PROLOGUE

23 10 0
                                    


"Let's end our relationship."

Bigla niyang sinabi sa akin habang kumakain kami sa paborito naming restaurant. Robin has been my boyfriend for 3 years now. Mahabang panahon narin kung tutuusin.

Sa loob ng tatlong taon, nakita niya lahat ng failures ko. Mawalan ng trabaho, bumagsak sa interviews, at pati ng maiwan ako ng parents ko when they both died in a car accident 2 years ago.

Maybe because he was so fed up with how miserable my life is.

"Nagbibiro kaba, hon? Ang sarap ng pagkain natin oh. Let's enjoy it." Pinilit ko kumain ng normal pero alam kong nangangatog na ang mga kamay ko. Nanlalamig na ang buong katawan ko at hanggat maaari wala na kong marinig na kahit anung tunog or salita.

Ayokong marinig kung anu man yung mga sasabihin pa niya.

Pero nakaupo lang siya sa harap ko, diretsong nakatingin sa akin at hindi niya man lang ginalaw yung pagkain niya.

"I'm tired of you. It doesn't make sense if we continue living together. Kaya kaninang umaga kinuha ko na yung ibang gamit ko at babalikan ko na lang yung iba bukas." Malamig na sabi niya habang nakatingin sa akin.

Agad-agad? Ang bilis naman niyang kinuha yung gamit niya? Bakit ang bilis? Nakaplano naba ito? Bakit ang bilis naman niyang nagpasya.

Wala naman kaming ibang pinagawayan, or issues. Bakit biglaan?

Wala akong ibang maisip kung bakit, bakit ang bilis?

Hindi ako makapagsalita, I can't even process what is happening. I have a job, kaya alam kong nakakatulong na ko sa kaniya. Hindi na ko pabigat.

What I feel right now, is a sense of loss. Paano at saan ako magsisimula?

Nakaupo siya sa harap ko, pero alam kong iniwan na niya ko. Hindi ko na kilala itong taong nasa harap ko.

"If it's shocking for you, I'll be going now." He was about to stand up, and I suddenly think of a stupid question to ask.

"Bakit?" one word but so many questions will surely follow.

Tiningnan ko siya ng diretso, at sinigurado ko na walang luha sa mga mata ko. I'm trying to memorize his facial expression, of how cold he is when he answers my question.

Pero hindi niya ko tiningnan, tumingin siya sa ibang direksyon. Naramdaman ko yung disappointment, sa kanya pati sa sarili ko. Talagang wala ng pagasa.

"Like I said, I'm tired of you. Kung paano ka magstruggle sa buhay mo. Sa totoo lang, nakakadagdag ka lang sa stress ko, at ayoko nun. Ayokong magstay sa relasyon na awa na lang ang nararamdaman ko. Living with you is the worst thing I have ever done in my life."

He said those words, na parang hindi niya ko minahal. Na parang yung pinagsamahan namin ng tatlong taon, balewala.

Naisip ko, yung taong dapat na nakakaunawa saiyo, yung sinusuportahan ka kapag sobrang bagsak mo na, siya din pala minsan yung magpaparamdam kung gaano ka kamiserable.

As if all you do in life is to fail and never move forward.

"At alam mo yung isa pang nakakainis? Masyado kang makakalimutin. You always forgot small details about me. Pero ako, alam ko kung anu ang mga ayaw at gusto mo. You should fix that first, and then maybe you can move forward. Baka sakali makitaan mo ng growth ang sarili mo."

Natigilan ako, ilang beses ko bang nakalimutan yung mga bagay na gusto at ayaw niya? Small details nalang nga nakakalimutan ko pa.

I remember I asked him kung issue ba yun kung lagi akong nakakalimot, and he clearly said na hindi naman. Na kaya nga siya nandyan para ipaalala sa akin.

Napagod na siya.

Ginawa ko ang lahat para hindi tumulo yung luha ko, pero alam kong sa sarili ko na namumula na yung mga mata ko. This person will only look down on me when I let him see how broken I am.

Tumingin siya sa akin. Siguro naghihintay siya na magwala ako at gumawa ng eksena. Or baka iniisip niya na magmamakaawa akong huwag niyang iwan. But I managed to remain calm, kahit alam kong wasak na wasak na ako.

Dito na natatapos ang lahat. 3 years and it's all gone.

Since the only thing I can hold on to now is my pride, I stand up after getting my purse. Kinuha ko yung pera ko, at ipinatong sa lamesa.

Lalakad na sana ko palayo, pero nagawa kong lumingon sa kaniya. Deserved parin naman niyang marinig 'to.

"Have a good life. I hope you find someone who you think is worth it. Thank you for nothing."

Lumakad ako, at hindi na lumingon pa.

Messing With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon