Kit’s POV
Nakangiti ako ngayon habang nakatingin sa mga parents na prenteng nakaupo na. Isa-isa ko silang tiningnan maliban lang sa isang matipunong lalaki na nasa likod na nakakunot ang noo. Nahagip kanina ng mga mata ko. Hindi ko pa kayang makipagtitigan o tumingin man lang kay Rui. Pumipitik ang puso ko nang mabilis, kahit ngayon nga ay kumakabog na dahil sa presensiya niya pero hindi naman pwedeng tumakbo na lang ako lagi. Ilang meetings pa ba ang magaganap sa isang school year? Magkikita at magkikita pa rin kami at hindi iyon maiiwasan kaya mas mabuti pa siguro na hindi na ako umiwas at maging professional na lang. Isa akong guro, ayokong makaapekto ito sa trabaho ko.
Napabuntong-hininga na lang ako saka ngumiti. “Good morning parents and guardians. Sigurado ako na ang ilan sa inyo ay hindi ako kilala. I’m Kit Perez—”
“Ang bata mo pa. May asawa ka na ba?” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may sumabat.
“W-wala pero may anak na ako.” Last week ay may nagtatanong din sa akin. Ayoko mang sagutin ay wala akong magagawa. Ayokong magkaroon ng hindi magandang pakikiugnayan sa iba lalo na bagong salta pa lang ako.
Nagsimula na silang magbulungan. Big deal ba ang buhay ko? Buhay namin ng anak ko?
“Kapag ba may tumayong ina ng anak mo ay—”
“Anong klaseng mga tanong ’yan? Meeting ’to para sa Family Day,” sabat ng principal na ngayon ay kararating pa lang kaya napahinto ang mga parents sa pagbubulungan.
Napabuntong-hininga na lang ako. Ito ang unang beses kong mag-conduct ng meeting kaya naninibago pa ako lalo na’t mga parents ang kaharap ko at hindi mga bata. Mahihirapan ako nito.
Mabuti na lang at tumigil na sila sa katatanong. Mahirap na at baka masabi ko pa na ako ang nagdala kay Kiru sa loob ng siyam na buwan. Tiyak na walang maniniwala at mapapagkamalan pa akong baliw. At mahirap din dahil nandito si Rui. Sinulyapan ko siya at napaatras ako nang kaonti nang magsalubong ang mga tingin namin kaya ako na ang unang umiwas.
Bakit ba hindi na lang ang nanay ni Yuki ang pumunta?
Sinimulan ko na ang meeting. Naging madali lang ito lalo na’t sinulat ko sa board ang mangyayari at ang pag-uusapan sa meeting. Isang oras ang lumipas at natapos namin ang pag-uusap sa dadalhing pagkain, para sa decorations, sa games at iba pa. Ni isang sulyap man lang sa pwesto ni Rui ay hindi ko ginawa hanggang sa matapos ang meeting. Patuloy lang ako sa pagngiti at sa pagpapaalam sa mga magulang na umuuwi na.
Napangiti na lang ako saka inayos ang mga gamit na nasa lamesa. Ang gandang experience ’to para sa akin.
“So, you’re finally a teacher, Kit Perez.”
Napahinto ako sa ginagawa ko dahil sa nagsalita. Nakayuko lang ako ngayon at kitang-kita ko ang isang pares ng sapatos. Ayokong iangat ang ulo ko pero wala akong magagawa. Hindi ko kayang takbuhan si Rui.
Inangat ko ang ulo ko saka ngumiti nang malapad sa kaniya. “Yes, Mr. Teru, naging guro na rin ako.”
Bakit ka pa kasi nandito? Kung umuwi ka na lang kaya?
Nakita ko kung paano tumaas ang kilay ni Rui dahilan para mapaiwas ako at itinuon ang atensiyon sa inaayos na gamit. Walang pinagbago, Rui na Rui kahit saan ko tingnan. Mas lalo siyang naging gwapo dahil sa ayos, awrang bumabalot at sa pagiging matured niya.
“It’s been more than six years, ang galing mong magtago.”
