HAILEY
"Uuwi ka na, Hail? Pasabay!"
Kumapit kaagad si Tash sa braso ko, kagaya ng palagi niyang ginagawa sa loob ng mga buwan na naging kaklase ko siya. Kung tutuusin ay mukha na kaming close friends dahil sa mga asta niya, pero kahit gano'n ay kakilala pa lang din ang turing ko sa kaniya, kahit na may kakaibang nickname na rin siyang binigay sa'kin.
"May isu-submit pa 'ko sa photojourn, mauna ka na," sambit ko sa kaniya habang naglalakad na kami pababa ng building namin. Nasa ibang building pa kasi 'yong lintik na office ng student publication. Ang layo ng peste.
Madalas ko nang naisip na umalis na sa photojournalism ng school paper, dahil madalas akong tinatamad. Dapat ay kasama ko sa Teodoro sa pagpapasa ngayon, pero hindi ko na siya naabutan sa room kanina. HIndi ko tuloy mahanap si gago.
"Gano'n?" pag-pout ni Tashianna sa sinabi ko kanina, pero hindi na 'ko sumagot. Luminga-linga lang siya, hanggang sa nanlaki ang mga mata niya at ilang beses niya 'kong tinapik sa braso, may tinuturo. "Hail, tusok-tusok! Kain muna tayo, bilis! Mamaya ka na umuwi!"
Bago pa 'ko makapag-react doon ay hinila niya na rin ako palabas ng campus gate dahil lang nakita niyang naroon na 'yong vendor ng tusok-tusok. Nagse-set up pa nga lang, eh, pero gusto na kaagad dumugin ni Tash.
Nagiging "bonding" na namin ni Tash ang kumain, dahil 'yon lang ang mayroon kami in common. Siya lang din ang tumatawag doon na bonding, dahil hindi ko naman 'yon kino-consider. Basta, ayos lang sa'kin kapag chumichibog kami nang magkasama.
"Mm, kwek-kwek!" parang maiiyak pa sa sayang turo ni Tash sa mga 'yon habang niluluto. "Kuya, pabili ako, thirty pesos. Tapos—Ay, Hailey, ayon pala si Teo, oh. 'Di ba, kanina mo pang hinahanap?" turo niya.
Lumingon ako sa kanan namin, at nakitang naro'n si Teo sa may stall ng nagbebenta ng manggang hilaw. Busy pa yata siya dahil sa phone lang nakatutok habang hinihintay yata'ng binili niya. Napairap naman ako at kaagad na lumapit.
"'Oy," tamad na tawag ko habang papalapit sa kaniya.
Saktong tapos nang hiwain ng nagtitinda 'yong mangga niya, kaya inabot muna ni Teo ang stick no'n bago bumaling sa'kin. "'Di ka pa nauwi?"
"Uuwi na dapat, hinila lang ako ni Tash dito," paliwanag ko at nilingon pa si Tash para mapansin ni Teo. Tuwang-tuwa naman ang bata dahil may hawak nang baso ng kwek-kwek. "Nagpasa ka na ba ng portfolio? Hanggang ngayon na lang 'yon, 'di ba?" tanong ko ulit kay Teo.
"Kahapon pa, sumabay ako kay Kip," sagot niya, pagkatapos ay inalok sa'kin ang mangga niyang nakalagay sa stick. "Gusto mo? Libre kita."
"'Lamat," tango ko na lang. Um-order naman ulit si Teo ng isang mangga ro'n sa nagtitinda habang nanatili akong nakatayo ro'n. "Magpapasa pa 'ko nito, nakakatamad. Dapat sinabihan niyo 'ko para nakisabay ako." simangot ko.
"Sorry," tawa ni Teo at inabot na rin sa'kin ang mangga ko.
BINABASA MO ANG
Hiatus (VBoys Series #4)
RomanceVBOYS SERIES #4: VILLAROEL --- "Malabong mahalin mo ako, dahil magkaibigan lang tayo." Hailey Jacquelyn Montemayor has never been the sociable type. She never had a lot of friends, and she liked it that way. That's what she thought... until the frie...