Chapter 6
"You should go home Jewel... I'm worried." Hindi ako sumagot at nakatingin lang ako sa kisame, walang emosyon. Namatay na si mommy, ganun ba akong kasama kaya't kinuha na siya? Kapag ba mas naging mabait ako, mas tatagal ba siya?
Ngayong medyo okay na kami, saka naman siya aalis. "Jewel..." Tawag nanaman sakin. Inis ko siyang tinapunan ng tingin. Nasa clinic kami, I just fainted a while ago, didn't know what happened, I just know that my mommy had passed away, and everyone is mourning about her.
"Duke, take care of her. Make sure na papasok siya dito, she's important." Lumabas si Colonel at naiwan na kaming dalawa ni Duke.
"What do you want to eat?"
"I want to see mommy." Mabilis kong sagot at bumaling sa kanya. Walang bakas na gulat sa kanyang mata, lungkot lang.
Tumango siya at tinulungan niya akong bumangon. Nagkadikit ang aming mga binti pero mabilis niyang inalis at umiwas ng tingin na parang walang nangyari.
"Salamat." Sagot ko pagkatapos isara ang pinto. Sumakay na din siya, iginaya ko sa kanya ang aming bahay, pagka park niya sa harap, parang ayaw ko nang magpakita pa.
Bumaba ang tingin ko. Ayaw nila akong makita, pagbibintangan nila akong may kasalanan kung bakit namatay si mommy, paparusaran nila ako dahil hindi ko sila tinulungan noong buhay pa siya, kung bakit naglayas ako at dumagdag sa problema niya.
Naramdaman kong tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. Pero naramdaman ko ang haplos ni Duke sa aking kamay. Bumaling ako sa kanya at ngumiti. "Pupunta kaya ako? Sa gabi na lang, o i-uutos ko si Jessica na—"
"She's your mommy, hindi mo naman kasalanan ang pagkamatay niya. And this is your house—besides, nandito naman ako kapag kailangan mo ng back-up." Kumindat siya at itinuro sa labas.
Nag-isip muna ako bago tumango at ilinabas ang sarili. Yinakap ako ng hangin na puno ng masakit na ala-ala. Talaga kapag nawala na ang tao, saka mo lang mararamdaman ang pagmamahal mo.
Hindi man naging perpektong nanay si mommy, siya pa din ang magluwal sa'kin, ang nag bigay ng buhay sa'kin. Utang pa din yun.
Nanlalamig ang aking kamay habang nakahawak sa gate, pero hinaplos ni Duke yun at siya na din ang nagbukas. Maraming mga sasakyan sa harap at may mga bulakalk na din.
Bumaba ulit ang ulo ko, ngayon ko lang napag-tanto na wala pala akong dala, tumingin ako Kay Duke, ngumisi siya at itinaas ang kanyang kamay.
Bumaling ako sa gilid at laking gulat ko dahil may dalawang malalaking bulaklak na Ang nandoon, it was heart shaped with a sash on the center, having my name on it.
Naluluha kong tinignan si Duke, "salamat talaga, may utang nanaman ako sayo..." I trailed off. He chuckled and tucked my hair on the side then planting a soft kiss on my cheek. Isang malambot, mainit, na halik angw iginawad niya.
I used to like his kisses before, but now, all I can feel is numbness. "Next time, I'll pay you next time." Bulong ko bago binuhat ang isang malaking bulaklak sa loob ng bahay.
Duke was behind me when I stopped in front of the doorstep, everyone looks at me with a shocking yet angry face. Unang tumayo ay ang kapatid ni mommy na inggitera. "Anong ginagawa mo dito?" May bahid na inis, lungkot, at galit sa kanyang tono pero pilot niyang pakamahin ang kanyang itsura.
YOU ARE READING
Jewel in the Sea(Puerto Princesa Series 5)
Romance𝐏𝐔𝐄𝐑𝐓𝐎 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐂𝐄𝐒𝐀 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 5 "I don't care if you use me again, I don't care if you throw me away after you find your destination. As long as the Jewel in the Sea found it's home, I'm a happy compass." _*_*_ Jewel Cristle Patron was...