Napahigpit ang hawak ko sa notebook. Sino na ang nagtatago? Kahit kailan ay hindi ako nagtago sa kanya. Hindi ko maiwasang mainis at masaktan sa sinabi niya. Parang kasalan ko ang nangyari noon.
Bumuntong-hininga ako saka lakas loob na hinarap siya na ngayon ay prenteng nakaupo na sa armchair at seryosong nakatingin sa akin.
“Mr. Teru, hindi ako nagtatago. Saka, sino naman ang kailangan kong taguan?” Napakunot ang noo ko nang bigla siyang tumawa at hindi ko alam kong bakit ako nanonood sa kanya. Na-miss ko siya—wait, ano? Nahihibang ka na ba Kit? Hindi ’to pwede!
Ngumiti nang matamis si Rui dahilan para bumilis ang pintig ng puso ko. “Hindi ka pa rin nagbabago, Kit. Ang lakas pa rin ng loob mo—”
Mabilis kong isinukbit ang bag ko sa braso saka kinakabahang sinulyapan siya. “Mr. Teru, isasarado ko na ang classroom, baka gusto mo ng umuwi?”
Tumalikod na ako sa kanya saka umuna na sa paglalakad pero nanigas ako nang may dalawang braso ang pumulupot sa katawan ko at ang pagdikit ng likod ko sa matigas na dibdib. Ramdam ko ang bilis ng puso ko na gusto ng kumawala na sinasabayan naman ng puso ni Rui at ramdam na ramdam ko rin ang mainit niyang hininga sa tainga ko.
“Kit, aangkinin kita.” Pagkatapos bitiwan ni Rui ang mga katagang ’yon ay nakatitig lang ako sa kanya na papalabas na hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Napabagsak ako sa sahig habang ang mga tuhod ko ay patuloy pa rin sa panginginig.
Ang pagkakabigkas niya ay mariin, maawtoridad at seryosong-seryoso na hindi ko alam kung ano ang gagawin o iisipin man lang.
Aangkinin? Nahihibang na ba siya? Binitiwan na niya ako! Sino pa ang aangkinin niya? Lilitaw na lang bigla para mang-angkin?
Napayuko na lang ako nang isa-isang tumulo ang mga luha ko. Masaya na kami ni Kiru. Ayoko ring magkaroon ng issue sa mga ganito. Alam kaya ni Rui na anak niya si Kiru? Kukunin kaya niya si Kiru sa akin?
Mag-isip ka Kit!
Ayokong umalis sa paaralang ito. Ayokong magtago o tumakbo dahil sino ba si Rui sa buhay ko? Sa buhay namin ni Kiru? Matagal na kaming wala kaya bakit malaki pa rin ang impact pagdating kay Rui. Napakaimposible ring malaman ni Rui ang tungkol sa pagbubuntis ko maliban na lang kung sinabihan siya ni Paul. Mahalaga si Kiru sa akin. Kahit na masakit para sa akin na makitang malungkot ang anak ko dahil wala siyang ama katulad ng iba. Si Kiru lang ang mayroon ako.
“May pamilya ka na, Rui.”
Ayokong makasira ng pamilya. Kahit gusto ko mang mabuo ang pamilya natin ay hinding-hindi na mangyayari ’yon. Magpapakalayo-layo na lang kami.
_________________________________________
Sorry kung medyo natagalan. HAHAHA binasa ko ulit at hinabaan ko para sulit ang isang chapter. Sa mga bumabasa ng Timeless, maraming salamat sa inyo!<3
-Eana Salvo (May 17, 2021)
BINABASA MO ANG
Timeless [MPREG]✓
Romance[HELLO! LET ME REMIND YOU THAT THIS STORY CONTAINS BOYS LOVE (stories/relationships between male characters) SO THIS STORY ISN'T FOR YOU TO READ IF YOU'RE NOT INTO BL. THANK YOU!] (New title is waving...) [ROUGH DRAFT] An ordinary student had an int...
![Timeless [MPREG]✓](https://img.wattpad.com/cover/234831008-64-k813426.jpg)