05

4 1 0
                                    

J O S H

"Cullen! Makinig ka naman sakin oh" sabi ni Jannah.

"Nanah, ano ba kasi problema mo? Sabi ko diba? Kumalma ka lang, ako na bahala sa project na toh" sabi ko

"Bobo ba ako Josh?" Biglang tanong nya kaya napatingin ako sa kanya

"Jannah, di ka bobo. Haayyy sabi ko lang na ako nang bahala dito, alam mo kung bakit? Dahil ikaw ang gagawa ng essay sa paggawa nito. Kaya please Nanah, manood ka nalang and don't think too much, para ka na namang baboy dyan sa nguso mo." Ngiting sabi ko kaya inirapan nya ako.

"Nannah, kumusta pala? Wala bang email?" Tanong ko

Wala akong narinig na sagot kaya nilingon ko sya at kita ko ang dismayado nyang mukha at umiling lang sya.

"Ok lang yan Nannah" ngiting sabi ko sabay Pat ng ulo nya.

"Sabi ko naman sayo eh di ako makakapag train" sabi nya sabay pout ulit.

"Nannah, tigilan mo kakapout mo" saway ko sa kanya.

Nasa students' lounge kami at maraming tao dito.

"Bakit? Natetemp ka ha?" Tanong nya kaya napakunot ang noo ko.

"Jannah Salvador umayos ka nga!" sabi ko.

"Josh Cullen Santos, nagtatanong lang ako, di mo kailangang magalit, pwera nalang kung totoong natemp ka"  she smirked when she said those words.

Hinawakan ko ang kamay nya at nilapit ang mukha ko sa mukha nya sabay smirk.

"Gusto mong idikit ko labi ko dyan sa labi mo?" Tanong ko sabay ngisi.

"J-josh.." sabi nya

"Hahahahaha wala ka naman pala eh" ngiting sabi ko sabay upo ng maayos.

Natahimik si Jannah at nag-focus sa pagsusulat ng paper work ng project namin.

Namumula ang pisngi nya kaya napangiti ako.

Nagpatuloy lang kami sa ginagawa namin, inayos ko ang model ng project at si Jannah naman kulang nalang ng kaunti, didikit na ang mga mata sa papel.

Nang....

"May message ka ata Nannah" sabi ko nang mapansin kong magting ang phone nya kaya agad nya itong kinuha at binasa.

Tinignan ko lang sya habang nagbabasa, ang ganda ng bestfriend ko. Is it ok to fall in love with my bestfriend?

"Sino yan? Sarap ng ngiti eh, boy?" Kumot noong tanong ko. Ngingiti ngiti pa kala mo naman bagay sila.

"Josh! Vacant natin 11:30-2:00 samahan mo ko ah? Wala ka naman sigurong practice ngayon diba?" Sabi nya ng may galak

Naguguluhan pero tumango ako.

"Yey! The best ka talaga!" Ngiti nya sabay yakap sakin.

"Teka, san tayo pupunta?" Tanong ko kaya hinarap nya sakin ang phone nya at nabasa ko.

An email from: Horizoid.ent@gmail.com

Good Day! We would like to inform you that you have passed the audition and we are glad to invite you to join our family and be one of Hori babies.

Hope to see you at Horizoid Entertainment Taft Avenue.

HORIZOID ENTERTAINMENT: Music of Dreams

Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko. She'll train!

"Sabi sayo eh! Magiging trainee ka" ngiti ko saka pinat ang ulo nya.

"Joshiiii!!!! Ang saya ko!" Mangiyak-ngiyak na sabi nya kaya tumawa ako.

She looks so innocent.

"You did your best and that best is the best" tawang sabi ko kaya napakunot ang noo nya.

"Ano yun?" Tanong nya

"Sabi ko, magaling ka and deserve mong maging Horizoid trainee." Sabi ko kaya ngumiti sya at inayos ang sarili nya.

"Josh, naalala mo dati, yung sabi ni teacher Hong sakin?" Tanong nya pero di ko maalala kaya umiling ako.

"Yung sinabi nyang may potential daw akong maging isang school idol din. Bata pa tayo nun, nung nagstart kang maging trainee." Ngiting sabi nya kaya ngumiti din ako at hinawakan ang kamay nya.

"Magaling ka naman kasi at walang dahilan para di ka makuhang maging trainee." Ngiti ko at nagliwanag na naman ang mukha nya.

Di ko alam pero di ko talaga kayang sabihin sa kanyang mahal ko sya, di bilang kaibigan kundi bilang isang babae.

I like her, matagal na di ko lang maamin dahil bawal kailangan ko pang mag antay ng isang semester bago pa kami pwedeng mag-girlfriend.

Sabi ni Sir Charles at ni tatang, two and half years muna ang hihintayin bago kami mag-girlfriend.

"J-josh?"

"A-ahh?"

"Kanina ka pa titig na titig sakin, May kakaiba ba sa mukha ko? May dumi ba ako sa mukha? Magulo ba buhok ko? Ma--"

"Sshhh..." Di ko sya pinatapos at nilapat ko sa labi nya ang hintuturo ko

"You're perfectly fine" dagdag ko at pinisil ang pisngi nya.

"Aray naman Cullen!!!" Saway nya kaya ngumiti ako.

"Mamaya na landian, Josh, May practice mamaya" biglang sulpot ni Ken.

"Huh? What time?" Tanong ko, kasi diba sasamahan ko pa si Jannah sa Taft?

"1:00" sagot nya kaya napatingin ako kay Jannah na medyo nawala ang saya

"Ok lang Josh, ako nalang pupuntang Horizoid" sabi nya sabay ngiti.

Tumingin ulit ako kay Ken.

"Susunod nalang ako, mag eexcuse ako sa 2:00pm classes ko sasamahan ko pa si Jannah eh" sabi ko kaya napakunot ang noo ni Ken.

"Saan?"

"Sa Horizoid Entertainment" sagot ko

"Magtitrain ka Nannah?" Tanong ni Ken na ngiting tinanguan naman ni Jannah.

"Congrats! Pero bye muna, kailangan ko pang magsubmit ng output ko sa faculty room" sabi ni Ken sabay lakad paalis.








Naiwan kami ni Jannah at pinagpatuloy nalang namin ang project na ginagawa namin.



••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

A/N: Thank you for reading kaps! Follow for more stories! And Wag kalimutang i-click ang star and comment na din. See you sa chapter 6.
Maraming SLMT!

PARADISE (Chapter 5)

PARADISE [KU 04] (SB19 JOSH)Where stories live. Discover now