03

4 2 0
                                    

J O S H

Nagmamadali na akong maghanda para sa pagpasok dahil pasado alas syete na akong nagising at alas otso ang unang klase ko.

Paglabas ko ng bahay, agad kong minaneho ang kotse ko.

"Bagalan mo lang pagmamaneho mo!" sigaw ni mama galing sa loob ng bahay kaya napatawa nalang ako ng mahina.

Di na pwedeng bagalan ma, late na ako hahahaha

Dahil masyadong busy ang daan, 35 minutes lang napasok ko na ang gate ng BLIA.

Agad na akong nagpark at dumiretso na sa building namin. Pagkaakyat ko ng building, tahimik na halos lahat ng klase, nagsimula na ata.

Pagdating ko sa classroom namin, dali-dali akong pumasok sa backdoor pero di ako nakaligtas.

"Mr. Santos, ang aga mo ata ngayon?" sarkastikong tanong ng prof nmin kaya napakamot ako sa batok at napayuko

"Sorry for that sir" sabi ko at agad nang umupo sa upuan ko.

"Next time, I dont want you to be late again." sabi nya at nagpatuloy na sa pagdidiscuss.

"Hoy Cullen, bat late ka?" pabulong na tanong ng katabi ko, sino? si Jannah.

"Pasado alas dose na ako ng hating gabi natulog kagabi eh" sagot ko

"Yan ka, di mo nga ako sinali eh, ano ba nilaro mo?" tanong nya kaya nagdalawang isip ako kung sasabihin ko o hindi na minecraft nilaro ko hahahaha

"A-ahh as usual, basta yung lagi kong nilalaro" ngiting sabi ko at napanatag na ako nang tumango sya at binalik ang tingin sa notebook nya.

"Josh, busy ba kayo mamaya?" bigla nyang tanong

"I mean, mamayang dismissal? Pwede mo ba akong samahan?" dagdag nya

"Saan?" tanong ko, wala naman kasi kaming usapan na may practice mamaya kaya baka pwede ko syang masamahan.

Kinusot nya ang magkabila nyang mga palad, ibig sabihin kinakabahan sya.

"Ayos ka lang ba Nanah?" tanong ko sabay hawak ng mga kamay nya.

"Josh, mamaya na kasi yung audition... s-sa tingin mo ba matatanggap ako? o ordinaryong studyante nalang talaga ako dito sa BLIA, magsosorry na ako sayo ngayon palang, dahil baka di talaga ako makuha eh" nanginginig sya habang sinasabi yun at ako naman nagpipigil ng tawa. Hahahaha she's pretty, she's talented, imposibleng di sya matanggap as trainee.

"Nanah, listen to me... You don't have to sorry that much, don't think na di ka matatanggap because you are overqualified. Pag di ka pa nila tinanggap, para na silang nagpakawala ng mamahaling bato. Jannah, magiging school idol ka, naniniwala ako dun and I hope ikaw din." mahabang paliwanag ko, gusto ko syang tulungang magkaroon ng lakas for later's audition.

"Sasamahan kita mamaya, ako kaya number 1 fan mo, remember? Ichicheer kita like how you did to me before." ngiting dagdag ko.

Biglang umingay ang klase at paglingon namin sa harap, sabay kaming napatawa. Wala na pala dun ang prof namin, rinig ko sa kaklase ko. "Buti nalang talaga may meeting si sir, maagang lumabas hahaha"  Lalo kaming napatawa at agad namang nawala yung tawa nya at napalitan ng maliit na kurba sa kanyang labi, she smiled with her eyes.

"Thank you Josh, thank you for making me feel so special." she said.

Yes Jannah, you're so special. You are one of the reasons why I smile, you must know how special you are to me. Bukod sa pamilya ko, sa SBT, at sa mga laro ko, ikaw ang nagbibigay ng saya sakin. Di ko man kayang aminin sa ngayon, pangako balang araw, pagdating ng tamang oras, sasabihin at ipaparamdam ko yun sayo.

"Hoy Cullen! tulala ka na naman, high ka bro hahahaha kanina pa nagvavibrate cellphone mo, sagutin mo na yan." sabi nya kaya agad kong kinapa ang phone ko sa bag.

"Hello" sagot ko

"Josh, may dala ka bang calculator dyan? I badly need it man.  Pahiram naman kahit isang oras lang hahaha"  sabi ni Pablo sa kabilang linya kaya natawa ako bago sumagot.

"Asan ba kasi calculator mo?" tanong ko.

"Naiwan ko sa bahay, gumawa kasi ako ng activity kagabi, naiwan ko ata sa study table ko" sagot nya kaya tinawanan ko ulit.

"Hahahaha, sige kunin mo dito sa room  304 Engineering" sabi ko bago binaba ang telepono.

"Sino yun? grabe tawa mo ah?" ngising tanong ni Jannah habang nakatingin sakin.

"Si Pablo, nanghihiram ng calculator naiwan daw yung sa kanya eh hahahaha" tawang sagot ko kaya napahalakhak din sya ng mahina.

Naglaro muna kami ni Jannah ng Fall Guys habang nag aabang para sa next course namin.

"Nanah, kuha mo naman na ang Go up diba? Gusto mo final rehearsal muna? may 30 mins tayong vacant time eh." suhestyon ko kaya napatingin sya sakin na nakakunot ang noo.

"Saan naman ako magrerehearse?" tanong nya.

"The Zone" tipid na sagot ko na nagpangisi sa kanya. Suki na si Jannah sa The Zone, madalas syang sumasama sakin dun dahil madalas din kaming sabay umuuwi dahil yung bahay nila, nadadaanan ko pauwi kaya madalas syang nanghihitch hahahaha.

Tumayo na kami at kinawit sa balikat ang mga bag namin bago lumabas ng classroom.




•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Keep reading kaps! Please pakifollow na din for more stories.

PARADISE (Chapter 3)

PARADISE [KU 04] (SB19 JOSH)Where stories live. Discover now