🖤Chapter Nine🖤

18 3 0
                                    

2021

I staged a moan while standing behind him. "Hmm... aw." Nang lumingon siya, nakahawak na ako sa paa ko. Bumalik ang tingin niya sa numerong nakapaskil sa itaas ng mga numero. Nag-iisip ba siyang kung tutulungan niya ako? "Ang sakit." dagdag na reklamo ko.

Duon na niya ako nilapitan. "Okay ka lang ba?" he still wears that pathetic glasses kaya nagmumukha siyang inosente at matino.

"Hindi e. Sumakit 'yung paa ko. Baka dahil sa heels?"

Sinilip niya ang sakong ng paa ko. In fairness, hindi napatingin sa legs ko. "May sugat 'yung paa mo. Kaya mo bang maglakad?"

"Kaya ko naman siguro." duon biglang bumukas ang pinto ng elevator at bumungad sa akin ang mga bagong mukha.

Hindi na iyon ang gwardiya pati na ang receptionist.

Inalalayan niya ako palabas pero sinadya kong matapikol kaya napilitan siyang buhatin ako. Tiningnan agad kami ng mga nakakita at sinundan pa kami ng iba habang naglalakad siya papunta sa clinic.

Mabuti at walang ibang pasyente duon. Mabilis akong nagpasalamat sa kanya bago ako tinanong ng nurse. "Employee ID and name po?"

"807734. Sundae Villegas. Sundae with an e."

Napalingon agad siya sa narinig. Umiwas agad siya ng tingin nang magtama ang mga mata namin.

Nang lumabas na siya, nanghingi na lang ako ng ointment at bandaid. Paglabas ko sa clinic, wala na siya kaya dumiretso ako sa training room. Panibagong training dahil two years ba naman akong nawala?

And to my surprise, naroon din siya. Hindi bilang trainee kung hindi bilang trainer. I wanted to hate MJ. Ang akala ko pa naman ipatatanggal niya ang lalaking ito? But on a second thought, ayos na din iyon dahil makukuha ko na ang revenge na gusto ko.

"Are you okay now, Miss Villegas?" he asked me.

"Yeah. Thanks, Heath."

Napako ang tingin sa akin ng mga newbies.

"Well, since she already called me by my first name, everyone. I am your trainer for the whole training process including nesting and my name is Heath Ramirez. Let's start the day by introducing yourselves. Let's start with you." itinuro niya ang lalaki malapit sa kanya.

I immediately memorized their first names. Hanggang sa ako na lang ang natira. Come on, Heath. Kailangan ko pa bang i-introduce ang sarili ko? I gave him that kind of look.

Mukhang kanina pa ako pinagmamasdan ng pinaka-matangkad na trainee kaya inumpisahan ko na ang pagsasalita. "Hello everyone. I am Sundae with an e. I am expecting to be friends with you all while having fun at work. Nice meeting all of you.

Nagpalakpakan ang mga lalaki na para bang napaka-ganda ng speech ko kahit ang totoo, generic naman ang intro na sinabi ko.

"Settle down." saway niya sa mga maiingay.

Nanahimik naman silang lahat liban lang sa matangkad na lalaki dahil lumipat pa talaga siya ng upuan para makatabi ako. Hindi iyon nakatakas kay Heath pero wala siyang ginawa.

Dinaldal ako maghapon kahit sa lunch break. Wala namang ibang gustong sumama sa akin kaya okay na ding kasama ko ito kaysa mag-isa.

Nahuhuli ko si Heath na tumitingin sa amin ng lalaki. Is he angry? Well, halata sa mga gitla sa noo niya.

"Number mo?" tanong ni Monti, ang lalaking makulit. Raymond Tejano ang real name niya.

"I don't share numbers to anyone."

"Ganoon? How about your username sa mga social media sites?"

"I'm not interested. I lost my phone 2 years ago kaya since bago na ang cellphone ko, nakalimutan ko na ang mga passwords at usernames so, I never tried to use it again."

Paliwanag ko habang naka-last break hanggang sa hindi na makatiis si Heath. "Miss Villegas, can we talk after class?"

"Sure."

Pagkatalikod niya tinanong na naman ako ni Monti. "Kilala mo ba 'yang trainer naten?"

"No. May friend lang akong dating employee dito na kilala siya." naniwala si Monti sa palusot ko.

Natapos ang unang araw namin na puro orientation lang sa kung saan-saang department. Walang nakapansin sa aking mga dating HR staff. Walang bumabanggit na re-hire ako. Si Heath na lang yata ang may reaksyon dahil sa pangalan ko.

Nang matapos ang buong klase nang araw na iyon naiwan nga ako sa classroom.

Hinintay kong tumayo si Heath at lumapit sa akin. Nakaupo pa din ako sa office chair nang ipatong niya ang magkabila niyang kamay sa arm chair ng inuupuan ko habang tinititigan niyang mabuti ang mukha ko.

"Aren't you a re-hired?"

Ooopppss... Paano nga ba nila mababanggit na re-hire ako? Burado na ang records ko sa company dahil kakilala pala ni Annika ang director noon. Hindi lang basta kakilala kung hindi ang muntik na sanang groom ng kakambal nitong si Anniza.

Si Dok nga ang unang naka-diskubre na naroon pa rin si Heath. She asked the director of NewBest Philippines, ang BPO company na pinapasukan ko, na si Director Kent Faustino na ipaalis ang records ko sa company. Pagkatapos ng scandal ko noon, mabilis na pumayag si Dir. Faustino—bukod sa hindi niya rin talaga mahindian ang kamukha ng babaeng pinakamamahal.

Sa dami ng koneksyon ni Dr. Annika Bustamante, pakiramdam ko lahat posible.

"I'm not a re-hire, Mr. Heath Ramirez."

"Then why did you already called me by my name?"

"It was on the message I received last week. Are you offended by that? I'm sorry. That's not gonna happen anymore."

He look so dazed.

"Why? Am I suppose to be a re-hire?"

"Imposible. Hindi mo ba ako kilala?"

Tumawa ako. "This is the first time I met you. So, kilala na kita, Sir."

"Heath is fine. Oh my God." naihilamos niya ang kamay sa mukha bago lumayo sa akin. "You look exactly like her."

So, hindi pala nagbago ang mukha ko sa kanya?

"Where are you from?"

"Tagaytay. Wala po ba 'yon sa profile ko?" duon nakatayo ang bahay ni Doc.

"Are you sure you're not the Sundae I used to know?"

"Oh. May kapangalan ako? Kakilala mo?"

Hindi siya nakasagot. Iniligpit na niya ang gamit niya saka ako sinabihan. "Tuck your chair when you leave. Don't be late tomorrow."

Masaya pala ito.

He look scared and worried. Natatakot ba siyang parang minumulto siya ng nakaraan niya?

Serves him right. Nagsisimula pa lang ako.

OPPA SERIES V (Book 9): Mr. Goody-two-shoes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon