Chapter 3

10 5 0
                                    

At dahil self-love nga, it's time to spoil myself a little bit.

After kong bumili para sa pa-birthday ni Brandy, bumili din ako ng facial mask, moisturizer, make-up at iba pa. Napansin ko kasi na parang dry na yung face ko kaya dapat naman magayos ako.

Bumili din ako ng ilang stock ng pagkain at pati ilan pang toiletries.

Mabuti na lang, sale si Watchon.

Pagdating ko sa apartment ko, wala naman akong ibang gagawin kundi magluto ng konti tapos maligo para naman marelax agad.

Gusto ko man magrelax, kaso pag nandito ako at magisa, naiisip ko parin yung ex ko.

After namin magbreak ni Robin, lumipat ako sa isang di kalakihan na apartment. Halos kalahati din ng renta yung nabawas kasi pang-single lang talaga ito.

Aaminin ko, sobrang hirap mag-adjust after nung break-up namin.

Ilang araw din akong tulala kahit sa trabaho.

Gusto ko man maging kapakipakinabang, wala parin talaga kong magawa.

Umiiyak parin ako kahit simpleng bagay lang ang maalala ko.

Hinahanap ko parin ang presence nya, which is dapat di ko na ginagawa. Masyado na kong kawawa sa isip ko.

Ang dami kasing what if's.

What if kinaya naming yung trial?
What if nagka-work ako agad?
What if kung di ako makakalimutin?
What if kung nagka-growth ako?

What if kung naging sapat lang ako?

Yun talaga yung tanung kung pagsasama-samahin.

Pero sabi ko nga, dapat yung mga sinabi niya yung gamitin ko as my stepping stone.

Papatunayan ko sa kanya at higit sa lahat sa sarili ko na mali siya.

Salamat na lang talaga na kahit papaano, nagiging okay na ko.

The next morning, panay follow-up sa akin nung mga katrabaho ko.

Bukas na kasi yung pa-birthday nila kay Brandy.

Masaya naman ako kasi may palibreng dinner nanaman at makakabawas sa gastos ko sa gabi. Kaya feeling ko win naman ako dito.

"Guys, may suggestions pa ba kayo kung paano siya issurprise?" tanung ko sa kanila habang nasa pantry kami nung umagang yun.

"Lois, ikaw nalang magisip. Wala din kaming idea eh."
"Oo nga Lois, total expertise mo naman to eh!"
"Tama, ikaw na magisip,"

Talaga bang gusto nilang tumulong? Samantalang kanina sinabi nila kung need ko daw ng tulong, available naman sila.

Or feeling ko, wala naman talagang tunay na kaibigan si Brandy sa kanila? Kasi halos lahat sila hindi alam kung ano yung mga gusto niya eh. Wala silang maitulong sa akin.

Di nila alam favorite food niya or even colors.

Pero ang alam ko lang na gusto niya ay si Kai.

Kausapin ko na ba si Kai para i-invite?

Wala akong napala dun sa pakikipagusap ko sa mga katrabaho ko.

Wala naman silang ibang masabi kundi wala sila idea, or ako na lang magisip. Bakit ako yung parang eager na bigyan siya ng surprise?

Patago akong nakasilip sa may malapit sa table ni Kai.

Coffee break ko, pero inaksaya ko yung 15mins ko para lang ma-invite siya.

Messing With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon