Chapter 34

1.8K 67 2
                                    

Lythicia's Pov.

Nagising ako dahil sa nakaksilaw na liwanag sa mukha ko.

"Your awake" bungad ni jake pagkamulat ng mata ko.

Kinusot ko muna ito bago bumangon.

"What time na ba?" Tanong ko.

"5:30 in the afternoon" seryosong saad nito.

"Sorry" hinging paumanhin ko sa kanya.

"No,you don't have to say sorry lilsis." Malambing na boses nito.

"What happened bat may malaking band-aid tong ulo ko?" Birong tanong ko.

"Your head? Wala yan, di naman yan malala eh. Nakuha mo yan kanina ng tumama ang ulo mo sa paanan ng kama ko." Pagpapaliwanag ng kambal ko.

"Tsk!" Naisagot ko at umalis sa kama.

"Ayusin mo yang sarili mo. May pagpupulong daw para sa paghahanda sa pag-atake ng kalaban." Huling saad ni jake saka iniwan ako sa silid pagamutan.

Lumabas naman ako at tinungo ang aking silid. Naligo at inayos ang aking sarili. Pagkatapos ng ilang minuto at bumaba na ako at nagtungo sa lugar kung saan ang pagpupulong.

"Kompleto na ba lahat?" Tanong ni ina.

"Hindi pa mahal na reyna, wala pa ang punong ministro" saad ng isa sa mga ministro ng kaharian.

Nag-antay pa kami ng ilang minuto hanggang sa dumating ang hinihintay namin.

"Paumanhin mahal na hari, mahal na reyna kung ako ay nahuli sapagkat may inasikaso pa akong mahalaga." Paliwanag ng punong minestro.

"Walang anuman iyon punong minestro. So maari na tayong magsimula?" Tanong ng reyna.

Naki-ayon ang lahat kaya inayos ko na ang upo ko at nagsimula na ang pagpupulong.

Kumpleto ang lahat. Andito ang mga hari at reyna galing sa ibang kaharian, ang mga prinsepe at prinsesa ay narito din.

Gusto kung matawa kanina ng ipinakilala sakin ni ama at ina ang ninang at ninong ko. Ang mga magulang ni ash. Si reynang fireinyth ata or what ever the name nun. Tas si king friedrick ata. Basta ang pangit ng mga pangalan haha. Wala lng laugh trip eh.

Napabalik ako sa reyalidad ng sinuko ako ng kapatid ko.

"What?" Tanong ko ngunit walang boses.

"Pangiti- ngiti mo? Para kang baliw di ka nakikinig" bulong nito sakin.

Kaya napangiwi na lang ako.
At tinuon ang pansin sa pagpupulong. Hanggang sa natapos ito, pero mukhang wala akong naintindihan sa mga plano nila.

"Ito ang kauna unahang beses na nagpulong ang tayong buo. Na kasama ang mga prinsepe, prinsesa at mga minestro. Kaya nagagalak ako na makitang buo tayo at nagkakaisa para sa ating kinakaharap na problema" saad ng hari habang ang mga mata nito ay puno ng saya sa kabila ng mga problemang dumarating dito sa kaharian, at maging sa mundo.

Cold and heartless mafia queen reincarnated as weak princess(UNDER EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon