Rui’s POV
“Dad!” isang nakakarinding tili na naman na nanggagaling kay Yuki na ngayon ay malapad na nakangiti na patungo sa akin.
“What? Can’t you see? I’m busy,” inis na sabi ko saka ibinalik ang atensiyon sa laptop.
Linggo ngayon at hindi ko pa rin natatapos ang isang presentation at lagi na lang akong ginugulo ni Yuki.
“Dad, naalala mo pa ba iyong bagong teacher na kinuwento ko sa iyo?” Hindi mawawala ang saya sa tono ng pananalita ni Yuki.
I nodded as a respond to his question. He’s been bragging about that new teacher for about more than a week and it makes me insane. He kept on talking about his teacher and I don’t want to listen to his stories anymore.
“Dad, I have a question!”
I gazed at him and raised a brow. I didn’t expect him to ask a question, I thought he will tell me a lame story again.
“Is it possible that a man will love a man?”
I stunned for a while because of Yuki’s question. Where’s that question came from?
I smiled bitterly as I remembered how I ended our relationship, how I made such a coward decisions, how I let him waste his tears and how I regret all of those things.
It’s been more than six years since I last saw him.
“Dad, why are you crying?” Nabigla ako sa tanong ni Yuki.
Fuck!
Pinunasan niya ito gamit ang malalambot niyang mga kamay. “Dad, can you answer my question?”
Ginulo ko ang buhok niya. “Yes, if you truly love that person, you will not be bothered about the gender.”
Biglang ngumiti nang napakalapad si Yuki habang namumula at hindi makatingin sa akin. “Dad, I’m inlove.”
“What the fuck are you saying?!” singhal ko sa kaniya.
I didn’t know that a kid can fall in love. What a lame joke!
Yuki pouted as he rubbed his two hands together. He’s nervous.
“Dad, I’m serious! I will marry him!” malakas na sigaw nito saka tumakbo na papalabas kaya napabuntong-hininga na lang ako.
Who’s that teacher? I need to meet him.
Kit’s POV
“Yuki?”
Agad namang napalingon ang bata noong tinawag ko siya. Nakatingin lang siya sa akin at hindi nag-abalang magsalita pa kaya ngumiti ako saka umupo sa tabi niya.
Tahimik lang akong nakatingin sa mga batang naglalaro ngayon, hindi ko magawang magsalita dahil ang nasa tabi ko ay mas tahimik pa sa lahat ng tahimik. Ilang linggo na ako rito at ang napapansin ko lang ay si Yuki na walang kaibigan at walang nagtarangkang kumausap sa kanya, ’yong tipong iniiwasan siya ng ibang bata.
Parang si Rui.
“Wala—”
"Yes, Teacher. I don’t have any friends,” usal ni Yuki habang malungkot na nakatingin sa akin kaya naawa naman ako.
Ginulo ko naman ang buhok niya dahilan para magulat siya at mamula. “Yuki, kung gusto mo ng kausap o kasama, nandito lang ako lagi,” sabi ko saka tumayo na at iniwan siya.
Ilang araw ko na rin siyang kinakausap at hindi ko alam kung ano ang gagawin para makausap siya ng maayos. May barrier kasing nakaharang kaya medyo mahihirapan ako.
“Kit.”
Agad akong napalingon at nakita ko agad ang nakangiting si Paul.
Sa sobrang bilis ng panahon ay may mga pagbabago ring nagaganap. Humingi na ng tawad si Paul sa akin at sino ba naman ako para hindi siya patawarin? People deserve many chances, mayroong iba na aabusin pero mayroon din namang hindi.
“Bakit ka naparito?”
Iniabot niya ang dalawang pirasong rosas sa akin saka napakamot sa ulo. “Dinadalaw ka, alam mo naman na hindi ako bibitiw sa iyo.”
Biglang napawi ang ngiti ko sa mukha. Mahigit anim na taon na rin niya akong nililigawan kahit na ayoko.
“Alam mo naman na—”
Malungkot siyang ngumiti. “Alam kong wala akong pag-asa kahit ano pa ang gawin ko pero hayaan mong gawin ko ’to lagi.”
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya kaya napatawa siya nang marahan at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
“May pinapaselos ako, stalker ko ’yon,” mahinang saad ni Paul saka napangisi.
Napailing na lang ako saka tumingin sa mga bata. “Ilang taon mo ng stalker ’yan? Hindi mo pa ba kilalanin?”
“Kilala ko na siya!” Napakamot siya sa batok niya habang namumula. “A-ayokong ako ang unang kumausap, nakakahiya.”
Hindi ko mapigilang hindi ngumiti. Ganitong-ganito si Paul nang una niya akong kinausap pero ang kaibahan lang ay pinalakas niya ang loob niya na kausapin ako at hindi tulad ngayon na limang taon na niyang pinipigilan.
Hulog na hulog talaga si Paul.
“How about you?”
Agad akong napalingon sa kaniya. “Ha?”
He sighed. “Wala ka bang balak na maghanap ng makakasama mo?”
Hindi ko maiwasang hindi mapatawa sa tanong niya. “Hindi mahalaga sa akin ’yon. Focus muna ako sa mga bata, kailangan kong ituon ang atensiyon ko sa pangarap ko.”
“More than six years— you’ve been suffering. Ito na ang oras para maglibang ka! Tatanda kang walang kasama niyan,” natatawang biro niya sa akin.
Napailing ako. “Busy ako ngayon.”
“Anong busy? Nakikita mo ba ’yon?” Sinundan ko ng tingin ang tinuro ng nguso ni Paul at nakita ko ang isang babaeng guro na mabilis na umiwas habang namumula. “Halatang may gusto ’yon sa 'yo. Unahan mo na.”
“Ayoko nga! Natatakot ako na baka mahuli ka at ikaw ang tatandang walang kasama dahil sa katorpehan mo.” Tiningnan ko ang mga rosas at narinig ko siyang umismid.
“Mahal mo pa ba siya?”
Hindi ako sumagot at napangiti na lang. Kahit na mahigit anim na taon na ang lumipas ay hindi ko pa rin siya kayang kalimutan man lang. Lagi siyang nasa isip ko at dala-dala ng puso ko kung saan man ako pumunta.
Pero— siguro ito na ang tamang panahon para i-let go ang lahat ng nararamdaman ko. Ang nararamdaman ko na ilang years ko ng dinadala at walang kasiguraduhan kung masusuklian pa ba ni Rui. Sa haba na ng panahon ay halatang may pamilya na siya. Ang sakit lang isipin na may pamilya siya sa iba pero ano ang magagawa ko, hindi naayon sa aming dalawa ang tadhana.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang rason kaya umaasa ako. Umaasa ako na dumating ang panahon na pagtatagpuin ulit kami pero habang tumatagal ay lumalalim na ang sugat sa puso.
Kailangan ko ng hilumin ito.
“I’ll move on.”
BINABASA MO ANG
Timeless [MPREG]✓
Novela Juvenil[HELLO! LET ME REMIND YOU THAT THIS STORY CONTAINS BOYS LOVE (stories/relationships between male characters) SO THIS STORY ISN'T FOR YOU TO READ IF YOU'RE NOT INTO BL. THANK YOU!] (New title is waving...) [ROUGH DRAFT] An ordinary student had an int...