HAILEY
"Nickname ba 'yon?"
Taka akong tumingin kay Teo nang tanungin ko 'yon. Hindi ko naman kasi na-gets 'yong tinawag niya sa'kin kahapon, at ngayon ko lang siya natanong dahil umalis na rin siya pagkasabi niya ng "welcome" sa'kin.
"Depende," tipid na sagot niya, kaya mas kumunot ang noo ko.
"Depende, saan?" pang-uusisa ko pa, inaabangan ang sasabihin niya.
Nilingon ako ni Teo, pagkatapos ay nginitian niya na naman ako nang mapang-asar. "Depende sa bilang ng pakwan na binili ni Juan."
"Anak ng teteng..." napapasukong bulong ko nang marinig na naman ang kalokohan niya. Gusto ko sana siyang sapakin, kaso nasa klase pa kami. Narinig ko ang mahinang hagikhik niya sa tabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin, pero nginitian niya lang ako nang OA, tipong pikit na ang mga mata niya.
"Inis ka na niyan?" ngisi ni Teo, pagkatapos ay nginuso niya lang ang lecturer sa unahan namin. "Daldal mo, Yorme. Makinig ka kay Ma'am, oh," dagdag niya pa.
"Gago." mahinang mura ko at pairap na umiwas ng tingin.
Parang wala lang na dumaan ang oras ng klase namin dahil maski isa ay wala akong maintindihan. Okay lang naman siguro since first week pa lang. Next week na lang ako magtitino.
"Kip! Magka-canteen ka?" rinig kong tanong ng isa kong kaklase sa... kaklase ko rin. Siya 'yong ni-nominate na muse no'ng elections namin kaninang umaga. Bagay naman sa kaniya.
"'Di. Tinatamad ako." sagot no'ng lalaki at nag-slouch sa uinuupuan, nagpasak pa ng earphones bago ipinatong ang mga paa sa chair na nasa unahan niya.
"Nye," nag-pout 'yong babae, pagkatapos ay lumingon siya sa'kin at ngumiti. "Hi! Ikaw? Gusto mong mag-canteen?"
Binalingan ko rin siya, pero hindi ako sumagot kaagad dahil hindi ko naman in-expect na tatanungin niya 'ko. Sabagay, lima na lang kaming nandito sa room, kaya kahit sa dulo ako nakaupo ay napansin niya pa rin ako.
Inilingan ko lang siya dahil tinatamad akong magsalita. Mas napanguso siya, pero pabiro lang naman. Luminga-linga pa siya sa room na parang naghahanap pa ng ibang matatanong, kaya napatingin naman siya kay Teo na palabas na ng room kasama'ng iba pa naming kaklase.
"'Uy, sa canteen ba kayo? Pasama!" habol ulit no'ng babae. Sa naaalala ko kaninang elections namin ay Tashianna ang pangalan niya. Muntik ko pang hindi matandaan dahil sa haba. Parang pang-Disney princess.
"Sige ba," tango ni Teo, tapos ay tumingin siya sa'kin, may hawak nang itim na wallet. "Ikaw, Miss Jacquelyn? Ayaw mo?" aya niya.
Kinunutan ko pa siya ng noo dahil sa pangalan kong binanggit niya. Tatlo araw pa lang kaming magkakilala, ang dami na niya kaagad na natatawag sa'kin. Creative na sana kung hindi lang nakakairita.
"Ay, close kayo?" medyo gulat na tanong ni Tashianna, siguro kasi hindi niya pa 'ko nakikitang nakikipag-usap sa iba. Mas ngumiti naman siya at nilapitan ako. "Sama ka sa'min, Hailey! Ay, Hailey nga ba? Hailey, 'di ba?" parang naguluhan pang tanong niya.

BINABASA MO ANG
Hiatus (VBoys Series #4)
RomanceVBOYS SERIES #4: VILLAROEL --- "Malabong mahalin mo ako, dahil magkaibigan lang tayo." Hailey Jacquelyn Montemayor has never been the sociable type. She never had a lot of friends, and she liked it that way. That's what she thought... until the frie...