7

15 1 0
                                    

It's Saturday.

Ibig sabihin, walang trabaho. Kaya early in the morning, KC joined Myra and Cassey in their not so little orchidarium.

Nagkasundo ang dalawang nanay niya sa orchids. So, few days after she moved in, nagpagawa sila ng orchidarium sa bakuran ng mansyon at halos lahat ng libreng oras ng dalawang ina ay 'andoon sila.

This morning ay sumama siya sa pagdidilig at pagspray-spray sa mga halaman.

"Look at this Charlize." Pinakita sa kanya ni Cassey ang mga bulaklak na nag-uumpisa ng umusbong.

"They're lovely!"

Her mother smiled as she watched her admire the orchids. Lagi itong parang laging maiiyak kapag nakatingin sa kanya.

"I wish I've seen you grow."

Ngumiti siya at bahagyang yumakap sa totoong ina.

She had wanted that too. Pero okay lang kasi may pumuno naman sa lugar ng pagiging ina sa kanya.

"Don't misinterpret, ha?" Kumalas si Cassey at naging considerate kay Myra. "I didn't mean that I am not grateful that you raised my- our daughter very well."

"Wala 'yon. Wag kang mag-alala," sabi ni Myra. "Ako nga 'tong dapat magpasalamat kasi hindi n'yo inilayo sa 'kin si KC- Charlize."

"It's okay, she is still KC."

Natuwa naman siya at niyakap ang dalawang ina.

"Now, well, why is my boy here?" Ani Cassey habang nakatingin sa 'di kalayuan.

"Si Francis iyan, 'di ba?"

Sinundan niya ng tingin ang tinutukoy ng dalawa. Nakaupo sa may garden seat si Francis at kumakaway sa kanila.

"I thought he doesn't want to live here anymore. Excuse me." Pinuntahan ito ni Cassey.

"Boyfriend pala siya ni Alex... Ang liit ng mundo. Akala ko magiging nobyo mo siya," ani Myra.

"Mama!" Saway niya.

"Napalagay na kasi ang loob ko sa batang iyan. Akala ko may gusto siya sa'yo," ayaw paawat na dugtong pa ng ina.

"Ma, mahal nila ni Alex ang isa't isa. Magpapakasal na nga sila, 'di ba?" She was hurt by her own words.

"Oo na," suko nito. "Maiwan muna kita at tutulong ako sa paghahanda ng almusal."

"Sige, ma."

Ibinaling niya sa iba ang atensyon. She must forget her feelings towards Francis. Walang maidudulot na maganda sa kanya kung ipagpapatuloy niya ang nararamdaman.

Kung bakit ba naman kasi?

"Can I join you?"

"Francis!" Nagulat siya nang bigla itong magsalita mula sa likuran niya, nagupit niya tuloy 'yong isang bulaklak. "Naku lagot!" Worried na pinulot niya ang nalaglag na bulaklak.

"Oops, sorry... Magugulatin ka pala," tukso ni Francis.

"What are you doing here?" Tanong niyang dumistansya nang bahagya.

"Wala naman. Bumibisita lang. I grew up here you know. Nakakamiss din pala."

Tumango-tango siya.

"Kumusta naman? Nakapag-adjust ka na ba?"

"Still learning - "

"You know," parang may kakatwang bagay na naisip si Francis. "When I first saw you, you already seemed familiar to me. If I saw your necklace at once, you should have been reunited to us sooner."

My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon