06

4 1 0
                                    

J A N N A H

Maaga akong nagising na nang marinig ang away ni mommy at daddy.

Haayyy heto na naman sila sa pagiging aso't pusa.

Naghilamos muna ako at nagsipilyo bago bumaba at di nga ako nagkamali, they're arguing about something.

"Mom, dad, ang aga pa" suway ko sa kanila.

"Shut up Jannah!" Bulyaw ni mommy kaya napakunot ang noo ko at nanlaki mata ko.

"What's wrong with the both of you?! It's too early to hear you both yelling!" Dagdag ko

"Jannah, you wanna know what's going on? Our business is facing a huge problem!" Sigaw ni daddy kaya napanganga ako.

"W-what do you mean dad?" Tanong ko.

"It's not a big deal sweetie, j-just go to the kitchen and eat. We'll fix it." Mahinahong sabi ni mommy.

Hahaaayyy

Naglakad nalang ako papunta sa kusina at umupo na sa pwesto ko.

Kawalang gana naman ng mga boses ng mga magulang ko.

Wala pang isang minuto, tumayo na ako at diretsong naglakad paakyat ulit ng kwarto ko.

Binalibag ko ang pinto at agad naligo at nagbihis. I don't want to ruin my morning, gusto ko maging inspired ngayong araw na toh.

Pagkatapos kong magbihis, nag ayos ako ng buhok, naglagay ng light make-up and nagsuot na ng white rubber shoes.

Kinawit ko na sa braso ko ang sling bag ko at bumaba na.

"Jannah, di ka ba mag aalmusal?" Tawag sakin ni ate.

"Sa BLIA nalang" sagot ko at tuluyan nang lumabas.

Pagkarating ko sa labas ng subdivision kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Josh.

"Hello Nannah"

"Nasa Blia ka na?" Diretsong tanong ko

"On the way palang, di pa nga ako nakadaan sa inyo eh" sagot nya

"Great! Hintayin kita dito sa labas ng subdivision"

"At bakit mo naman ako hihintayin dyan?"

"Basta, wag ka nang umangal, see you bye" sabi ko sabay baba ng telepono.




Ilang minuto pa ay nakita ko na ang kotse ni Josh.

Napangiti ako at agad na kumaway pero napangiwi ako nang nilagpasan nya ako.

"SANTOS!!!" Sigaw ko kaya naman pinagtitinginan ako ng mga taong dumadaan.

Huminto sya sa di kalayuan at binaba ang windshield kaya tumakbo ako palapit ng kotse nya.

"Good morning miss" bati nya kaya nainis ako at inirapan lang sya bago pumasok sa shotgun seat.

"Ang sungit mo ngayon ah?" Tanong nya

"Ano naman sayo?" Sabi ko.

PARADISE [KU 04] (SB19 JOSH)Where stories live. Discover now