Nagising akong malabo pa yung mga mata ko sa puyat. Kaya ayokong nagpupuyat pag naguuwi ako ng trabaho eh. Napuyat ako ng walang natatapos ni isa sa mga reports.
Hinilot ko yung ulo ko kahit alam kong di naman tatalab sakin yun kasi super stressed na ko.
Katinko please!!!
I managed to reach the office with 10 minutes spare. Sa wakas hindi ako late.
"YOU'RE LATE!" isang malakas na boses ang sumampal sa akin ng katotohanan. Late nga ba ko?
Pero 7: 51am palang, 8 am pasok ko.
Pagangat ko ng tingin, nakatayo sa may pinto ang team leader ko.
"Come on, Kai. I still have 9 minutes left before my time. Hindi pa naman late yun." I awkwardly smile at him habang pinapakita ko ung wrist watch ko.
Ang init ng ulo niya agad ang aga-aga, sayang ang gwapo pa naman niya.
Naka-corporate attire tpos nakabrush up yung buhok, glass skin. Sana all-
"Are you an idiot?" he asked me with a straight face.
"Did you happen to forget the meeting at 7? You are supposed to attend that!" he failed to hide how annoyed he was as he said those words.
Meeting? Meeting ng 7AM? Agad kong kinuha yung planner ko na nasa bag ko. At pagkabukas yun nga, nakabilog pa ng pulang ballpen, MEETING @ 7AM with the OM's. Ampotek-!!!
"AH! YUNG MEETING!" nakalimutan ko? Nanaman?
"YES, THE MEETING LOIS!" sigaw niya na para niya kong kakainin ng buhay.
"I'm sorry Kai. Nakalimutan ko yung meeting. Late din kasi akong natulog. I tried finishing my reports and-"
"-Reasons!" he cuts me off in mid-sentence. Tapos nag-walk out na siya.
Napabuntong-hininga nalang ako.
This is so hard when it comes to my team leader. Kai is not an easy person. He was known at the office as devil lord. Marami sa mga empleyado ang takot sa kaniya. He's a perfectionist, organized at mainitin ang ulo. But he managed to do his job very well. But no one knows why he rejected a promotion before. Sayang naman yun, Malaki pa naman ang sweldo pag naging team manager siya.
Dumating ako sa table ko, at umaga palang pagod na ko.
"Mukang nasermonan kana ni devil lord ah. He attended on your behalf kasi kaninang 7 am." Sabi ni Emma. Siya yung best friend ko dito sa office.
Kaya pala mainit ulo sakin ni Kai. Bilan ko nalang siya ng coffee mamaya.
"Nilagay ko dyan sa table mo yung reports na kaylangan mo. Ikaw na bahala ah. Hwag mo nalang din isipin masyado yung sermon niya. Sanay naman na tayong ganun kasama ugali ni Kai diba?" Pagkatapos niyang sabihin yun, bumalik na siya agad sa ginagawa niya.
Umupo ako habang inaayos ko yung mga files na hawak ko.
Napaisip ako, masama ba talaga ugali ni Kai?Or sadyang aloof lang siya? May iniiwasan kaya siya?
Kahit matagal ko ng alam yung ugali niya at aminado naman ako na di talaga kagandahan.
Pero kasi, si Kai yung tumulong sa akin nung bagsak na bagsak ako.Naalala ko tuloy yung gabing iyon.
2 months ago. . .
Ganito pala yung feeling ng brokenhearted. Blanko ang isip.
Walang dereksyon.
For a few minutes, nagisip pa ako kung saan ba bahay ko. Wala ako sa katinuan.Kanina nung nakipagbreak sya, ang tapang mo.
Inunahan mo pa siyang mag-walak out.
Oo, alam kong pride ko yung naglakad palayo. Kasi wasak na wasak na ko, di ko kaya.Naramdaman kong tumulo luha ko. Parang tanga. Ayoko nga kasi umiyak in public eh.
Halatang-halata na iniwan ako ng boyfriend ko.Napaupo na lang ako sa gilid ng kalsada. Nanghihina na ko. Di ko na malasahan yung curry kanina.
