang saya sa dibdib ko. Nakita na rin kita, Kit. Kagaya ng binitiwan kong salita, mahigit anim na taon na ang nakakalipas ay aagawin kita kahit na may minahal ka na.
“Fuck that bastard!” I still get annoyed when I remember that idiot’s grin and how he took Kit’s bag and acted like a fucking boyfriend.
I should be the one doing that!
“Dad, bakit ka ba naiinis?”
Inis kong nilingon si Yuki na ngayon ay kumakain lang ng lollipop. “Hindi mo ba alam kung sino ang kaharap ko kanina? Si Kit! Si Kit Perez!”
Na-fu-frustrate pa rin ako ngayon! Bakit hindi ako nakagalaw kanina? Bakit hindi ko siya niyakap? Bakit?!
“Alam ko, sinabihan na kita na sumama sa akin pero hindi ka sumama. Iyan ang napala mo.”
“You should have said that he was your teacher!” Halos magiba na ang manubela sa lakas ng pagpapalo ko.
“Bakit mo ba ako sinisigawan?” inis na sigaw ni Yuki sa akin kaya napabuntong-hininga ako. Walang patutunguhan ang pag-uusap na ito kapag nagsisigawan kami pareho.
“Totoo bang anak niya ’yon?” I asked calmly then started the car again.
“Balita ’yon sa school last week at hindi ko akalain na totoong may anak siya pero bakit Mommy ang tawag niya?” nagtatakang tanong ni Yuki saka nagbukas na naman ng lollipop.
“That Paul! That was his ex—”
“Ex niya dati pero what if sila na ngayon at nag-ampon sila? Kita mo naman siguro kanina—”
“Hindi ’yan magkakatotoo!” sabat ko kay Yuki at sinulyapan siya.
“Bakit ka ba nagagalit? Wala ka namang karapatan sa kaniya.”
Umurong ang dila ko tila tinuklaw na ito ng ahas. Wala na akong karapatan sa kaniya? Wala na talaga.
“Bakit tayo nandito?” Yuki asked while looking at Waks’ house and then he licked his lollipop.
I’m here for our future...
“May importante akong gagawin kaya rito muna tayo.”
Sabay kaming lumabas sa kotse at marahas na pumasok sa bahay. Nandatnan namin si Waks at Kuya na naghaharutan habang nanonood ng TV. Mabilis na tumakbo si Yuki papunta sa kanila kaya napalingon silang dalawa sa akin.
“Why are you here?” nagtatakang tanong ni Waks na ngayon ay kandong-kandong na si Yuki.
“I found him. I found Kit ” pabalang na sagot ko.
“Good to hear—”
“It’s bad!” inis na sigaw ko kaya napakunot ang noo ni Kuya Rein. Naaalala ko na naman ang nangyari kanina!
Napairap si Waks saka inihilig ang ulo sa braso ni Kuya Rein. “Bad to hear that.”
“Waks!” hiyaw ko kaya napasimangot siya. Pumunta ako sa harapan nila habang seryosong nakatingin. “Bigyan mo ako lahat ng background ni Paul sa nakaraang anim na taon.”
“Bakit mo kailangan?” walang-ganang tanong ni Kuya Rein habang nilalaro ang buhok ni Waks at minsan ay inaamoy ito.
“Wala—”
“We will have a vacation starting tomorrow. You can’t asked something to him,” he cutted my statement.
“Just this one—”
“No,” sabat na naman niya kaya wala na akong nagawa kundi ang lumuhod sa harapan ni Kuya Rein. Kapag sinabi ni Kuya Rein na hindi puwede ay hindi talaga ito.
“I’m begging you, Kuya Rein,” nakayukong pakiusap ko.
“You— fool! Don’t kneel!” inis na sigaw ni Kuya Rein at pilit akong tinatayo habang hinihigit ang braso ko pero hindi ako nagpatinag.
“I want his help!” Tumingin ako kay Waks. “I will give you something valuable... if you get what I mean. I can get whatever you want.”
Wala na akong maisip na paraan para mapapayag si Waks. Kapag napapayag ko si Waks ay mapipilit niya si Kuya Rein at isa lang ang naiisip kong paraan— ang bigyan ang hinihingi niya.
“Really? Anything?” Halos magningning pa ang mga mata ni Waks sa sinabi ko.
“Hey, Waks—”
“Deal!” sigaw ni Waks bago pa man makapagreklamo si Kuya Rein.
BINABASA MO ANG
Timeless [MPREG]✓
Romantika[HELLO! LET ME REMIND YOU THAT THIS STORY CONTAINS BOYS LOVE (stories/relationships between male characters) SO THIS STORY ISN'T FOR YOU TO READ IF YOU'RE NOT INTO BL. THANK YOU!] (New title is waving...) [ROUGH DRAFT] An ordinary student had an int...
![Timeless [MPREG]✓](https://img.wattpad.com/cover/234831008-64-k813426.jpg)