Chapter 8

7 2 0
                                    

Chapter 8

Hindi ko alam kung ano dapat ang aking mararamdaman. Magalit dahil baka may kinalaman siya sa aking pamilya kaya't niyaya niya ako ng ganito? O magalit sa aking sarili dahil hindi ko man lang nakita.



Napaestatwa ako at dahan dahan na isinuli ang rolled paper sa loob at ngumiti kay Duke na parang wala akong nakita.



Natulog ako na puno ng mga tanong. Lagi akong napapatulala sa kanya at baka sakaling mabigyan ako ng lakas loob na magtanong tungkol sa mapa. Siguro naman may masasabi siya sa akin. Nabitin ako sa sinabi ni mommy at hindi na ako mag aaksaya pa ng oras kay general dahil sigurado ako na mas lalong hindi niya sasabihin sa akin tungkol don.



"Ask. It's been days since you've been staring at me." Malamig niyang wika.



Umiling ako.



"Wala. Mag-aral ka na lang." Turo ko sa mga papel na naka lahag sa kanyang harapan saka ako bumaling ulit sa aking cellphone at nag scroll sa Facebook.



Pero imbes na sumunod siya, naglakad siya patungo sa aking harapan at umupo. Tinitigan ako, hinawakan niya ang aking baba para magtama ang aming paningin.



His eyebrows were twisted as his lips were in a thin line, disturbed.



"No. Ask me, ano yun Jewel? Aren't you comfortable with me? Masyado bang mabilis? Do you want me to court you first?" His eyes narrowed at the last question.



Ngumuso ako, nag-isip. Kung titignan mo, masyado ngang mabilis, pero matagal naman kaming magkakilala. At matagal na namin binigay ang aming sarili sa isa't isa. At wala naman sa oras ang pagmamahal. Kapag gusto mo, ibigay mo na, sabihin mo na.



Dahil hindi natin alam, baka bukas ay wala na sila sa buhay natin.



Umiling ako at marahan na ngumiti.



I'm still disturbed by the map. If I ask him, he would ask why did I look up to his things. Magagalit siya sa akin.



"Yes. You should court me. Para nasa tamang proseso tayo." Umiwas ako ng tingin dahil sigurado ako, pulang pula na ang aking mukha. Mahina siyang tumawa at tumayo.



"Yun naman pala ang gusto mo. Ang arte." Bulong bulong niya pa! Sinamaan ko siya ng tingin.



"Anong sabi mo? Maarte ako?" Tumaas ang boses ko.



Agad agad niyang tinaas ang dalawa niyang kamay sa pagsuko at yumuko na din.



"Sabi ko, maganda ka." Saka niya ako kinindatan at nagpatuloy sa kanyang ginagawa na nakangisi, habang ako naman ay tumayo at sinara ang pintuan ko at nagmukmok dahil sa kahihiyan.



Bakit ko ba sinabi sa kanya iyun? Hindi man ako naka-isip ng magandang palusot. Hinawakan ko ang aking dibdib na kanina pang tumatambol dahil sa bilis ng kanyang tibok. Isang tingin ko lang kay Duke, ganito na ang nararamdaman ko, paano na kaya kapag nagkadikit kami.



Umiling ako. Iba nanaman ang napunta ng aking isipan. Nakatulog ako ng hindi mahimbing sa buong gabi dahil kay Duke. He sang me a luluby before I got to bed, he tucked me in, and even kissed my forehead like I was a child.



I swear to God, ngayon ko lang naramdaman ang excitement na matulog dahil sa kanya. I never experienced being sang into bed or tucked or even kisses by any of my parents. Pero okay lang, naiintindihan ko naman sila.



Jewel in the Sea(Puerto Princesa Series 5)Where stories live. Discover now