008

83 10 171
                                    

HAILEY


"Totoo ba 'yon?"


Sinamaan ko ng tingin si Teo. Pang-ilang tanong niya na 'yon simula nang sabihin ko ang kung ano mang sinabi ko kanina. Paulit-ulit. Parang sirang plaka.


"Susungalngalin na kita," banta ko. Nakakairita naman kasi. Sabi na't ipang-aasar niya lang 'yon sa 'kin. Sana pala, hindi na lang ako umamin!


"Nahihiya ka ba?" nang-aasar pa rin na tawa ni Teo, pagkatapos ay ngumisi siya. "Shy type pala ang baby naming 'yan. Hiya-hiya ba ikaw, Jackie?" he talked in a baby voice.


"Ewan ko sa 'yo, tangina ka. Madali sana sa paa ng lamesa 'yang hinliliit mo sa paa." banta ko at pinagpagan ang suot. Malamig na rin dahil kanina pa kaming narito sa labas.


"Iskeri," walang katakot-takot na sambit ni Teo, nilahad ang kamay sa 'kin habang ngiting-ngiti pa rin. "'Lika na, friend. Pasok na tayo sa loob, friend. Okay lang ba 'yon sa 'yo, friend?" aniya, mariin ang pagkakasabi sa isang salitang 'yon.


Napapikit na lang ako sa inis at hiniling kay Lord na itaas na si Teo sa tabi niya ngayon. Matiwasay na rin kaming nakabalik sa loob ng gym dahil binalikan na namin 'yong mga kaibigan niya roon.


Tahimik lang ulit akong umupo habang may kaniya-kaniya silang ganap doon. Maski si Teo ay may kausap kaya naiwan akong mag-isa, hanggang sa may umupo sa tabi ko.


"Hi! Hailey, right?" bungad sa 'kin no'ng babae na kasama ng tropa ni Teo kanina. Naka-pink na dress, ito yata 'yong may lahi. Ang ganda-ganda ng mukha, e.


Tinanguan ko lang siya, pero patuloy niya 'kong dinaldal kahit na ang iikli ng mga tinutugon ko. Maski sa pagtanong niya sa course ko ay tinipid ko pa siya sa sagot, kaya mukhang nag-buffer pa'ng utak ng isang 'to nang sabihin kong "Crim" lang.


Kumurap-kurap pa siya, nagtataka. "Crim... C-Criminal?"


Muntik na 'kong matawa sa mild na katangahan niya. "Sabog ka ba? Crim, as in Criminology."


"O-Oh! Sorry!" parang nagpa-panic na tugon niya ro'n.


Sa lahat ng nagtangkang mangausap sa 'kin ngayong gabi, itong isa lang ang hindi ko masyadong ginustong iwasan. Madaldal siya, pero halatang awkward ding makipag-usap kaya nakakasabayan ko. HIndi sobrang matalak na mahirap nang sundan. Sakto lang.


"I'm on twelfth grade," sagot niya nang sa kaniya ko naman ibalik 'yong tanong tungkol sa course niya. Kaya naman pala maingat 'tong makipag-usap, mas bata.


"Kung isumbong kita? Anong gagawin mo?" nang-aasar na tanong ko. Pumuslit lang pala 'to rito, e.


Nakita kong napanguso kaagad siya. "A-Ang bad mo naman! I just said na don't tell, eh!"

Hiatus (VBoys Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon