Chapter 10

4.6K 147 2
                                    

Lynieth's Pov.

Pagkatapos ko yakapin si yvonne ay unti unting nilamon ng puting liwanag ang katawan namin. Pagkagising ko ay agad akong tinanong ni ina. Ano bang nangyari sa katawan ko?

"Baby mabuti at gising kana rin,ano ba ang nararamdaman mo?" Nag-aalalang tanung nito sakin.

"Ok lang po ako" sagot ko kay ina dahil hindi ko ugali ang tawagin siyang ina or mama even mommy.

"Nakita ka ng kambal mo sa kwarto mo na walang malay,at basang basa ang mukha mo ng luha kaya nag-alala siya at dinala ka namin agad dito para matignan."paliwanag ni ama. Ngayun ko lang narealize na nasa silid gamutan pala ako.

Hindi ko na lang sila sinagot at tumayo na ako. Maayos na ang pakiramdam ko. Nangako ako sa kambal ko na itutuloy ko ang pagbabago sa sarili ko. Lumabas ako sa silid na yun at iniwan ang ama at ina. Gusto kong mapag-isa. Naglakad ako pabalik sa aking silid.

"Eyy! Wala talagang taste si kambal." Sabi ng aking isip. Alan ko naman na itim na ang kwarto ko pero napapangitan ako. Takot ako sa dilim kaya medyo tumaas lahat ng balahibo ko. Ang creepy ng kambal ko. Papasok na sana ako ng may nagsalita sa likuran ko.

"Jade? Pinapatawag tayo ni HM" mahinahon na sabi ni walter sa likuran ko. Hindi ko alam kung pano siya nakarating dito, hmm baka nasa baba ang mga royalties.

Sinunod ko na lang siya at bigla ay gumamit siya ng teleportation kaya sinundan ko na rin. Alam kung sa office ni HM ang punta namin. Hay tamad talaga maglakad. Sabagay malayo ang akademya sa palasyo.

Pagkadating sa office ni HM ay inikot ko agad ang paningin ko kumpleto kami sayang lang wala parin si kambal. Kailan kaya siya babalik dito?. Napabalik naman ako sa reyalidad ng nagsalita si HM.

"Kailangan ng bayan ang serbisyo niyo royalties" may pag-aalinlangang sambit nito.

"Bakit anong nangyari HM?"Tanong ni windrex.

"Ang serpyenting may apat na ulo ay nilusob ang kahariang ng Ladriñia" seryosong saad nito sa amin.
Bigla akong kinabahan, kailan man ay hindi ko pa nasubukang gumamit ng mga kagamitan na may kaugnayan sa pakikipaglaban. Aminado akong takot ako sa mga ito pero mukhang ngayun ko na kailangang harapin ang takot ko. Alam kong wala akong kahit anong malalaman sa mga ito pero sa tingin ko ay may maitutulong naman ako. Kung nandito lang siguro si kambal ay alam kung hindi ako mahihirapan. Alam ko ang kakayahan niya nakikita ko yun noong panahun na siya ang nasa katawan ko. Dahil ang kaluluwa ko ay na kay zyione.

"Alam namin na hindi niyo pa nasubukan ang kakayahan niyo at ito ang una. May tiwala naman ako sa inyo. Bilang susunod na tagapagtanggol ng buong kaharian" sambit ni HM at saka ako tinignan. Bat sakin? Ano ibig niyang sabihin.

"Kailan kami pupunta room HM?" Tanong ni sphere alam kung nag aalala na ito sa pamilya nila doon.

"Mamayang alas otso ng gabi hintayin,muna natin makabalik ang pinuno ng senior alpha." Nakangiting sabi nito. Nakuha pang ngumiti nasa panganib na nga ang kaharian ng estudyante niya. Esh!  Kung nandito siya alam kung hindi yun papayag na patagalin pa ang paghihintay. Hindi niya gusto na may mapahamak na iba. Mas iniisip nun ang kaligtasan ng nakakarami kaysa sa sarili niya. Tanung kayo pano ko nalaman? Haha nakita ko lang yun sa asul na bolang krystal ni zyione. Tungkol kasi lahat yun sa itinakda.

Pinaligpit na kami ni HM ng mga bagay na maaring gamitin dahil baka magtagal kami roon. Mga tatlong araw ay matagal yun parang gusto ko na lang magsalon,gumala sa mall at magpamasahe mas mag-eenjoy ako dun. Bumalik na lang kami sa kanya kanya namin silid dito sa kaharian. Dito tumutuloy ang mga yan pag may pasok. Ito kasi ang palasyo na pinakamalapit sa akademya.

Cold and heartless mafia queen reincarnated as weak princess(UNDER EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon