Timeless II: 09

1.8K 106 10
                                    

Kit’s Point of View

“Teacher Kit, good morning!” nakangiting bati ni Rui na ngayon ay hawak si Yuki na nakangiti rin sa akin.

Pilit akong ngumiti saka napakamot sa ulo ko. “G-good morning.”

Bakit lagi ko na lang silang nakikita sa gate?

Wednesday na ngayon at dalawang araw na akong kinakausap ni Rui kahit na ayoko pero wala akong magagawa lalo na kapag nasa paaralan. Guro pa rin ako ng anak niya.

“Sabay na tayong pumasok, Yuki?” Napatango si Yuki sa tanong ko kaya nagpaalam na siya kay Rui.

“Mauna ka na, Yuki. Kakausapin ko lang ang teacher mo.”

Tumango si Yuki saka umuna na sa paglalakad kaya napalingon ako kay Rui na ngayon ay nakangiti pa rin. Ano ba ang gusto niya?

Unti-unting nawala ang ngiti niya saka seryoso akong tinitigan kaya napaatras ako ng kaonti sa madilim na awrang binubuga niya. “Gusto ko lang malaman kung sino ang ama ni Kiru.”

Napalaki ang mga mata ko kasabay ng pagtalon ng puso ko. Ayokong malaman niya.

“A-ama? Ako ang ama niya.” Hindi ko mapigilang hindi manginig ang boses ko at napayuko. Alam niya? Alam ba niya? Paano na ’to?

Napayuko si Rui. “Yuki told me. Huwag kang magsinungaling.”

Napapikit na lang ako sa tono ng pananalita niya. Huwag kang magpapadala sa malumanay niyang boses, Kit.

“Wala ka na roon, Mr. Teru—”

“Wala?”

Napatalon ako nang niyugyog niyang bigla ang magkabilang braso ko. Napakagat ako sa pang-ibabang labi nang nangungusap ang mga mata niyang nakatitig sa akin, ’di ako makaiwas.

Nakalimutan mo ba ang sinabi ko last Monday? Aangkinin kita ulit.”

Mabilis akong umiling saka tinanggal ang mga kamay niya. “Nahihibang ka na talaga.”

“I can be your son’s father—”

“Hindi niya kailangan ng tatay,” mariing sabi ko. “At pwede ba, labas ka na sa nangyayari sa buhay ko.”

Unang-una, hindi kaawa-awa si Kiru. Alam kong nalulungkot siya dahil wala siyang ama pero naiintindihan niya ’yon. Paano kapag nalaman ni Rui na anak niya si Kiru? Kukunin niya kaya si Kiru sa akin at ilalayo?

“Kit!”

Napabalik ako sa reyalidad dahil sa sigaw niya.

“What? Totoo naman talaga. Unang-una sa lahat, ikaw ang bumitiw. Pangalawa, wala na tayo at sobrang tagal na ’yon at ang pinakahuli, hindi na kita mahal. Bakit ka pa ba nagpupumilit?” Gusto kong magalit, umiyak at sampalin siya pero ’di ko kaya. Kahit na bumabalik na naman ang mga alaalang binaon ko na ay ayokong magpaapekto. Nakakasawa na.

“Then, I’ll make you fall for me again!”

Dinig na dinig ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Ako? Mahuhulog ulit? Ayokong umasa ngunit hindi ko maiwasang makadama ng kaonting saya pero naka-decide na ako.

“You can’t win my heart anymore, Rui.”

“Stop saying shits!”

“Ikaw ang tumigil na!” sigaw ko pabalik sa kanya. “May kanya-kanya na tayong pamilya kaya huwag kang magsasabi ng ganiyan.”

“Pamilya?” Inis niyang sinipa ang gate at malungkot akong tiningnan. “Hindi mo alam kung ano ang nangyari sa akin sa loob ng mahigit na anim na taon!”

I gritted my teeth as my tears starting to fallm “Hindi mo rin alam ang nangyari sa akin!”

Rui, ang paghihirap na dinaanan ko ay sobrang hirap na kahit kailan ay hindi na mawawala.

“Mr. Perez? Everything’s okay?”

Agad kong pinunasan ang mga luha ko saka ngumiti sa guro. “Ah, yes.” Tumingin ako kay Rui saka yumuko nang kaonti. “Please, excuse me.”

Nakalutang akong naglalakad sa corridor. Mabuti pa sigurong maghahanap na ako ng bagong paaralan.

“Kit, ayaw mo na ba talaga?”

Napahinto ako sa narinig kong boses ay malungkot na ngumiti saka hinarap siya. “Ayokong makasira saka walang maniniwalang nabuntis niya ang isang lalaki. Magmumukha akong desperadong naghahabol sa kanya.” Kahit na tumatawa ako sa pagsasalita ay pinupunasan ko ang mga luha ko.

Tinapik ni Paul ang balikat ko. “You’re really an idiot, Kit. Noong una ay ayokong malaman ni Rui na anak niya si Kiru pero ngayon ay gusto kong malaman na niya—”

“Kahibangan ’yan, Paul!” putol ko sa sasabihin ni Paul.

“Kit, you’re always sufferring,” malungkot na saad ni Paul saka binigyan ako ng isang mainit na yakap. “Sasabihin mo lang naman sa kanya na may nabuo kayo.”

“H-hindi ko kaya.” Hindi iyon madali. Paano kung mapahamak si Kiru kapag nalaman ng ama ni Rui?

“Kit, gawin mo ang tama. Matalino si Kiru pero may hangganan ang pangungulila niya.”

Tama si Paul, ipinagkait ko kay Kiru ang katotohanan. Paano na lang ang pagkakaibigan ni Yuki at Kiru? Ano ang iisipin ni Yuki sa akin?

“Siguro, ito na ang panahon na ipapakilala mo kay Kiru ang ama niya.”

Timeless [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon