Chapter 4

14 4 0
                                    


Halos isang oras narin kaming nakaupo dito sa coffee shop, I don't even know bakit bigla kaming nagkakape na magkasama?

Malapit lang sa office itong coffee shop, kaya kabado ako na baka mamaya may makakita sa amin at kung anung isipin.

Habang humihigop ako sa medyo pinalamig ko ng kape, palihim kong tinitigan si Kai.

Nakatingin lang siya sa labas habang hawak yung baso ng kape. Alam mo yung perfect na para siyang painting sa isang museum?

Kakainis ang gwapo. Pero hindi ko sasabihin sa kaniya yun. Sikeretong malupit lang.

"So what's your plan tomorrow?" bigla niyang tanung.

"Sa birthday ba ni Brandy? Normal birthday celebration lang naman. Pero kasi surprise daw eh." Paliwanag ko sa kaniya habang kinakain ko yung cheesecake na order niya.

Nakatingin lang siya sa kin, pero di ko na lang pinapansin. Ayoko maging conscious.

"Gusto sana nila nandun ka, alam mo na para kumpleto tayo diba?" pwede ko bang sabihin na crush siya ni Brandy? 

Naku, hwag na lang siguro.

"Are you even close to her?"

Hmm, may point siya sa tanung niya.

"Hindi, pero kilala ko naman siya at minsan nakakausap kahit papaano." Sabi ko.

Bakit kaya niya tinatanung?

"Then, why did you volunteer to even do the preparation for this birthday?"

Natigilan ako.

Ano kayang point niya bakit niya tinatanung?

"Di naman ako nagvolunteer. Nakiusap lang sila. Eh free naman ako. So I guess it's fine ."

He sighed. 

"That doesn't mean you have to agree with them and do it. Maiintindihan ko pa kung si Emma yung may birthday, since she's a friend of yours. But it's Brandy and she's a complete stranger to you. What's the point of putting your effort and gain nothing?"

Nakatingin lang ako sa kaniya habang sinasabi niya yun. Nagagalit ba siya? Pero may point naman talaga siya. 

Bakit ba ko pumayag na magplano nun eh hindi ko naman kaibigan si Brandy. Anong point sa masasayang na effort ko?

He's right. Ang kaso di naman ganoon kadali umatras eh-

"I know you think that you can't back out now. Maybe you should consider refusing those kinds of requests next time."

He then sips his coffee and looks at me with those intense eyes.

Hinihintay ba niya na sumagot ako? Napayuko na lang talaga ko.

"A-alam mo kasi Kai, di ko din kasi alam isasagot ko saiyo. Ang totoo niyan, masaya naman ako sa ginagawa ko. Isa pa nageenjoy naman mga tao eh. Pero syempre minsan, gusto ko rin naman na may gumawa nang ganun sa kin-" Natigilan ako.

Napatakip ako ng bibig ko.

Nagulat ako nung nasabi ko yun. Isa yun sa mga dark secret ko na kahit kelan di ko sinabi kahit kanino kahit kay Emma or inentertain man lang sa isip ko yun.

Minsan din naman, gusto mong gawin ng iba yung ginagawa mo para saknila diba? I think that's normal kahit sa isip mo lang.

Pero bakit ko ba nasabi kay Kai 'to? Nakakahiya.

Napainum ako ng kape, at habang umiinum, naaaninag ko sa paningin ko na nakatingin parin siya sakin. Siguro naisip niya na pakinabang talaga yung habol ko kaya ko ginagawa ito.

Messing With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon