🖤Chapter Fourteen🖤

20 2 0
                                    

Kahit sa trabaho, pinangangalandakan niya ang panunuyo sa akin. Sinusundo niya ako kapag lunch at sumasama naman ako—part of the plan.

Hindi man kami nag-uusap habang kumakain, pero alam ko, ang dami-dami niyang gustong itanong dahil madalas ko siyang nahuhuli na nakatitig lang sa mukha ko.

Pero may mga araw na kay Monti ako sumasama. Wala siyang magawa kapag nakakaalis na ako kasama ang bago kong kaibigan.

And he's clearly making sure that I knew he's upset about it.

Tulad ngayong araw. "Ano mo ba 'yung Monti? Kayo na ba?"

Inabangan niya talaga ako sa labas ng office para lang tanungin ako ng ganoon dahil magkaiba kami ng shift ngayong week at siguro nalaman niya rin sa mga kapwa niya trainers na palagi ngang umaaligid si Monti kaya galit na galit siya ngayon. I am enjoying this. Para siyang nababaliw.

"Hindi mo ba ako kakausapin?" sinusundan pa rin niya ako pero hindi ko siya kinikibo dahil wala akong dapat na ipaliwanag sa kanya.

Sa inis niya siguro, bigla na lang niya akong hinablot sa kamay saka dinala sa gilid ng kalsada sa tapat ng isang saradong laundry shop.

"Look, I just need to know if he's someone special. Gusto kong maging totoong maligaya ka at importanteng malaman ko kung ano siya sa buhay mo."

I mock him with my smile. "Wala kang karapatang pakialaman ang personal kong buhay. Hindi naman tayo, H."

"Kahit walang tayo, I do care for you. Bahala ka kung ano ang gusto mong paniwalaan basta ako, alam kong mahal kita at mahalaga sa akin na malaman kung ano ang magpapasaya sa'yo. Gusto ko lang malaman kung hanggang saan lang ako pwedeng lumugar sa buhay mo."

"Matagal ka ng walang lugar sa buhay ko, Heath."

Hurt? Hindi lang yata iyon ang nasa mga mata niya. I can't put words into it. At parang gusto ko siyang yakapin para aluin. Hindi niya deserve pero iyon ang sinasabi ng puso ko.

"That's my fault. But like I said, I wanted to have a second chance on you. At gusto ko lang linawin kung magiging hadlang ba si Monti sa ating dalawa. I need to be prepare myself for war."

"Don't waste your time, dahil kaibigan ko lang si Monti." tatalikod na sana ako nang bigla niya akong hilain sa kamay para lang yakapin.

"Kung maaalis lang nito ang lahat ng ginawa ko, hinding-hindi na kita bibitawan."

Sinikap kong makawala mula sa kanya. His touch is making me feel something. Why do I feel this way?

Posible bang maramdaman ang galit at pagmamahal nang magkasabay? O baka naman galit lang talaga ako dahil sa kabila ng ginawa niya, mahal ko pa rin siya?

He let me go. Pero nararamdaman kong nakasunod pa rin siya hanggang sa makauwi ako sa bahay. Magkaiba man kami ng jeep na sinakyan, naabutan niya pa rin ako.

Hindi ko na lang pinansin. He has been doing that since I came back.

Ngayon, susunud-sunod siya dahil payat na ako at mas maganda?

Maling-mali talaga ang pagkakakilala ko sa kanya. It was all make-believe. Dapat yata sa akin, hindi naging call center agent kung hindi naging writer.

I just imagined that he's a good person with a genuine intensions of befriending me. Parang gaga kong pinaniwala ang sarili na ang kabutihan niya ay hindi lang dahil sa naaawa siya sa akin kung hindi dahil pinantasya kong may nararamdaman siya para sa akin.

I was so naïve, crazy and stupid for thinking that someone like him could actually like and love someone like me.

Isang gwapong lalaki na mukhang matino at mabait, papatol sa matabang pangit na katulad ko? Natawa ako habang naliligo. Oo, payat na nga ako ngayon, pero ako pa rin iyong matabang babaeng nagmahal sa kanya. Iyong matabang babaeng si Heath pa rin ang isinisigaw ng puso.

Ilang beses ko na bang napatunayan iyon sa loob ng tatlong taon? I could've filed a case against him, pero wala akong ginawa.

Sumilip ako sa labas at nakita kong naroon pa siya. Nakatayo sa tapat ng gate ko, nakatungo.

Wala ba siyang balak na umalis?

Sinubukan kong magpatay ng ilaw nang makapagbihis na ako. Duon lang siya naglakad palayo.

Mayamaya, nakatanggap ako ng message sa Viber.

"Araw-araw akong hihingi ng tawad." iyon ang sinabi niya.

I think I should get on with the plan, dahil habang pinatatagal ko ang panunuyo niya, mas lalo akong naniniwalang sinsero na siya sa pagkakataong ito.

KINABUKASAN, mas naging ma-effort siya dahil nagpagawa pa siya ng sorry bay. Puro mga salitang sorry sa iba't ibang lengwahe ang nakapaskil sa bay ng mga bago niyang ahente sa nesting.

Pumwesto pa talaga sila sa bay kung saan ako malapit na nakaupo. Tapos may pa-music pa sila na puro tungkol sa sorry ang paksa. Hanggang sa lapitan ako ng isa sa mga ahente niya.

"Ate. May gwapong nagpapabigay nito."

Everybody knows this is inappropriate. Pero mukhang kuha niya ang basbas ng mga boss dahil malaya niyang nagagawa ang gusto niya. Malamang iyon din ang dahilan kung bakit siya lang ang natira sa kumpanyang ito.

Tinanggap ko ang note. "Let's have dinner tonight."

Lumingon siya sa akin at pinilit kong ngumiti at tumango.

That made him smile from ear to ear. He immediately sent me a personal message sa internal chat app ng account namin.

"Wala ng bawian ah?" he sent that with a big smiley.

"Oo."

"Thank you. This means a lot to me."

"I missed you." I replied half-heartedly.

Ang tagal bago siya nakapag-reply. He really looked so happy. Akala niya yata nakaisa na naman siya. "Mas lalo na ako. I missed everything about you."

I should pretend that I am happy too.

Sa ngiti ko pa lang yata nakuha na siya. Dahil kahit magkaiba kami ng shift, hinintay na naman niya ako. Sa pagkakataong iyon, natagpuan ko siya sa tabi ng locker ko. Pagbukas ko noon may mga bulaklak na.

Purple Hyacinths... na naman.

"Let's go?"

Tumango ako at sumama sa kanya.

OPPA SERIES V (Book 9): Mr. Goody-two-shoes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon