Chapter 5

10 3 0
                                    


"Sana pumayag si TL Kai na maging boyfriend ko,"

Hindi naman mali yung pagkakarinig naming lahat diba? Talaga bang sinabi niya yun?

Maging boyfriend si Kai?

Lahat kami halos nakatulala sa sinabi ni Brandy. Sobrang ngiting-ngiti siya at talagang proud na yun yung wish niya. Anung sumanib na lakas ng loob ang merun siya?

Nakita ko yung ibang reactions ng mga tao sa paligid.

Kinikilig yung iba, kasi alam nilang lahat na crush si Kai ni Brandy.

Yung ibang mga lalake naman halos himatayin sa selos, dami nilang may tama sa kaniya eh.

Syempre yung ibang natitira na tulad ko, eh natatakot na para sa buhay ni Brandy.

Pero joke lang yun. Yung iba kasi iniisip kung anung magiging raksyon ni Kai.

Naisip ko naman, single si Kai, and he can easily get a girlfriend kung gugustuhin lang niya. Medyo baguhin lang siguro niya yung ugali niya ng konti pero all in all, perfect na eh!

Everyone are still waiting in anticipation sa isasagot ni Kai.

Sana naman huwag niyang sungitan si Brandy, since birthday naman niya.

"I'm sorry," ang sabi ni Kai as he hands down the cake to Brandy.

", but I already have someone I like. But thank you." And then he smiled.

Another long pause at biglang nagtilian sa loob ng pantry.

Bakit? Saan?

"Nakita mong ngumiti si TL Kai??"

"Oo, ang pogi niya,"

"Waaaah, kaya nga, Sino kaya yung gusto niya?"

Napatakip ako ng bibig ko, bakit ganito yung nararamdaman ko? Ngumiti lang naman siya ah. Pero lahat ng tao dito agad nagreact sa simpleng ngiti niya.

Kahit si Brandy na na-basted right away, nagbu-blushed parin.

So he like someone? Sino kaya? Dito kaya sa company nagta-trabaho? But knowing how professional Kai is, hindi niya pagsasabayin ang work at flirting dito.

"Happy birthday again, Brandy. And everyone, please enjoy." Agad niyang inalis sa kanya ang atensyon ng iba at napunta ulit sa celebrant.

Nagutom ako sa mga nangyari at wala kong ibang naiisip ngayon kundi yung shanghai na malapit nang maubos. Sabi ko na, dapat talaga nagtabi na ko ng para sa akin.

Papalapit na ko sa shanghai ko, nang makita kong papalapit si Kai sa akin.

Shanghai :'(

"Lois, I have to go now," Hala ang bilis naman niya umalis. Kumain man lang sana siya.

"Ha? Eh kumain ka muna kaya?"

"Thank you, but I really need to go. Plus I have a strict diet."

Diet daw, pero nag-cheesecake kahapon? Sus!

"O-okay sige, but if you like I can make you a coffee before ako umuwi?"

And that reward me a smile from him. I feel blessed lang ang datingan.

"Please, thank you."

At agad siyang umalis. At ako, naiwang tulala nanaman at nalimutan na ang shanghai.


Isa-isa ng nawala ang mga tao, after kong maihatid kay Kai yung pinangako kong kape. Kahit ganitong oras pala marami parin siyang ginagawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Messing With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon