009

44 8 150
                                        

HAILEY


"Painom."


Tinaasan ko kaagad ng kilay ang naglahad ng kamay sa unahan ko. Ngumiti naman sa 'kin si Teo na parang bata, inuuto na naman ako sa hinihingi niya. Kakatapos lang kasi naming mag-lunch, at ngayo'y gusto niya na namang makiinom sa tubig ko.


"Bumili ka ng sarili mong tubig," irap ko. Pati ba naman tubig niya, ako ang mamomroblema. Anak ko ba siya?


"Damot," nguso niya at kinalabit pa ako. "Dali na. Painom."


"Ibubuhos ko 'to sa 'yo," banta ko, hawak ang bottled water na binili ko kanina sa canteen.


He shrugged. "Okay lang. Tubig pa rin."


Huminga ako nang malalim at sumuko na lang dahil wala na akong magawa sa kakulitan ni Teo. Kahit naman anong tanggi ko ay mangungulit pa rin 'to. Kaya masarap kutusan, e.


"Thanks." ngiti niya nang iabot ko ang tubig sa kaniya. Ngiting-ngiti pa talaga.


"Sana mabulunan," mahinang sabi ko.


Alam ko namang maririnig niya 'yon kaya hindi na ako nagulat nang samaan niya ako ng tingin habang nainom. Hanggang sa ibaba niya 'yon ay masama pa rin ang tingin niya. "Narinig ko 'yon."


"Pinarinig ko talaga," sagot ko naman. "Akin na, tuktok ko 'yan sa 'yo." banta ko bago bawiin ang bottle sa kaniya.


Nakaupo kami ngayon sa canteen, nakatalikod ang parehas na upuan mula sa lamesa. Patapos na ang lunch break, pero mukhang parehas kaming tinatamad bumalik sa room.


"May klase pa ba?" tanong ko kay Teo habang diretso lang ang tingin ko sa unahan, pinapanood ang mga dumadaang tao sa canteen. "'Yoko bumalik, nakakaantok lang."


Nagkibit-balikat si Teo. "Attendance lang siguro, wala na namang nagdi-discuss ngayon. Busy na mag-asikaso ng intrams, next month na kasi."


"Eh?" bulalas ko at napalingon sa kaniya. "Mag-i-intrams na ba? Ba't 'di ko alam?"


Sumimangot siya sa 'kin. "Talagang nagtaka pa. Gusto mo bang i-enumerate ko kung bakit?" tanong niya at nagsimulang magtaas ng daliri. "Una, boss, lagi ka namang tulog sa klase. Pangalawa, kung gising ka man, hindi ka nakikinig sa announcements. Pangatlo, hindi ka rin nagbabasa sa GC. Pang-apat, hindi ka—"


"Oo na, oo na!" iritang putol ko sa kaniya, kunot ang noo. "Nakakarindi ka, 'no? Daming ebas."


"Salamat, salamat," OA na sagot niya at nagbo-bow, tinataas pa ang kamay na parang may pinapasalamatan talaga siya. Gago talaga. "Tinatamad din akong bumalik sa room, gusto mo bang mag-cut?" biglang alok niya.


"Pass, mali 'yan," biro ko. "Itigil mo 'yan, get some help." dagdag ko pa. Ngumiwi tuloy siya.


"'Wag ka nang uulit, ang corny mo," pandidiri niya pa. "Seryoso, hindi naman mahalaga 'yong class ngayong hapon, hindi rin daw papasukan nina Tash. Ayaw mo bang tumambay na lang?"


Sandali akong nag-isip, dahil ayoko rin naman talagang pumasok pa sa klase. "Saan ba?"


"Kina Night, wala na silang klase ngayon, e. Doon na lang tayo makitambay sa room nila," ngiti niya at tumayo, binalik din 'yong ayos ng upuan at hinarap sa table bago ako hinila sa braso. "Tara, dali!"


"Kinginang..." amba ko dahil hindi pa ako nakakatayo nang ayos ay hinigit niya na agad ako. Sinamaan ko na lang ng tingin ang likuran ng ulo niya habang hila-hila niya ako palabas ng canteen.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hiatus (VBoys Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon