HAILEY
"Welcome to The Trig, everyone!"
Pagkatapos ng welcoming meeting ng student publication namin ay nagsilabasan na rin ang mga tao mula sa multimedia room. Matamlay akong lumabas, inaantok dahil sa tagal namin sa loob. Parang ngayon pa lang, pinagsisisihan ko nang sumali-sali pa 'ko rito.
"Antok ka?" tanong sa'kin ni Teo habang naglalakad sa tabi ko. Sabay pa kaming lumabas dahil magkatabi lang din kami sa loob kanina.
"Oo," iritang sagot ko, napapakamot pa sa batok dahil gusto ko na lang talagang matulog. "May klase pa ba?"
"Mayro'n," sagot niya, sumulyap pa sa itim na relong suot. "Fifteen minutes pa. Tawag din tayo ni Kiefer, may gagawin daw." dagdag niya't sa'kin naman tumingin.
"Sa photojourn?" kunot-noong tanong ko, na tinanguan niya naman. "Ugh," bagsak ang balikat na usal ko.
Tinatamad na talaga 'ko.
Tinawanan ako ni Teo. "Tara na, mabilis lang 'yon. Magpahinga ka na lang mamaya."
Dahil wala rin naman akong choice ay sumunod na lang din ako sa kaniya. Nasa office daw ng student publication si Kip, kaya ro'n kami dumiretso. May nakasulat pang 'The Trig' sa pintuan no'n, since 'yon ang pangalan ng publication namin. True and truthful daw ang meaning, ewan ko ba.
"Anong ganap?" bungad na tanong ni Teo kay Kip nang makita namin siya sa lamesa ro'n.
Nag-aayos siya ng itim na portfolios nang maabutan namin, at nang tingalain niya kami ay inabutan niya kami ng tig-isa no'n. "Kailangan daw ng drafts natin. Kahit ano, basta our best shots. Dapat naka-portfolio."
"Pupunuin?" takang tanong ko. Nang tanguan ako ni Kip ay mas lalong sumama ang mukha ko. Tig-iisang portfolio kami ng pupunuin! Tama ba naman 'yon?!
"Hanggang next month pa 'yan, don't worry. No need to rush," pagre-remind niya sa'min, pagkatapos ay kumuha rin siya ng portfolio para sa sarili bago naglakad. "I'll go ahead. 'Kita na lang tayo sa room."
Nag-fist bump pa sila ni Teo bago siya tuluyang nakalabas ng office, habang ako'y nanatiling nakatayo ro'n at sukong-suko na sa buhay. Tinatamad talaga ako ngayon. Ito'ng ayaw ko sa mga ganitong extracurricular, eh. Nakaka-drain, lalo na kung magsasabay-sabay.
"Okay ka pa ba?" natatawang tanong ni Teo at mahina akong siniko. "Ayaw mong gumawa?"
"Tinatamad ako," agad na amin ko kinusot pa'ng isa kong mata dahil inaantok talaga ako. Pangalawang linggo pa lang ng klase, pero parang gusto ko na kaagad sumuko. Ang sarap na lang maging hotdog sa ref.
Teo chuckled. "Sige na, ako na'ng gagawa ng sa'yo. Magpahinga ka na lang."
"Eh?" sambit ko sa kaniya, magkasalubong ang kilay. "Masyado 'yang marami. Sabi ko naman, tutulong ako kapag kaya ko," sabi ko pa. Masyado naman akong magmumukhang masama kapag hinayaan ko siyang gumawa no'n nang mag-isa.

BINABASA MO ANG
Hiatus (VBoys Series #4)
RomanceVBOYS SERIES #4: VILLAROEL --- "Malabong mahalin mo ako, dahil magkaibigan lang tayo." Hailey Jacquelyn Montemayor has never been the sociable type. She never had a lot of friends, and she liked it that way. That's what she thought... until the frie...