"Akala mo ba masusuhulan mo ako nitong mga chocolates mo? Hoy, para sabihin ko sa'yo, kahit paborito ko 'tong cadbury, hindi pa rin ako natutuwa sa ginawa mo," puno ng tsokolate ang bibig na maktol ni KC.
"Ano ba ikinakagalit mo? You did well. Kaya lang din naman malakas ang loob kong umalis kasi alam ko na nasa mabuting mga kamay ang maiiwan kong trabaho," Alex said.
"Tse!"
"Besides, I went there to see my gown." Pakiwari ni KC ay nag-heart shape pa ang mga mata nito Alex.
"What gown?!" Muntik na niyang maibuga ang kinakain.
"I'm getting married!" Excited na anunsyo ni Alex.
"Kanino?"
"Kanino pa ba?" Her friend pouted. "Eh 'di sa fiance ko, kay Francis Park!"
"Francis?" Ulit niya tapos napangiti siya. Magbest friend nga sila. Pati pangalan ng mga mahal nila eh pareho.
"Yeah? My boyfriend, remember? He finally proposed to me!"
"Well, good for you! I'm happy for you..." She smiled. "So when will I meet Francis? Ikakasal na kayo tapos 'di ko pa nakakaliskisan? Hindi p'wede 'yon!"
"You'll like him. I promise you... I'm gonna set a date. On Sunday, what ya think?"
"Let me see. Sabihan kita bukas." Siguro it's about time na makilala na nga niya ang boyfriend ni Alex.
If he will be marrying her best friend, dapat lang naman na dumaan muna ito sa pangingilatis niya...
****
"I'm coming okay? Don't worry." Nagdadrive si Francis para sunduin si Alex.
Finally ay pumayag na raw umano ang best friend nito na makilala siya. Still, he remembers na ilang beses na ito nagtangka na ipakilala siya sa kaibigan nitong walang pangalan. Ayaw nitong sabihin at baka raw i-search pa niya sa facebook eh mawalan ng sense ang introduction at ang meet the best friend part ng relasyon nila. Yeah, Alex was always like that. Pati nga si Katrina pinagseselosan nito.
"You should be here already, babe. My friend is in the restaurant na. Pinaghihintay natin siya."
"I'm sorry. Traffic kasi. Guess I need to find another way. See you later, babe."
"Okay... I love you."
"I love you, too." Bumwelta siya sa sunod na U turn.
Malapit na siya sa condo ni Alex nang magtext ito.
'I told my friend we are getting married. So she is really excited! You will love her....'
Nainis siya bigla.
If there is one thing na ayaw niya sa girlfriend niya, 'yon ay lagi siya nitong pinapangunahan. Isang taon pa lang sila and honestly he wanted to know the other sides of Alex first.
He pulled over. Tapos bumalik siya sa bahay niya. He couldn't face Alex now. Baka mag-away lang sila. At ayaw niyang maging cause ng away nila 'yon.
She probably just wanted to tell her friend that they are bringing their relationship to the next level. Hindi niya dapat ikagalit iyon kasi sooner or later, doon din naman papunta ang relasyon nila, 'di ba? Why else would he make Alex his girlfriend kung wala siyang intention na gawin itong asawa niya?
But the marriage thing is something he couldn't take lightly. They both need time to grow as a couple first before they commit to something sacred.
Pero hindi na muna niya gustong pag-usapan nila 'yon ngayon. Because something in his heart right now is not comfortable with what Alex did.
'Sorry, babe... I don't think aabot ako. Can we reschedule?'
BINABASA MO ANG
My Destiny
RomanceMatapos mapagtripan sa hula, akala ni KC ay tatanda na nga siyang dalaga. But she met Francis, ang pogi at ubod ng bait na hero niya. Pero iyong akala niyang magiging happy ending nila ng binata ay naglaho nang malaman niyang ang Francis niya ay siy...