Chapter 9

6 2 0
                                    

Chapter 9

[How's first day?]



Hawak hawak ko ang aking cellphone habang pinagmamasdan si Duke na nakanguso at tila ngumihingi ng halik. Maraming mga papel sa kanyang lamesa pero hinayaan niya lang itong nakalahag.



Naiistorbo ko ata siya.



Napaisip nanaman ako dahil sa pag-uusap namin ni General kanina. Soon enough, after I graduate, I'll get a mission, the mission that mommy and her twin failed to accomplish.



"Okay lang. Na mimiss ko na ang mga luto mo." Pan lambing ko sa kanya. Nakakunot ang noo niya pero lumitaw din ang kanyang ngiti.



[Na mimiss ko na ang labi mo.] Ngumuso siya. Iniripan ko siya, akala ko noon hindi ko siya ma mimiss dahil marami namang gwapo dito, pero nagkamali pala ako. Unang lingo palang, para na ako mababaliw kapag hindi ko siya maka-usap.



"Labi ko lang?" I teased him by biting my lips.



Sumeryoso ang kanyang mata at may kinuha. Humiga siya sa kanyang kama at yinakap ang throw pillow na binigay ko sa kanya noon.



Tila hinalikan niya pa iyon! Tumingin siya sa camera.



[Lahat ng sayo. Uwi ka na. Mayaman naman ang boyfriend mo, kahit sampong anak ang gusto mo, nabubuhay ko.] Suyo niya.



Bigla akong nataranta dahil sa sinabi niyang anak. Kinagat ko ang aking labi at ninenerbiyos na nagsalita.



"I don't want a child. Sana alam mo."



Tahimik.



Tahimik siya sa huli kong sinabi. Parang hindi na din siya nakagalaw sa kanyang puwesto. Shit, wrong timing ba?



Unti unti siyang tumango at tinitigan ako ng mabuti.



[Oh...joke ba yan Jewel?] Bahagya siyang tumawa.



Umiling ako.



"Nagsasabi ako ng totoo Duke. I don't want a child." Napaiwas siya ng tingin. Bumaba ang mata ko sa mga kamay ko. I never imagined myself as a mother, I never liked children. I never even wanted to get married, buy because of Duke, it changed my mind.



Pero ang magkaka-anak, hindi ko ata maibibigay sa kanya iyon.



[I understand... matutulog ka na ba?] Malamig ang kanyang tono. Napapikit muna ako bago ko siyang binalingan.



Nasa lamesa na siya at hawak hawak ang kanyang libro.



"Mag-aaral ka na ba?" Tumango siyang hindi ako sinulyapan.



[Oo. Mag aaral ako ng physiology, kungg paano ko papaikutin ang ulo, sakaling gusto mo nang mabuntis.] Doon na niya akong liningon at malungkot na ngumiti.



"Duke..." halos bulong ko ang aking boses. Ayokong pumiyok sa kanyang harapan. As much as possible, I want to show him my strong self, not the weak Jewel, not the Jewel that can't give him kids that he dreamed of.



[Kidding. Sige na, matulog ka na. I love you!] Pinasagla niya ang kanyang boses at ilinapit ang kanyang bibig sa screen.



"I'm so sorry Duke. I love you!" Hinalikan ko din ang screen.



[Okay lang... sige na, sweet dreams.] He smiled at me.



"Hmhm."



Jewel in the Sea(Puerto Princesa Series 5)Where stories live. Discover now