J A N N A H
Nasa classroom ako ngayon, first day ng klase namin at nakatunganga na naman ako dito sa tabi ng bintana, bakit ba? ito favorite place ko eh, kasi maaliwalas. Habang naghihintay ng kakwentuhan naglaro muna ako ng minecraft hahhahha saya kasi nito eh, lagi nga akong inaasar ng kaibigan ko eh bat daw ganito nilalaro ko. Kahit kasi CCE ako di ako marunong sa mga online games eh ':D
"Ano na naman yan bata?" Napalingon ako sa likod ko at nakita dun si Josh. Sinamaan ko sya ng tingin at tinawanan nya lang ako.
"Hoy Santos! Di porket naglalaro ng minecraft bata na agad, bakit si Preston, si Brianna di na naman sila bata ah?" sabi ko habang matalim na tumingin sa kanya.
"Kalma hahahaha toh naman, joke lang ang aga aga highblood ka na" tawang pang aasar nya.
"sige pa Josh! mang asar ka pa!" inis na banta ko kaya umupo na sya sa tabi ko.
Simula nung high school, magkakaibigan na kami ni Josh. Nagkakasundo kami sa pagtambay sa mga ihawan minsan sa silogan. Hahahaha naalala ko pa dati nung nainis sya sa silogan malapit sa bahay nila hahahaha maliit daw yung longganisa mas malaki pa daw tutu nadi komo tutu nayon susti nya hahahahahaha.
"oh! day dream na naman hahahaha" pambabara nya sakin kaya hinampas ko sya ng notebook.
Masaya kasama si Josh kasi malakas mang asar eh pero syempre inaasar ko din sya. "Jannah" tawag nya sakin habang busy ako sa cellphone ko.
"oh?" sagot ko habang naglalagay ng bubong sa bahay ko sa minecraft.
"Anong club sasalihan mo?" tanong nya sakin.
"Ewan, baka sa History nalang" sabi ko
"Balita ko may bagong ititrain na girl group Japanese nga lang daw hahawak, train ka para masabayan mo na tong gwapo mong kaibigan" ngising pangungumbinsi nya saka ako kinindatan. Luh? gwapo daw eh hahahaha pero sana nga available pa ang sinasabi nya. Alam nyo kasi matagal ko nang pangarap maging tulad nila Josh, ayoko na kasing palaging naiiwan char hahaha laging busy si Josh eh.
"Hoy! Sali ka ah?" sabi nya sabay pat ng tuktok ng ulo ko.
"Oo kung available pa" ngiting sagot ko hahahaha. Sa totoo lang, pangarap ko nang magperform sa harap ng maraming tao, bata palang ako. Sabi ko nga dati eh, kailan kaya ako mapapanood sa tv? hahahaha gusto kong magstart dito sa school muna.
Napangiti ako sa mga naalala ko, dati kasi umaakyat ako sa mesa sa office ni mommy tuwing dadalaw kami ni papa sa trabaho nya, tapos tinatawag ko yung iba nyang mga katrabaho, kukunin ko ang marker sa tabi tapos kumakanta ako. Tuwang tuwa sila sakin noon.
"Jannah, may practice kami mamaya, gusto mo manood? sabay tayong umuwi, hatid kita" pang aaya ni Josh sakin.
Gustuhin ko man, kailangan kong dumaan sa shop kasi sabi ni papa, kung pwede ako nalang daw magdala ng mga shirt na inorder. Dadalhin ko sa bahay kasi order yun ng kapitbahay namin for their reunion daw.
"Eh Josh baka mauna na ako mamaya, may kailangan pa kasi akong kunin sa shop eh" sabi ko. "Ganun ba? sige, text mo nalang ako pag nakauwi ka na ah?" sagot nya. grabe ang swerte ko, having a friend like him is better than having a jowa HAHAHAHA.
Tumango ako at pinasok sa bag ang phone ko at napansin kong may pumasok na mga club recruiter.
"Good morning fellow students, we are........... And we are here to invite everyone to be part of our acting workshop and baka gusto nyo ding magregister sa brother org namin na naghahanap ng pwedeng maging bagong performers. They are looking for girls na pwedeng mag audition para sa bagong grupo na naisipan nilang itrain at iharap sa school officials. If ever interested kayo, just go to AVR3 and look for Jhana Angeles. Thank you" paliwanag nila Gabbi, blockmate namin sya, member din sya ng acting club.
"Ayan na Jannah hahahaha" bulong ni Josh kaya napatawa nalang ako.
Pagkalabas ng mga recruiter ay inabot ni Josh sakin ang ballpen nya
"Fillout na" ngiting sabi nya.
Bumuntong hininga muna ako bago ko pinunan ang mga blanko. Napansin ko naman si Josh na parang binibraid ang buhok ko habang nakatungo ako hahahaha ayan na bebe nyo bakla nga kasi yan. hahahahaha si Joshwita.
"Aray ko naman Josh Cullen! makakalbo na ako dyan sa ginagawa mo" pagrereklamo ko kasi naman lagi nalang may napuputol at nabubunot na strand ng buhok ko. Tumawa lang sya at patuloy paring tinatali ang buhok ko.
"Josh, tama bang mag audition ako? ano naman ipeperform ko?" tanong ko sa kanya kasi wala talaga akong alam eh
"Turo ko sayo full choreo namin sa Go Up, yun nalang sayawin mo" ngiting sagot nya. Eh? Go Up talaga? yung kanta nila? "Hirap nun eh" sabi ko nang nakanguso
"Jannah, madali lang yun turuan ka namin" anya habang nakangiti. Haayy si Josh talaga
"Sige na nga" tawa ko.
Mabilis ang takbo ng oras sa first day namin, may tatlong guro lang ang pumasok at ngayon uwian na. Kailangan ko nang mauna kaya nagpaalam na ako kay Josh at sa ibang members ng SBT5.
"Una na ako sa inyo ha? Pupunta pa akong shop eh" paalam ko
"Sige pero babae! Akin na yung form mo, ako nalang magpapasa" paalala ni Josh kaya napanganga ako nang maalala ko yun
Oo nga pala hahahaha kinuha ko ang papel na yun sa bag ko
"Ayan po, ikaw na bahala dyan ah? Bawi ako next time, libre kitang barbeque" ngiting sabi ko saka nagmistulang bituin yung mga mata nya hahahahha ikaw ihawin ko eh hahahaha joke lang.
Nagpaalam na ako sa kanila at dumiretso na sa labas kasi susunduin ako ng ate ko eh, di nya kasi ako pinahiram ng sasakyan kasi ginamit nya kanina kaya sunduin nya ako hahahaha
Pagkalabas ko ng gate, andun na si ate naghihintay kaya sumakay na ako at dumiretso na kami sa shop.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
SB19 JOSH × JANNAH SALVADOR
(paradise)
YOU ARE READING
PARADISE [KU 04] (SB19 JOSH)
FanficNaranasan mo na bang itago ang totoong nararamdaman mo sa taong lagi mong kasama? Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng lihim na nagmamahal sa taong tinuring nyang kapatid. Pero paano kung ganun din pala ang nararamdaman ng taong yun sa kanya...