🖤Chapter Eleven🖤

20 2 0
                                    

Ang mga ngiti ni Sundae ang bumubuo sa araw ko. Walang nakakaalam pero mas lalo akong nahuhulog sa kanya sa tuwing sinusundan ko siya.

Natatawa na nga lang ako dahil hindi niya ako napapansin o nahuhuli. I love watching over her. Siguro kapag nalaman niyang ginagawa ko 'to, matatakot siya sa akin.

Napaka-torpe ko kasi.

Pag-uwi sa bahay, ikukwento kong lahat kay Theah ang mga nangyari sa pagsunod ko kay Sundae. Kaya pati siya, gustung-gusto si Sundae. She even come up with a love team name. "SunTeah" That's a reversed Heat.

"Kuya, ligawan mo na kasi si Ate Sundae."

"Soon, Theah."

I just admired her from afar while I am fixing my own problems. Hindi ako nagkamaling mahalin siya dahil kahit apat na taon na ang nakalipas, ganoon pa rin si Sundae. Sinusundan ko pa rin siya. And I am glad that I never stopped doing that.

Nakita kasi ulit niya iyong batang pinakain niya sa fastfood at binigyan niya ng pera kasama na ng batang iyon ang Nanay niya at tatlong kapatid na mas maliliit.

Nagpumilit ang Nanay na imbitahan siyang kumain kaya pumasok din ako sa fastfood. I just wanted to hear everything.

"Ma'am. Sobrang laki po ng naitulong niyo. Ginamit namin ng mister ko na puhunan iyon. Kaya ngayon po may tindahan na kami. Nakakapag-aral na din itong si Norman. Salamat po ng marami."

"Naku, Ate Rizza wala 'yon. Lahat naman po siguro, gagawin 'yung ginawa ko."

"Ang tagal na ponylg namamalimos ni Norman sa lansangan, nung kayo po ang tumulong sa amin, nagbago po ang buhay namin."

"Dahil naman po 'yon sa sipag ninyo. Galing po sa Diyos 'yung blessings. Ako lang po 'yung instrument."

Iyon ang usapan nila habang nagtatanghalian. I am so proud of her. Wala akong masabi sa kanya. She's beautiful inside and out.

Malapit ko ng matapos ang lahat ng utang kaya pina-practice ko na ang panliligaw kay Sundae nang buwan na iyon. Mabuti na lang at medyo nakakapag-usap naman na kami talaga. Hindi na mahirap maging kaibigan niya.

And just before the day I have decided to start pursuing her, saka naman lumala ang mga mata ni Theah. Mayroon kasi siyang Stargardt Disease. Wala din akong masyadong alam sa sakit niya na iyon. Pero ang sabi ng doktor, kapag hindi namin naagapan, baka matuluyang mabulag si Theah.

She was scared. Thirteen lang siya at bilang nag-iisa niyang kapatid, wala akong hindi kayang gawin para sa kanya. Kaya nabaon na naman ako sa utang... ang mali ko, sa tao pang katulad ni Kiko ako lumapit.

Bukod sa ang laki niya magpatubo sa nahiram kong pera para sa gamutan ni Theah, may kakaiba siyang gustong ipagawa.

"Babawasan ko ang utang mo kapag naging jowa mo si Sundae."

"Bakit siya nadamay dito?" I dared to ask.

Inakbayan ako ni Kiko. "H, Pre. Sa akin, hindi ka pwedeng magtanong. Basta sinabi ko, gawin mo na lang para hindi tayo magkaproblema."

Diretso ko siyang tinitigan sa mata. Hangga't maaari, gusto kong umiwas sa gulo pero kung idadamay niya si Sundae dito, hindi ako tatahimik.

"Lalaban ka ba, Pare?"

"Kung may madadamay dito na ibang tao, ibang usapan 'yon, Kiko."

He acted as if my stare brought chills to his spine. "Takot naman ako sa'yo. Pero legit. Wala kang pakialam sa gusto kong mangyari. Tutupad ako sa usapan. Babawasan ko ang interes sa utang mo para mabilis kang makabayad. Basta, jowain mo 'yung lumba-lumba. Kapag hindi ka pa rin pumayag, pagsisisihan mo, pre."

