🖤Prologue🖤

45 3 0
                                    

Halos dalawang taon na mula nang alisin ko ang mga benda sa katawan ko pero nararamdaman ko pa rin ang sakit sa makinis ko ng balat ngayon.

I became lighter and sexier. Hindi ko alam kung anong mahika ang ginawa ni Dr. Annika Bustamante pero malaki ang pasasalamat ko sa kanyang iniligtas niya ako sa kamatayan at binigyan ng bagong buhay.

Kung noon, tuwing papasok ako sa mga coffee shop at umorder ng pagkain, binibigyan ako ng mga tao ng tingin na parang nagsasabing:

"Hindi ba siya naaawa sa katawan niya?"

"Ilang sugar na naman ang iinumin niya plus 'yung sugar pa sa cakes niya."

"What a food monster."

"Ngayon lang ba siya nakakain niyan?"

"Hugis drum na nga siya, kain pa din?"

Hindi ko literal na naririnig ang mga iyon noon pero halata sa mga tingin ng tao sa paligid ko lalo na sa mga mata ng mga kakilala ko sa trabaho.

Pero ngayon...

"Hi, Miss. Can I buy you a coffee?" may naglakas loob pang lumapit sa akin.

Ngumiti ako. "No thank you." nilagpasan ko na agad siya saka ako um-order sa counter. Kung noon, wala akong pakialam sa mga ino-order kong pagkain at inumin, ngayon meron na.

"Black coffee. No sugar. And one oatmeal cookie." iyon ang sinabi ko sa lalaking nasa counter na nakatulala pa rin sa akin. Hinintay ko siyang ulitin ang sinabi ko.

"Sorry, Ma'am. Black coffee without sugar and oatmeal cookie, coming right up. Your name, Ma'am?"

"Sundae with an e."

Sundae Villegas. 29 years old. Nagmahal, pinaglaruan, at nagbabalik ngayon para gumanti sa taong dahilan nang muntik ko ng pagkamatay noon.

"Miss Sundae?" inabutan pa ako ng lalaking nag-serve ng kape ko ng tissue. May nakasulat na number duon. Bigla kong inilabas ang panyo ko saka itinapon sa malapit na trashbin ang ibinigay niyang table napkin saka ako naglakad paalis ng coffee shop.

Ngayon ang unang araw ko sa pagbabalik sa trabaho. I need to be presentable so I wear my pumps and that gorgeous dress na para lang nuon sa mga sexy at petit.

I never imagine that I could wear something like this dahil bata pa lang, mataba na ako.

Spoiled sa parents kong may chocolate factory. I love sweets and I love food. Dahil iyon lang din ang naging kasama ko noon parehong mawala sila Mama at Papa nang lumubog ang ferry na sinasakyan nila pauwi sa Samar. I was so heartbroken. Naiwan ako sa Tita ko na kahit mabait ay may mga anak na hindi ako gusto.

Kaya para matanggal ang stress ko sa kanila, inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkain. Hanggang sa lumobo ako ng lumobo. Never akong naging mapayat.

Dumating pa nga sa punto na first year college pa lang ako, pinagkakamalan na akong thirty-five years old dahil sa hitsura ko kaya ang ending, hindi na ako nag-aral.

Sumabay pa ang balita ng Tita kong wala namang naiwang pera sa akin ang mga magulang ko dahil baon daw sa utang ang factory sa bangko maging sa mga tauhang empleyado ng mga magulang ko.

Lahat ng savings ng parents ko duon napunta kaya ang dating matabang prinsesa, naging katulong sa bahay nila Tita Amara. Ayaw niya sanang inuutus-utusan ako ng mga anak niya pero nagkasundo sila Jona, Joana at Joe na iyon na lang ang ibigay kong kapalit sa pagpapatira at pagpapakain sa akin ng parents nila.

Hindi makapal ang mukha ko kaya ginawa ko ang lahat makasundo lang sila. All-around yaya at nang magkawork ako sa fastfood, naging wallet naman nila.

Hindi kasya ang kita ko noon sa fastfood kaya nang magkaroon ako nag opportunity na makapasok sa BPO, sinunggaban ko na. Kaya nakabayad din ako sa utang na loob ko. Three years ago, nakawala din ako sa impyernong iyon.

Na-distract ng isang lalaki ang pagbabalik-tanaw ko. He looks so dominating. Parang kapag inutusan niya ang kahit na sinong babae sa harap niya na maghubad, mukhang hindi papalag ang magiging biktima niya. Tulad ko noon.

Naglalakad na siya papunta sa elevator kung nasaan ako ngayon. Hinayaan kong sumara iyon pero nagawa niyang mabuksan.

Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Siguro kasi, hindi na niya ako mamukhaan.

Nasa harap ko na siya ngayon at pwede ko na siyang patayin, pero wala iyon sa plano. Ang sabi ni Annika, "The best revenge you can get is to make him fall for you for real. Then, break his heart like how he broke you."

Tama siya duon. Hindi ko kailangang magpadanak ng dugo. Dahil ang puso niya ang sasaksakin ko. Andito na ako e. Aatras pa ba ako? Sa lahat ng mga araw na iniyak ko, ito na ang pagkakataon kong bumawi.

Hindi ko na siya mahal lalo na't kilalang-kilala ko na siya. Heath Ramirez, a goody-two-shoes, godforesaken bastard who killed the me.

OPPA SERIES V (Book 9): Mr. Goody-two-shoes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon