Kay ganda ng umaga. Lalo na kapag bago ka natulog ay kasama mo pa ang taong mahal mo - kahit na sekreto lang.
Ang hirap naman kasing 'wag mahalin si Francis. He was a natural charmer. Likas ang pagiging sweet at protective. At kahit ilang beses niyang sabihin sa sarili na 'wag mamisinterpret ang mga pinakasimpleng gesture nito ay napakakulit pa rin ng puso niya. Na kahit alam niyang ikakasal na ito at ang best friend niya ay patuloy pa rin niya itong lihim na minamahal. Kahit na alam niya na bandang huli, masasaktan lang siya.
Tapos nang magshower si KC at nagbibihis na para pumasok sa opisina nang pumasok sa kwarto niya ang ina.
"Pwede ba tayong mag-usap?" Malambing na sabi ng mama niya.
"Oo naman po, Mama." Tumabi siya nang maupo ito sa kama niya.
"Gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita." Niyakap siya nito.
"Mama naman talaga, ang aga aga eh. Alam mo naman 'yon, Mama, 'di ba? Higit kanino man, ikaw ang pinakaimportante at pinakamamahal kong tao sa buhay ko."
Hindi maintindihan ni KC pero bigla siyang kinabahan. It wasn't every day that her mother would pull out a drama so early in the morning.
"Gusto ko lang makasiguro na kahit anong mangyari ngayon ay hindi ka magagalit sa akin. Kasi anak, kahit hindi ka totoong galing sa akin, minahal kita at itinuring kitang sariling anak ko." Umiiyak na ang mama niya.
"Alam ko po 'yon. Kaya 'di ba paulit ulit kong sinasabi sa inyo na ako pa rin ang pinakamaswerteng anak sa buong mundo? Kasi kahit ayaw sa kin ng totoong nanay ko, 'andyan ka naman at hindi mo ako itinuring na iba."
"'Yon na nga anak, eh. Patawarin mo 'ko. Hindi ko sinasadya -"
"Mama," hinawakan niya ang mga kamay nito para i-assure na hindi siya galit, "tama na, okay? Wala kang kasalanan. Alam ko. All this time alam ko na may komunikasyon ka sa pamilya ko. They hate me. Tanggap ko na 'yon. Kasi bakit ko sila kakailanganin at hahabulin kung may mama naman akong mahal na mahal ako?" Naiyak na rin tuloy siya.
"Nagsinungaling ako, KC. Patawarin mo ang mama, anak!"
"Ano pong ibig ninyong sabihin?"
"Hindi alam ng mga magulang mo na buhay ka-"
"Mama?" May hindi nga ba ito sinasabi sa kanya? "You would never lie to me, 'di ba?"
"Anak, akala nila patay ka na... Ang ate ko, Yaya mo siya, anak. Dala niya ang anak niya ng masunog ang bahay n'yo. Akala niya anak niya ang nailabas niya sa sunog. Huli na nang makita ka niya at mapagtanto niyang naiwan sa loob ng nasusunog na bahay ang sarili niyang anak." Umpisa nito. "Nawalan siya ng anak. Galit siya dahil namatay ang anak niya. Kaya sa halip na ibalik ka sa kanila, pinili niyang paniwalain sila na ikaw ang batang nasunog."
"Kung ganun, sino -?" ang tumustos sa pag-aaral niya?
"May alam ang ate na sekreto ng pamilya n'yo. May anak sa iba ang papa mo. Doon siya lumapit sa nanay. Dahil sa pagkawala mo, nagkaroon ng puwang sa papa mo ang kapatid mo. Natakot ang nanay na kapag nalamang buhay ka pa ay hindi ulit mapapansin ang anak niya. Kaya kapalit nang pananahimik ng ate ay ibibigay nito lahat ng hilingin niya. Parte roon ang pagpapaaral sa'yo. At kung bakit napunta ka sa akin ay dahil hindi gusto ni ate na nakikita ang batang iniligtas niya na dapat ay anak niya. Tinanggap kita kasi hindi ako magkakaanak. Ikaw lang ang magiging paraan para maging ina ako. Isa pa, wala kang maalala pagkatapos ng sunog. Hindi ka na rin nila hinanap kasi akala nila ikaw ang nasunog. Hindi naman kasi nila alam na 'andoon ang pamangkin ko nang mangyari ang trahedya."
Hindi siya makapaniwala. All this time naka-fix na sa puso't isipan niya na hindi niya tatanggapin ang pamilya niya kapag dumating sila sa punto na 'to.
BINABASA MO ANG
My Destiny
RomanceMatapos mapagtripan sa hula, akala ni KC ay tatanda na nga siyang dalaga. But she met Francis, ang pogi at ubod ng bait na hero niya. Pero iyong akala niyang magiging happy ending nila ng binata ay naglaho nang malaman niyang ang Francis niya ay siy...