Parang naubos yung lakas ko. O panghihinayang tong nararamdaman ko.
Ayoko na.
Nakayuko lang ako sa gilid. Wala naman akong pakialam sa mga tao kung papanuorin nila ko dito habang umiiyak at isiping gumagawa ako ng music video. Di din naman nila ko kilala.
Habang nakayuko ako, napansin kong may lumapit sakin.
Nag-angat ako ng tingin. Totoo bang si Kai itong nasa harap ko? Ang blurred ng mata ko.
"Hey, what are you doing? Are you okay, Lois?" Si Kai nga.
Hindi ko alam kung anung pumasok sakin, or baka dahil tinanung niya ko kung okay ba ko ngayong hindi ko mapulot yung sarili ko, bigla ko nalang kasi siyang niyakap at saka ako nagbreak down.
Hindi ko nalang din alam kung anung reaction niya, pero ang mahalaga di naman niya ko tinaboy nung mga time na iyak ako ng iyak.
Naramdaman ko nalang din na parang niyakap niya din ako?
Ewan.
"That was the most embarrassing thing that happened to me."
Akala ko okay lang sa kanya. Nandito kami sa isang coffee shop.
"Akala ng mga tao ako yung nagpaiyak saiyo. Ni hindi ko nga alam bakit ka umiiyak sa tabi ng daan eh." napainum na lang ako sa tubig habang nagba-violent reaction siya.
"Paano mo ba nalaman na ako yun?" kanina ko pa gustong itanung to eh.
Bumuntong-hininga siya.
"Your shoes,"
Sabay napatingin ako sa yellow high heels ko. Anung merun?
"I hate yellow, kaya tanda ko yang yellow shoes mo. Kasi ayokong nakikita.
Ang weird niya. Sa sobrang weird, di ko naiwasang tumawa.
"Ha ha, I'm sorry. Ang weird kasi eh." kumunot noo niya. Nakakatawa naman kasi.
"You are the weird one. Bakit sa tabing daan ka umiiyak? Iniwan ka ba ng boyfriend mo?"
Aray.
Paano niya nalaman? Masyado bang halata?
Hindi ako nakapagsalita. Nangingilid nanaman kasi yung luha ko. Iiyak nanaman ako.
Hindi na rin nagsalita si Kai. Tumayo siya pero hindi ko alam saan siya pumunta.
Nagulat ako ng may malamig na kung ano ang dumikit sa noo ko.
Lemon juice? Inabot sa akin ni Kai.
"Don't cry. Baka sabihin nanaman nang mga tao pinapaiyak kita." sabi niya pagkatapos kong kunin yung lemon juice.
Paano niya nalaman na paborito ko tong lemon juice na to?
Weird.
Hindi naman kasi kami super close nito sa office. Pero sa bagay, baka lagi niyang nakikita na ito nasa table ko.
"Thank you." napangiti ako. Umatras bigla yung mga luha ko. Lemon juice lang pala.
Umupo ulit siya sa tapat ko.
"I don't know what happened, but you need to be brave. Hwag mong hayaang makita ka niyang mahina. Ipakita mong malakas ka, kahit alam mong basag na basag ka."
Until now, hindi parin ako makapaniwala na pinayuhan niya ko nun. Take note, hindi siya nagalit sakin kahit na umiyak ako sa kalye kasama siya.
Somehow, I felt closer to him. Parang yung time na yun, sa aming dalawa lang.
Kahit magalit pa siya ng ilang beses sa akin, balewala na.
Ngayon, black coffee gusto niya, diba? I'll buy him one later, baka sakali maging good mood siya.
BINABASA MO ANG
Messing With You
RomanceIniwan dahil hindi sapat? Iniwan kasi hindi na siya masaya? Sobrang stressed na kung itutuloy pa yung nakakapagod niyong relasyon? Ganyan ang mga narinig ni Lois after makipag-break ng long time boyfriend niya. Paano nga ba niya mamahalin ang sarili...