🖤Chapter Eighteen🖤

16 3 0
                                    

Patulog na ako nang tumunog ang phone ko. It was a notification for a new friend request. Si Theah.

I accepted it. Hindi naman tama na idamay ko ang bata dahil wala naman siyang alam sa ginawa ng Kuya niya. Ilang minuto pa lang kaming friends, nakatanggap na ako agad ng tawag mula sa kanya.

"Hello?"

"Ate Sunny?"

"Yeah. Napatawag ka?" I was really curious why she's calling in the middle of the night.

"Nand'yan po ba si Kuya sa inyo?" she sounded worried.

"Wala siya dito."

"Hindi pa po kasi siya umuuwi simula pa kanina." gusto kong maawa sa bata pero malaki na ang Kuya niya.

"Matulog ka na, Theah. Malaki na ang Kuya mo. Kaya na nu'n ang sarili niya."

She did a weird sound. Wait, is she crying? Nakumpirma ko iyon nang humikbi siya. "Hindi pa po kasi si Kuya nale-late ng uwi nang hindi nagsasabi. Kapag hindi po siya makakauwi agad, nagtetext siya. Ngayon po kasi, wala talaga. Hindi rin niya sinasagot mga tawag ko."

Pati tuloy ako, hindi makatulog. Napaupo ako ulit sa kama ko. "Hintayin lang muna natin." tumingin ako sa orasan. "It's still 10PM. Tawaga  mo ako after an hour kapag wala pa siya, okay?"

"Okay po."

After I ended the call, sinimulan ko ang pagcheck sa social media ni Heath.

Seems like he went somewhere.

Hindi din naman siya nagsabi. Ginagawa niya ba ito dahil iniisip niyang magkukumahog ako na hanapin siya? Kung ganoon nga ang pakay niya, hindi siya nakakatuwa. Pati kapatid niya, dinadamay niya sa mga trip niya sa buhay.

I tried checking his friends online at duon ko nakita magkaibigan pa rin sila ni Anjie.

Anjie is actually commenting on every posts.

Katulad ng post niya tungkol sa ulan at kung paannong namimiss ni Heath ang araw. That picture of rain is posted almost 3 years ago and was re-shared today.

That memory post gained a lot of comments from all of his friends. And Anjie is one of them. "PM Sent."

Pagkatapos noon, wala ng ibang post. Paano siyang naging kaibigan pa rin ni Heath pagkatapos ng lahat ng nangyari? Naku-curious tuloy ako.

Si Anjie ang nakakita ng post ni Heath noon. Paano niya agad napatawad ang lalaking 'yon?

I dialled Heath's number, pero hindi niya rin sinasagot ang tawag ko. Hinayaan ko na lang.

Alas onse na na g tumawag ulit si Theah. Halatang hindi talaga siya makakatulog nang hindi nalalaman ang lagay ng kapatid kaya minabuti kong puntahan na siya.

She's crying when I get there. "Ate Sunny."

Inalo ko siya. "He'll be fine."

"Pasensya na Ate. Si Kuya Heath na lang kasi ang pamilya ko. Hindi ko siya kayang pabayaan."

"Naiintindihan ko naman."

"Galit ka pa rin ba sa kanya?" her question made me stare at her and think. "Kasi Ate, kung alam mo lang, sa akin ka dapat magalit."

"What do you mean?"

"Ako ang dahilan kung bakit napilitan si Kuya na pumayag dun sa trip ng katrabaho niyo dati."

Hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya. "Ano'ng trip?"

"Umutang si Kuya pampa-opera ko sa mata kahit pa ang dami pa niyang binabayaran noon dahil sa mga iniwang obligasyon ni Nanay." she paused and let all her tears flow on her cheeks. "Hindi din niya maintindihan kung bakit kailangan siyang gamitin ng taong 'yon para saktan ka."

OPPA SERIES V (Book 9): Mr. Goody-two-shoes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon