004

56 12 162
                                        

HAILEY


"Okay na 'to."


Nag-inat si Teo, binaba na rin ang hawak na marker bago ngumiti sa'kin. Tiniklop niya pa 'yong manila paper na sinulatan namin, sa'kin din inabot.


"Tingin mo?" tanong niya, pinapatunog pa'ng leeg at tinitignan lang ako.


"Okay na. Sagot ko 'yan, eh," irap ko, na tinawanan naman niya. "Umuwi ka na. Wala akong balak na maging hospitable pa sa'yo," pagtataboy ko.


"Eh," tawa niya, pero tumayo na rin siya mula sa sahig namin. Hindi ko naman siya sinabihang umupo ro'n. Choice niya na 'yon, tanga siya.


Iniwan ko muna'ng mga gamit namin sa sala dahil bubuksan ko pa'ng gate para makalabas siya. Mamaya ko na lang 'yon liligpitin. Sakto namang magti-thirty minutes nga lang ang inabot ng gawain namin, kaya pupuwede na siyang umalis. Ayoko rin namang magtagal siya dahil hindi ko pa naman siya gaanong kakilala para pagkatiwalaan ko nang bongga.


"Ikaw na'ng magdadala bukas?" tanong ni Teo, nakaturo sa manila paper na hawak ko dahil sa'kin niya nga 'yon inabot. Ayoko namang maging responsible sa pagdadala no'n bukas, kaya inabot ko 'yon sa kaniya, kaya natawa siya't lumabas na ng gate. "Salamat ulit—Ay."


Napa-'ay' si Teo nang may mabangga siya habang palabas ng gate namin. Napatingin din ako ro'n at nakita si Mama na bagong dating.


"Ay, sorry!" tugon sa kaniya ni Mama. Tumingala pa siya para tumingin kay Teo dahil sa tangkad niya kumpara kay Mama.


Napanganga siya nang makitang hindi ako ang nabangga niya, kaya sa'kin naman siya tumingin, napapakurap pa. Hindi naman ako nagsalita at tinitigan lang din si Mama na mukhang takang-taka na sa harapan ko, kaya kinunutan ko lang din siya ng noo, wordlessly asking kung anong trip niya sa buhay.


Mayamaya'y ngumiti na si Mama, pero halatang may malisya'ng ngiti niyang 'yon. "Jacquelyn, hindi mo sinabing may bisita ka pala."


"Ma, 'Hailey' nga lang," pagco-correct ko kaagad sa kaniya, ngumingiwi. Ang pangit talaga ng Jacquelyn. "Kaklase ko, may ginawa lang kaming activity," tamad na turo ko sa katabi.


Tumingin naman sa'kin si Teo. Wala siyang sinasabi, at hindi ko rin alam kung bakit, pero sa tingin niya lang na 'yon ay naintindihan kong nagpapaalam pa siya sa'kin kung puwede niyang batiin si Mama. I nodded, kaya ngumiti naman siya bago bumaling sa bagong dating.


"Hello po," ngiti niya sa nanay ko.


"Hello! Ang tangkad mo naman!" parang tuwang-tuwa pang sabi sa kaniya ni Mama. Nanahimik lang ako sa tabi, nawe-weird-an sa ngitian nila.


"Uuwi na 'yan," sumingit na 'ko dahil ayoko namang magtagal pa si Teo rito. Gusto ko nang matulog, at kapag nagtagal siya, e'di iintindihin ko pa bilang "bisita" ko. 'Wag na lang. "Pumasok ka na ro'n, Ma. 'La pa 'kong sinasaing."


"Ako na'ng magsasaing," sabi niya't nag-gesture pa sa'kin habang pumapasok sa gate, tapos nilingon niya na naman 'yong isa. "Hijo, gusto mo bang kumain muna? Magluluto na naman ak—"

Hiatus (VBoys Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon