J O S H
Maggagabi na, nandito parin kami sa The Zone.
"Stell, san mo binili yang cupcake?" tanong ni Ken sa kay Stell na nagbabalat ng cupcake kaya napalingon kami.
"Dyan sa coffee shop sa kanto" sagot ni Stell habang kumuha at ngumunguya.
Biglang kinuha ni Ken ang cupcake sa kamay ni Stell, napangisi ako dahil alam ko kung ano ang susunod nyang gagawin hahahaha
Binalatan nya ng tuluyan at isang subong pinasok sa bibig nya ang sobrang cupcake. Nanlaki ang mata ni Stell kaya natawa kaming tatlo habang nakatingin sa kanila hahahaha parang bakla ang mga toh.
Saglit na natahimik kaming lahat nang...
"Felip!" sigaw ni Stell, hindi naman galit si Stell, ganyan talaga kami, di namin hahayaang magalit ang isa sa amin. We built this friendship for many years, di namin hahayaang masira toh.
Tumayo si Ken at tumakbo palabas ng The Zone at hinabol ito ni Stell.
"Bumalik ka dito manok!" sigaw ulit ni Stell, wala nang masyadong tao sa BLIA ng mga oras na toh.
"Di na hahahaha uwi na tayo" sigaw pabalik ni Ken.
"Hoy po! Balik na daw kayo sabi ni Pablo, last na daw para makauwi na, Ken pupunta pa tayo kina RJ" tawag ni Jah sa kanila kaya huminto sila pareho at bumalik na sa The Zone.
Nagsitayuan na kami at handa nang umuwi.
"Josh, sabay ka?" tanong ni Jah, ngumiti ako at umiling.
"Dala ko sasakyan ko tsaka baka nakakalimutan mo may pupuntahan pa kayo ni Ken" tawang sabi ko
"Bat parang sarcastic yun Josh, selos ka? hahahaha" sabat ni Pablo. Sira tong mga toh.
"Ha? di ah hahaha" sagot ko naman
"Ikaw lang naman eh, wag ka nang magselos" malababaeng sabi ni Justin sabay angkla ng braso sa braso ko. BAKLA HAHAHA
"Mandiri ka nga Justin hahahaha ang sagwa eh" sabi ko sabay waksi ng braso nya.
"Bahala ka dyan, dun nalang ako kay Ken lilibre nya pa akong manok!" sabi nya sabay pout ang cute ng batang toh hahahaha
"Yabang! Di kita ililibre oi, swerte mo dre" sabi ni Ken habang nagpapalit ng tshirt hahahaha
"Jah, feeling ko mas clingy ka kesa kay Sharie pag naging kayo" sabi ni Pablo kaya napatawa kami ng mahina.
"Totoo hahaha" sang-ayon ni Stell.
"Inaasar nyo na naman ako eh" sabi ni Jah kaya tumawa na naman kami.
"Joke lang, sige na uwi na tayo" sabi ni Pau kaya lumabas na kami ng The Zone.
Pagkababa namin, dumiretso na kami sa basement, si Jah sumakay sa kotse nya, ganun din kaming tatlo. Tatanungin nyo ko sino'ng walang dalang kotse? si Pablo, si Dusty dala nya eh hahahah favorite buddy nya yan.
Habang nagmamaneho ako pauwi biglang nakareceive ako ng text message kaya binasa ko agad yun nang nag stop light.
Jannahnah
Nakauwi na ako :)
Di ko na sya nireplyan, Green light na eh hahaha.
Pagdating ko sa condo, binagsak ko agad ang bag ko sa kama at binuksan ang pc ko.
Maglalaro ako mamaya eh, invite ko si Jah para masaya.Pagkatapos kong i-setup ang PC ko ay nagpalit muna ako ng damit at umupo na sa gaming chair ko.
Tumunog bigla ang cellphone ko kaya sinagot ko muna.
"Hi Josh" ngiting bati ni Jannah sa kabilang linya
"Hi panget" tawang bati ko pabalik kaya napakunot ng noo nya
"Hahaha biro lang" pagbawi ko kaya napangiti sya ulit
"Laro kayo? Live ka ah? nood ako hahaha" sabi nya
"Live? wag na baka bumaha na naman ng mga fangirls ni Justin sa comment section eh hahaha alam mo naman etong si Jah, napakasikat sa school" sabi ko na nagpanguso sa kanya hahahaha ang cute parang tilapia :D
"Cute mo pag ganyan Nana hahahaha para kang Finding Dory hahahaha" tawang tawa ako, nainis ata sya kaya biglang binaba yung tawag.
"Pikon" sambit ko.
Binuksan ko na ang laro at gumawa na ng room, tsaka inivite si Jah.
Kayo na mag isip anong laro yan hahahaha
"Hoy po! bat ito? kala ko ba ayaw mo nito kasi pambata." reaksyon ni Jah nang makitang nasa loob sya ng server ko sa minecraft.
"Wala lang, bata ka naman eh, bagay sayo toh,"
"Minsan lang kita bibigyan ng chance pumili ng laro kaya ayan na tara patibayan tayo ng gusali." sabi ko
"Ampanget mo kabonding Josh! Bala ka dyan, wag mo kong dinadamay dyan" sabi nya sabay alis.
Ayy! walang respeto ang batang toh hahahaha. Tinawagan ko sya—voice call
"Hoy Justin! di bagay sayo hahaha" sabi ko
"Maglaro ka mag isa, maglalaro nalang akong Super Mario hhahahaha" sagot nya.
"Ewan ko sayo hahhaha message mo nalang ako kung gusto mong sumali ha? bye" sabi ko sabay baba ng cellphone, nakaconnect na ako sa server eh.
Nagsimula na akong maglaro at di na hinayaang may mang-istorbo pa. Nung mapansin kong hatinggabi na, nagdesisyon na akong matulog na. Pinatay ko na ang pc ko at humiga na agad sa kama.
//JoshTin on multimedia//
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
PARADISE: (Chapter 2)
YOU ARE READING
PARADISE [KU 04] (SB19 JOSH)
FanfictionNaranasan mo na bang itago ang totoong nararamdaman mo sa taong lagi mong kasama? Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng lihim na nagmamahal sa taong tinuring nyang kapatid. Pero paano kung ganun din pala ang nararamdaman ng taong yun sa kanya...