10

25 2 0
                                    

Buong maghapon siyang nakatulala. Iba pala ang sakit kapag asawa mo 'yong nahuli mong may kasamang ibang babae- and not just some other woman but a former fiancee...

Iba 'yong pakiramdam noong hindi pa sila kasal. Noon kahit nasasaktan siya, okay lang. Pero ngayon, pakiramdam niya kailangan talaga niyang iiyak.

"Babasagin ko talaga mukha ng Francis na 'yan eh!" Galit si Katrina habang pinapanood siyang umiiyak. "Do you want me to talk to him?"

"No Kat... please, you will not help me kapag kinausap mo pa siya." Sinusubukan naman niyang pigilin ang pag-iyak niya pero parang balon naman ang mga mata niya at 'di maubos-ubos ang luha niya.

"But I couldn't just let him hurt you." She hugged her.

"Thank you."

Despite his coldness, sinikap niyang gampanan ang pagiging asawa niya kay Francis. Kahit na kapag nagluluto siya, hindi ito kumakain.

For their first one week as husband and wife, bilang lang ang mga pag-uusap nila and it was never about the two of them but the company's financial status. Hindi rin sila nagsasabay pumasok at umuwi.

Madalas hindi alam ni KC kung umuwi ba ang asawa niya o hindi. She lost hope. And Francis couldn't blame her.

"Pwede ba akong matulog dito, mom, mama?" Tanong niya kina Cassey at Myra.

Dumalaw siya roon dahil hindi na niya kayang laging mag-isa sa condo ni Francis.

"'Asaan ba ang asawa mo?" Si Myra, nagdududa ang hitsura nito.

"Out of town conference, mama," she lied. "Ayaw n'yo na ba ako rito?" Lumabi siya.

"Of course not, anak," si Cassey. "You are welcome here anytime. I hate Francis na kailangan ka niyang kunin agad." 

"Hindi naman, mom." Nagpilit siya ng ngiti.

Katrina was currently out of the country so wala ito sa bahay. Karlo likewise was out for a business conference. Kaya naman sa gitna ng dalawang ina siya natulog.

She secretly cried in the middle of the night. Ni hindi siya hinanap ng asawa niya.

"KC, bumangon ka na, anak." si Myra. "Sinusundo ka na ng asawa mo."

"Po?" Ayaw niyang dumilat.

"Si Francis... Sinusundo ka na," ulit ng kanyang ina.

Talaga ba? Hindi siya kumilos agad. Hinihintay niyang sabihin ni Myra na-joke lang.

"KC," ulit nito.

"Mama, out of town siya," she answered not moving.

"Bahala ka, bumangon ka na. Para sabay-sabay na tayo sa breakfast. Nasa dining na si Francis."

"Opo."

Hindi nga ba ito nagbibiro? She stayed for another ten minutes bago bumangon.

Wala siyang planong pumasok. Nag-file siya ng two days vacation leave. Malaki ang kompanya so hindi na iyon dadaan pa sa CEO para magpa-approve.

She took a quick bath sa kwarto niya at nagbihis ng komportableng pambahay. She wouldn't go anywhere so pwede na 'yon.

Dumiretso siya sa dining room habang pahikab-hikab pa.

"Good morning every-" bati niya pero nabitin sa ere ang sasabihin pa niya nang makita niya si Francis. "-one." She pretended to act normal. "Honey, why didn't you tell me you're back?"

Dumiretso siya rito for a morning kiss kahit kinakabahan siya.

"Morning, my love," ganting bati nito.

My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon