Isang Linggo na ang lumipas, naging maayos ang mga araw sa buhay ko. Sa ilang araw ng training, pagod at hirap ang nararanasan ko. Marami na ding nagback-out at lumipat sa mga acad clubs. Sa ngayon, pito nalang kami and apat lang ang magiging official members ng grupo.
Naglakad ako papuntang CCE Building, late na ko neto, nakakainis kasi eh ang traffic, tapos itong si Josh, sabi sakin dadaanan nya daw ako tapos ang ending, nag alas otso nalang, wala paring Josh Cullen kaya nagdesisyon akong magtaxi nalang.
Pagpasok ko ng classroom, nagtaka ako, bakante ang upuan ni Josh kaya kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya.
Nakailang ring na pero walang sumasagot. Shuta ka Josh!
Limang beses ko syang tinawagan pero ni isa sa mga tawag ko, wala syang sinasagot kaya nainis na ako at medyo nag aalala na din.
Ilang minuto pa ang dumaan, wala parin si Josh kaya nag aalala na ako lalo.
Asan ka na ba Josh...
Eksaktong lumabas ang guro namin sa first course, pumasok naman si Josh, nakayuko at magulo ang buhok. Dumiretso sya sa tabi ko at umayos ng upo.
"Josh" I am totally speechless sa nakikita ko. He got bruises and wounds.
"Hmm?" Tanging sagot nya.
"A-anong nangyari sayo?" Tanong ko
Tumingin sya sakin at ngumiti.
Awwww hamster parin sya para sakin.
"Wala, nabangga lang ng kotse ang motorbike kanina kaya medyo tumilapon kami " nakangiti pa sya habang sinasabi yan ako naman medyo nanginginig na sa pag aalala.
"Josh!" Inis na usal ko.
"Hmm?"
"Josh naman eh! Halika, punta tayong clinic, pagamot natin yang mga sugat mo" sabi ko sabay tayo.
Kinuha nya naman ang kamay ko at hinila ito para maupo ako ulit.
"No need Jannah, I'm fine." Sabi nya kaya tinignan ko sya ng masama na parang nagbabanta.
"Fine... Pero mamaya nalang, sa vacant time natin." Sabi nya kaya umismid ako.
"Jannah, wag ka mag alala, napaghahalataan ka eh hahahaha" sabi nya kaya di ko alam, parang uminit ang mukha ko.
"Namumula ka na Jannah hahaha oo, papakasalan pa kita diba?" Nakangiting sabi nya na naging dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Ngumiti lang sya habang ako naman pinasok ang lalim ng mga mata nyang nagpapahiwatig ng kung ano.
"Ewan ko sayo Josh! Bahala ka na nga dyan." Inis na sabi ko sabay talikod sa kanya.
"Seryoso ako dun" rinig kong sabi nya kaya pumikit ako ng mariin para iwasang mapahiyaw sa kilig.
Ilang minuto lang ang lumipas, pumasok na ang next course instructor namin, yes instructor kasi PE namin ngayon. Pero ngayong araw, lecture lang ang gagawin kaya no need to change for PE attire.
Discuss
Discuss
Discuss
Natapos ang diskusyon at talagang napansin ng instructor namin si Josh at ang mga pasa nya.
"Mr. Santos, what happened to you? What are those bruises all about?" Tanong ng instructor.
Napahinga ng malalim si Josh bago sumagot.
"Aksidente sa kalsada sir" yukong sagot nya na napangiwi pa, halatang may iniinda.
"And? Na-settle ba?" Tanong ulit ng instructor
"Opo sir, napag usapan naman namin nung may-ari ng kotseng nakabangga sakin at ayos naman na sir." Sagot nya sabay ngiti.
"That's good but still Mr. Santos, liability parin yun ng may sala" sabi ni sir kaya napatango kami bilang pagsang-ayon.
"It's ok sir, wala namang malaking pinsala." Ngiting sagot nya.
Ang bait mo talaga Josh, parang habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sayo.
Lumabas na si sir at agad akong bumaling kay Josh.
"Vacant time na natin Mr. Santos, baka naman pwede na tayong pumuntang clinic?" Sabi ko nang nakataas ang kanang kilay.
"Opo Mrs. Santos" sagot nya na nagpalaki ng mga mata ko. Ang lakas ng boses nya and narinig yun ng mga kaklase namin.
Kinurot ko ang braso nya kaya napahiyaw sya.
"Aray ko naman Mrs. Santos Mapanakit ka ah?!" Sabi nya kaya mas lalo akong namula.
"Ewan ko sayo!" Sabi ko.
"Kita mo? Pagkatapos mong kurutin ang sugat ko, di ka manlang magso-sorry." Nakapout na sabi nya kaya napalingon ako ulit sa kanya at tinignan ang braso nya.
Hala sya! May dugo yung sugat nya!
"Hala Josh!!! S-sorry! T-tara na kasi p-punta na tayong clinic" utal na sabi ko, natataranta na ako eh bakit ba? Huhuhuhu am so bad.
"Hahahaha misis ko, kumalma ka, wala yan." Sabi nya nang nakangiti pa.
Aaminin ko, kinikilig ako pero sa sitwasyong ito mas nananaig ang kaba at guilt ko.
"Tara na, tulala ka na naman eh" Sabi nya sabay hila sakin palabas ng classroom.
Pagkarating namin ng school clinic ay agad na nilinis at ginamot ang mga sugat nya. Habang ginagamot sya, ako naman ay abala sa panunood ng Harry Potter.
Ilang sandali lang ay natapos din ang school nurse sa paglilinis ng mga sugat ni Josh kaya tumayo na ako at lumapit sa kanya.
"Tara na? Baka malate pa tayo sa next course natin." Sabi ko sabay lapit sa kanya.
"Inaantok ako eh" sabi nya kaya tinignan ko sya ng masama.
"Oo na, tara na misis ko" sagot nya sabay hawak ng kamay ko at hinila ako palabas ng clinic.
Ewan ko talaga sayo Josh Cullen Santos buong araw mo talaga akong pinapakilig.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Isang kabanata na naman ang natapos mo kaps! Congratulations sayo! Kung nais mong maging updated sa mga susunod nating chapters, FOLLOW nyo na ako dahil Kaya'ng lahat IKAw at aKo!PARADISE (Chapter 7)
YOU ARE READING
PARADISE [KU 04] (SB19 JOSH)
FanfictionNaranasan mo na bang itago ang totoong nararamdaman mo sa taong lagi mong kasama? Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng lihim na nagmamahal sa taong tinuring nyang kapatid. Pero paano kung ganun din pala ang nararamdaman ng taong yun sa kanya...