"Destiny is not a matter of chance, it is a matter of choice; it is not a thing to be waited for, it is a thing to be achieved." - William Jennings Bryan
Napapailing na lang si KC matapos basahin ang text message na pinadala ni Alex sa kanya. Sigurado siyang hindi na naman busy ang best friend niya kaya pinagti-trip-an na naman siya nito.
'Haha... Trust me, I am okay even if it will take forever for Mr Right to find me,' KC replied tapos iniatras niya ang upuan para silipin mula sa glass wall ng office nito si Alex.
As expected, she saw her friend rolled her eyes bago tumipa ng sagot sa cellphone nito.
'My dear, you are not getting any younger.'
'It's okay. I am in no hurry.'
Matalik silang magkaibigan ni Alexandra. Since their kinder days ay lagi na silang magkasama. Mayaman sina Alex. At siya naman ay scholar ng amo ng nanay niya kaya afford niya ring pumasok sa mga school na pinapasukan ni Alex.
Pareho sila ng tinapos at kahit mas mataas ang achievement niya, she ended as her best friend's secretary because Alexandra's family owns the company where they are working.
Okay lang iyon sa kanya. Salary wise ay wala syang masasabi. Idagdag pa na walang pressure dahil kaibigan niya ang boss niya. Mas madalas nga na talagang sa kanya lang nagdedepende si Alex. Paano naman kasi, bukod sa tagapagmana ay nakukuha pa nito lahat ng gusto nito. Walang effort.
Pero in fairness kay Alex, one man woman ito. Mula noong mag-college sila ay isang lalaki lang ang itinatangi ng puso nito. A man KC hasn't gotten the chance to meet. Lagi kasing wrong timing. Ayaw rin ni Alex na sa picture niya ito makilala. So kahit minsan 'di pa niya nakikita maski anino ng mahal nito.
'Baka magsisi ka. Mahirap tumandang mag-isa.'
'Matagal pa 'yon. Don't worry. Besides, what are friends are for? I'm sure di mo ako pababayaan... haha!'
'Whatever, KC,' sagot nito. 'Come with me tonight? My cousin's party.'
'I've already got plans for tonight. Sorry, Alex.'
'Alibis... as always,' inilapag na ni Alex sa mesa ang cellphone nito.
Napailing na lang si KC. Tama kasi si Alex. Wala naman talaga siyang lakad. Matutulog lang siya at aasang maski sa panaginip ay makilala na niya si Mr Right.
*****
Nagmamadali si KC nang sumunod na araw. Male-late na siya kaya naman lakad-takbo siya papunta sa bus stop. Kung may isang bagay na strikto si Alex, 'yon ay sa tardiness. Ayaw nito sa mga taong late.
"Sandali!" Sigaw niya sa papaalis ng bus. Kahit kita niyang siksikan na iyon ay kailangan pa rin niyang makasakay dahil thirty minutes pa ulit bago ang kasunod na bus.
"Miss!" Nap'wersang tumigil sa pagtakbo si KC nang may matandang babaeng humatak sa braso niya. "Sandali!"
"Pasensya na ale pero kailangan ko na makasakay," pilit niyang binabawi rito ang braso niya pero matindi ang kapit ng matanda kaya nanlulumong tinanaw na lang niya ang papalayong bus.
"May nakikita ako sa mga palad mo," wika ng matanda na binabasa na pala ang palad niya.
"Ano po?" Medyo yamot pa siya kasi hindi naman siya naniniwala sa hula. Isa pa bakit may manghuhula sa lugar na 'yon? Araw-araw naman siya sa bus stop at alam niyang hindi tambayan roon ng mga manghuhula.
"May magandang mangyayari sa iyo ngayon," umpisa nitong tila na-eexcite. "Makikita mo na ulit si Mr. Right!"
"Sigurado po kayo?" Biglang napalitan ng excitement ang pagkayamot niya. Wala naman sigurong mawawala kung makikisama siya sa trip ng matanda.
BINABASA MO ANG
My Destiny
RomanceMatapos mapagtripan sa hula, akala ni KC ay tatanda na nga siyang dalaga. But she met Francis, ang pogi at ubod ng bait na hero niya. Pero iyong akala niyang magiging happy ending nila ng binata ay naglaho nang malaman niyang ang Francis niya ay siy...