Madali lang naman kung tutuusin ang pinagagawa niya. I like Sundae anyway. Kaya lang, hindi maganda ang kutob ko. But just because I am desperate, pumayag ako sa deal.

Kaya lang, kinakapa ko pa kung ano talagang motibo nila.

It turned out that they just wanted to destroy her for a simple fact that she's doing great at work. Hindi lang si Kiko ang may gustong paglaruan si Sundae. Madami sila. Dahil lang sa tahimik ang taong iyon at sobrang bait. Gusto nilang paibigin ko si Sundae at saktan para daw lumabas ang tunay na ugali ni Sundae. Hindi ko sila maintindihan sa pakay nila. It only boils done to one thing... bullying. And I don't want to participate.

Hindi ko tinuloy ang deal kaya mas inipit ako ni Kiko. Ilang beses niya ba akong pinagbantaan? Hindi ko lang pinagtuunan ng pansin ang mga pagbabanta niya dahil alam kong wala siyang pwedeng gawin dahil parehas lang naman kaming ahente. Iyon lang pala ang akala ko. Kiko is more than that. He's a dangerous person.

Pinuntahan pa nila ang kapatid ko sa bahay para lang takutin. Nang hindi pa rin ako sumunod sa gusto nila, sapilitan nilang sinama si Theah. They took her and held her captive to blackmail me. At hindi ako pwedeng humingi ng tulong kahit na kanino dahil hindi lang si Theah ang kaya nilang saktan. Mas lalo na si Sundae. Pipiliin ko lang daw kung sino ang mananakit sa babaeng gusto ko. Ako, o sila?

Kaya wala na akong ibang napagpilian. Tinuloy ko ang plano. They set up the hotel. Inutusan nila akong bilhin kay Sundae iyon para maisagawa ang plano.

I just needed to save the two people I love the most.

Nasa plano ang may mangyari sa aming dalawa. Staged or not, hindi naman noon nabago ang nararamdaman ko para kay Sundae, lahat ng ginawa at pinakita ko sa kanya, totoo liban lang duon sa parteng sinaktan ko siya. At walang ibang nakakaalam noon kung hindi si Theah.

I can still remember how she cried. How she asked me if I even loved her. Gusto kong sabihin ang totoo. Gusto kong sabihin na mahal ko siya. But I needed to lie at that moment kung hindi, parehas na mapapahamak si Sundae at Theah.

Inako ko ang lahat gaya ng gusto nila. And they are all expecting that Sundae will hurt me that she will violently take her revenge, inaasahan nilang ipapakulong ako ni Sundae pero bigla na lang siyang nawala. That night, she submitted her resignation letter and never set foot at office again.

Kung hindi pa ako sinadya ni Anjie sa bahay at ng mga taong nasa side ni Sundae, hindi pa malalaman ng lahat na kagagawan iyon lahat ng grupo ni Kiko.

We went to a court trial and luckily, with the evidences that I kept, I was able to clear my name. Nakulong ang lahat ng sangkot lalo na nang may kumalat na video na tumalon si Sundae sa tulay.

Nang malaman ko iyon, muntik ko na siyang sundan kung wala sigurong mga pumigil sa akin noon, baka nawalan na din si Theah ng kapatid.

I was not thinking straight.

Hindi ako naniniwalang patay si Sundae kahit ipinagluksa na siya ng mga kaibigan niya at pamilya. Naniwala akong buhay siya.

At hindi nga ako nagkamali.

Pangalawang araw na ng training, narito pa rin siya. Still wearing a different body. At nakakairitang hindi niya makitang minamanyak na siya ng isa sa mga co-trainees niya sa isip nito.

Tuluyan kaya akong makukulong kapag pinilipit ko ang leeg ni Monti? Iyon ang gusto kong gawin ngayon habang dikit ito ng dikit kay Sundae.

OPPA SERIES V (Book 9): Mr. Goody-two-shoes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon