J A N N A H
Inayos ko na ang gamit ko, maaga akong nagising, excited ata.
While preparing my things, May narinig akong kumalabog sa baba. At first, I thought may nakapasok na nagnanakaw kaya dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko na sana di ko nalang ginawa.
"What the hell John! Akala ko ba napag usapan na natin toh!" Rinig kong sigaw ni mommy.
"We need to do it hun" sagot ni daddy sa kanya.
"Not her please"
Haaayyyy nag aaway na naman sila. Dumaan ako sa likuran ni daddy habang bitbit ang malaki kong bag
"Where are you going Ms. Salvador?" Madiing tanong ni mommy kaya huminto ako at tumingin sa kanila
"Kailangan kong magstay sa dorm ng BLIA mom" sagot ko
"And why?" Tanong ni mommy.
"Because, Im already a BLIA Idol and dun ako magsistay sa dorm" walang gana kong sagot
"Ok, don't forget to update us always pag nandun ka na" sagot ni mommy sabay lapit sakin at yumakap
"I love you bunsoy" sabi nya kaya medyo nawala ang stress ko sa kanila ni daddy.
"I love you too mommy" sagot ko saka yumakap pabalik.
Pagkatapos ng ganap na yun, bumaba na kami at kumain ng almusal.
I miss this
Sabay kaming nag agahan buong pamilya.
"Bunso, magiging sikat ka na sa BLIA!" Masayang sabi ng ate ko, graduate ng BSMA sa BLIA.
Tumango lang ako at ngumiti.
I don't know what's waiting for me, ang alam ko lang bagong buhay bilang isang sikat na studyante ng BLIA.
Hinatid ako ni ate sa BLIA, dala ko na ang mga gamit ko. Dinala ko muna sa the Zone ang gamit ko bago pumasok ng klase.
"Oh! Andito ka na pala wife" bungad sakin ni Josh na nakangisi
"Wife mo mukha mo Santos!" Sagot ko sabay upo sa tabi nya. Seatmate kami, wag issue.
"Hindi ba? Diba love mo ko?" Sabi nya
"Alam mo Josh, buti pa siguro mag-review muna tayo, wag mo kong kinukulit may quiz tayo sa History class natin" sabi ko sabay kuha ng libro ko.
Tumawa lang sya at nagbasa na. Ang hilig talaga nitong mang asar, napaka pafall mo Josh.
"Pafall" mahinang sambit ko
"Huh?" Tanong nya
"Wala, sabi ko pinball" palusot ko
"Ahh hahahaha di naman talaga pafall sinabi mo eh" tawang sabi nya habang nakatutok sa libro nya
Hayyy nako
Pagkatapos ng tatlong course dismissal na kaya dumiretso na ako sa the zone at kinuha ang mga gamit ko at dumiretso na sa Dorm.
Pagpasok ko ay nakarinig agad ako ng ingay hahaha magiging maingay na ang araw-araw ko dito, pero ayos lang basta hindi yung ingay ng argumento.
"Hello people!" Bati ko sa kanila.
"Hi Jannah" bati din nila sakin.
Nag uusap muna at pumasok na ako sa kwarto
"Wow! Designed ba na tiglilima ang mga bed?"
Naayos ko na ang mga gamit ko at magpapahinga na sana. Nakita ko si Lovely na nakaupo sa kama ni Stephy at dumungaw sa bintana kaya tumabi ako at napansin kong may tinitigan sya sa baba so nakichismis muna ako, tinignan ko ang tinititigan nya
"Eheem! Baka matunaw yung tao" sabi ko
"Ha? Tao? Sino?" Maang-maangan nyang tanong
"Oo, si Felip ang lalim ng tingin mo eh, parang nangungusap hahahaha" sagot ko
"D-di ah!" Sabi nya sabay higa.
"Di daw, sige paniwalaan natin hahahaha sige, baba muna ako" sabi ko bago umalis
Pagkalipas ng ilang minuto, napagdesisyunan naming bumaba at tumambay sa oval, andun naman sina Josh
"Lovely, dito ka lang ba? Bababa kami, tambay sa oval" sigaw ni Stephy
"Kayo nalang muna, may assignment pa akong gagawin" sagot nya mula loob ng kwarto
"Ok labas na kami ah?" Sabi nya at pagkatapos nun, narinig ko ang pinto na sumara.
"Girls, may mga boyfriend ba kayong iniwan because naging idol kayo?" Biglang tanong ko hahahahaha bakit ba? Eh Marites ako eh
"Wala" sagot ni Roxanne
"Wala naman" sagot din ni Stephy.
"Ikaw ba, meron?" Tanong pabalik sakin ni Roxanne.
"Wala din hahahaha" tawang sagot ko.
"Eh, ano mo pala si SBT5 Josh?" Tanong naman ni Stephy.
"Bestfriend ko yun, simula grade 7, classmates na kami kaya super close na namin" sagot ko saka inalala ang ibang moments namin ni Josh.
"Ang swerte mo pala" sabi ni Stephy sabay ngiti ng mapakla
"Oo, pero minsan talaga, di pa rin maiiwasan ang mga basher lalo na sa mga new students na bias si Josh." Sagot ko habang nakatutok kay Josh sa di kalayuan.
Nasa oval na kami, naglalakad palapit kina Josh.
Nang makalapit kami, agad na ngumiti si Josh.
"Hi wife" bati nya kaya sinimangutan ko sya.
"Wife your face" Sabi ko sabay tingin kina Stephy at Roxanne na sana di ko nalang ginawa kasi ang dalawa nakatingin sakin at tila nang aasar.
"Sweet!" Sabi ni Stephy.
"Hmmp!" Inis ko sabay upo sa tabi ni Josh.
"Upo kang maayos wife" pang aasar ulit ni Josh.
Pero feeling ko.....
"Your blushing Jannah hahahaha" pagkomperma ni Roxanne. Sabi na eh.... I feel like my cheeks are burning.
Natahimik na kaming lahat at biglang nagsalita si Stephy.
"Asan pala si Justin?" Tanong nya
"Nah! Andun na naman yun kay Sharie hahahaha" tawang sagot ni Pablo.
"Ahh"
"Bat parang ayaw nyo kay Riri?" Biglang tanong ni Stephy kaya natawa ako bigla
"HHAHAHAHAHAHA"
"Well, di naman sa ayaw namin sa kanya, boto nga kami sa kanya noon for Justin eh" sabi ni Ken
"Pero bakit...?"
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Open your door for new friends, life is better with good people surround you
SLMT! Mahal ka ng lima!
PARADISE (Chapter 9)
YOU ARE READING
PARADISE [KU 04] (SB19 JOSH)
FanficNaranasan mo na bang itago ang totoong nararamdaman mo sa taong lagi mong kasama? Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng lihim na nagmamahal sa taong tinuring nyang kapatid. Pero paano kung ganun din pala ang nararamdaman ng taong yun sa kanya...