Chapter 2

11 5 2
                                    


Masaya akong nagtitimpla ng kape ko dito sa pantry. Good mood parin kahit pinagalitan ng boss kanina. Nasa isa pang meeting si Kai, kaya mamaya ko na aayusin yung coffee nya.

Sobrang busy sa opisina ngayong araw. Dumating narin kasi yung next project namin. Hindi ako nasa secretarial office pero ramdam ko na ung stress nang magiging work load nila. Syempre pati din kami.

"Lois, mukang sermon ka agad kanina ah."

"Cristy, good morning din saiyo ha," sarkastikong bati ko.

At natawa naman siya sakin.

Nakakahiya din pala mapagalitan pag marami ng tao. Tapos kakalat agad sa office namin.

"Nga pala, ikaw ba maghahandle ng birthday surprise para kay Brandy? Everyone is so excited! Can't wait!"

Oo nga pala! Halos makalimutan ko yun ah.

Si Brandy nga pala ang muse sa buong opisina. In short, siya yung pinakamaganda. Actually ang bongga nga ng pasurprise na to. Kahit ibang department nakisali.

"Ah oo, inaayos ko na nga eh." pero ang totoo nyan, halos nakalimutan ko na sa isang araw na pala yun. Di pa ko nakakabili ng mga gagamitin.

"Iba ka magplano ng mga ganun event eh!" alam ko naman na super enjoy sila sa mga pakulo ko. Kahit ako naman masaya na makitang nageenjoy sila.

"Diba crush niya si TL Kai? Try mo kaya siya isama?"

Hala, di ko nga alam kung kaya ko sya pasamahin.
Noon pa man ayaw ni Kai sumama sa mga ganun maliban na lang kung company ang may pakana. Like company anniversary or party.

Pero magiging mas masaya kung maisasama ko siya diba?

Isa pa crush siya ni Brandy eh, as in patay na patay kahit di siya pinapansin ni Kai.

Ita-try ko na din para mas sumaya yung party.

"S-sige, ita-try ko," ang nasabi ko kahit wala ko ideya kung sasama ba siya.

"Ayos, thank you Lois!" saka siya patakbo na umalis sa pantry.

bumalik ako sa pagtitimpla ko ng kape. 

"Hay, kelan ka kaya matututong tumanggi sa mga ganyan?"
Napalingon ako ng makita ko si Emma na nasa gilid at kanina pa pala nakikinig.

"Emma! Nakakagulat ka ha,"

Di ko na lang pinansin yung sinabi niya. Pero tama naman siya. Hindi ako sanay tumanggi. Feeling ko magagalit yung iba pag tumanggi ako.

"Ewan ko ba sa'iyo Lois. Magiging madali sana buhay mo kung sanay ka tumanggi pag wala kang pakinabang. Aba, ilang beses ka ng nagaayos ng mga pa-birthday celebration sa office, may nakukuha ka ba? Thank you lang naman diba?"

"Ano bang isasagot ko saiyo niyan." pabiro kong sabi.

"Hwag ka ng sumagot, umiinit lang ulo ko saiyo." sabay layas niya sa pantry.

Tingnan mo yun, nilayasan ako after ako bungangaan.

Pero tama naman siya, wala naman ako pakinabang sa mga ginagawa ko. Hindi ko din naman sila ka-close pero bakit ako yung busy sa mga ganun.

Matagal na kong pinapagalitan ni Emma about that. Hindi rin siya mahilig talaga maki-join sa mga ganung party, mas gusto niyang mag-milktea na lang kami kesa makicelebrate.

Hay, next time siguro tatanggi na ko. Paano ba kasi tumanggi?

Kukunin ko na sana yung kape ko ng biglang may naunang kumuha ng baso ko at diretso agad sa bibig niya para inumin.

Si KAI?

Hala!

"Kape ko yan,!"

"This is for not attending the meeting this morning! Dahil ako yung umattend, di ako nakapag-kape." sabi niya habang after humigop sa kape ko.

"Igagawa naman kita eh, timpla ko yan eh, baka iba timpla mo."

"No, this is fine. Pwede na pagtyagaan." sabay layas niya sa harap ko.

Grabe siya.
Pinagtimpla na nga eh, mareklamo pa.


5pm! Uwian na, sa wakas!

Gusto ko ng umuwi at matulog. Wala akong iuuwi na trabaho! Sa wakas!

Kaso naalala ko may bibilin pala ko dun sa pa-surprised party ni Brandy. Dadaan pa pala ko ng mall nito kahit rush hour na.

Hindi naman sa gusto ko ito gawin. Siguro ugali ko na lang din na di tumanggi kapag may pinakiusap or pag walang nagkukusa. Feeling ko nagiging happy naman ako after ko magawa yun.

Kasodumadating din sa point na kagaya nito, hindi ko feel. Kasi di ko naman kilala masyado si Brandy. Ang hirap magplano.

"Kung alam ko lang na magaaksaya tayo ng oras para mamili ng gamit sa pa-birthday na yan, sana pala nakipag-date na lang ako sa boyfriend ko," naguumpisa nanaman si Emma.

"Emma, diba sabi ko saiyo ayokong makarinig ng about sa love life mo? Single as fck ako remember?" naiiritang sabi ko.

"Naku, masama yan teh, bitera ka sa may love life." sabi niya habang nag-sscroll sa cellphone niya.

Kahit kelan hindi nawalan si Emma ng boyfriend. Di nagtatagal relasyon nila pero agad agad may bago na siya. Kakaiba din tong babae na to eh.

"Bilib din ako eh, di naman kagandahan ugali ni Brandy sa totoo lang pero nageefort mga tao s paligid nya, all becasue she's the office goddess, ganun? Malabo na standard of beauty ng mga tao talaga."

"Baliw ka Emma, mamaya may makarinig sa'iyo." palinga-linga akong tumingin kasi baka may ka-department kami na nandito.

"Hayaan mo nga na marinig nila, sus!" naiiritang sabi pa ni Emma.

"Alam naman natin na may kasamaan ng ugali yung babaing yun. Baka bagay nga sila ni demon lord! Diba crush nya yun?"

Oh, si Kai naman puntirya niya.

"Uyy, di hamak naman na mas mabait si Kai dun."

Bigla siyang tumingin sakin na parang suspect ako sa Among us.

"Ano yang naririnig ko na pinagtatanggol mo si Kai. Wow ha, naging followers ka na rin ba niya gaya nila Brandy? Or my crush ka sa kanya?"

Hala siya.

"OY, WALA AH." halos pasigaw na sinabi ko.

Natigilan siya ng napasigaw ako. Ano bang iniisip niya bakit nya nasabi yun. Ni hindi ko nga kilala ng husto si Kai eh.

"Alam mo kung di lang kita kilala iisipin ko talaga na crush mo si Kai eh."

"K-kaya nga! Alam naman natin na mataas standard sa babae nun diba?" sabi ko kay Emma.

"Halata naman yun Lois. Pogi naman sana siya, kaso ang sungit lang talaga niya eh. Sayang." panghihinayang ang narinig ko kay Emma.

"Hala, type mo ba siya?" pangaasar ko sa kaniya

"Haha, siguro. Mukang yummy eh." ang sabi niya na parang malandi.

"Grabe siya! Oy, lande!"

Sa wakas nabaling sa iba yung topic.

HIndi ko alam bakit niya nasabi yun pero alam ko naman sa sarili ko na hindi pa ko okay eh. Hindi pa ko handa kahit crush or anu pa yan.

Self love muna.

Messing With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon