002

49 12 149
                                        

HAILEY


"Psst. Miss Hepa."


Agad akong napapikit nang mariin dahil sa inis. Kanina ko pa naririnig ang sitsit na 'yon. Sinusubukan ko namang hindi pansinin, pero, putcha, nakakairita na!


"Sungit naman. Snob ka ba?" tanong na naman ni Teo, nakahalumbaba sa desk niya sa kaliwa ko.


Simula no'ng nagka-"kilala" kami kahapon, hindi ko na naman talaga pinlanong kausapin siya. Ni hindi ko nga sinabi ang pangalan ko pagkatapos niyang mag-introduce, pero kamalas-malasang hindi niya 'ko tinantanan. Hanggang dito ba naman sa classroom, hindi ako mabuhay nang matiwasay.


"Miss Hepa," tawag na naman ng gago.


Nilingon ko siya, napupuno na. "'Wag mo 'kong tawaging 'Miss Hepa'."


Tinitigan niya 'ko, kumukurap, pagkatapos ay taka niyang tinagilid ang ulo niya. "Miss Titis?"


"Bobo ka ba?" pasinghal na bulong ko sa kaniya. Hindi ko naman puwedeng lakasan ang boses ko dahil may teacher kami sa unahan. Ang lakas din ng loob nitong daldalin ako habang may klase!


"Ayaw mo kasing sabihin kung anong pangalan mo. Anong itatawag ko sa'yo?" sambit niya na parang siya pa'ng pikon. Anong ka-pikon-pikon do'n?!


"E'di 'wag mo 'kong kausapin para hindi ka namomroblema ng itatawag sa'kin," sarcastic na sagot ko, sinasamaan pa rin siya ng tingin.


Tinitigan niya 'ko, bago siya ngumuso. "Hindi naman 'yon option."


"Punyeta." suko nang mura ko at inalis ang tingin sa kaniya.


Hindi pa rin siya tumigil sa pangungulit sa'kin, pero hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa matapos ang second period namin. Buti na nga lang ay hindi kami napagalitan ng lecturer sa kadaldalan niya, dahil mapapatay ko talaga 'to sakaling ma-detention ako sa second day.


"'Oy," rinig kong tawag na naman niya. Biglang may umakbay sa'kin habang naglalakad ako sa hallway, at nang tumingin ako sa gilid ko ay agad akong nginitian ni Teo nang parang bata. "Hi."


"Pagkabilang ko ng tatlo't hindi mo pa inaalis 'yang akbay mo..." blanko ang tinging banta ko. Sumimangot kaagad siya at inalis na rin ang braso mula sa'kin.


"Sungit," irap niya, pero ngumiti ulit nang tumingin siya sa'kin. "Gusto mong mag-canteen? Sabay tayo," aya pa niya.


Sinamaan ko siya ng tingin. "Feeling close ka? Ang clingy mo," insulto ko.


"Ayaw mo no'n?" ngisi niya, tinaas pa'ng parehas na kilay sa'kin. Nang ambahan ko siya ng suntok ay umiwas din naman ang gago. "Joke lang. Bayolente ka, 'no?"


"Sa gago lang," witty-ng sabi ko at ngumit pa nang fake sa kaniya, pagkatapos ay bumusangot na rin ako. "Tantanan mo nga ako, nakakairita ka. Hindi tayo close."

Hiatus (VBoys Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon