🖤Chapter Twelve🖤

21 2 0
                                    

"Can you share to the whole class what you have been telling your seatmate, Mr. Tejano?"
napalingon kami nang sabay ni Monti nang marinig si Heath. Kadarating lang naman niya, bakit ang init na agad ng ulo niya?

Naroon na pala siya. Ni hindi ko siya napansin dahil sa sobrang daldal ni Monti. Humarap ako sa kanya at halatang napasinghap siya sa hitsura ko

Ako din nga hindi nakapaniwalang pwede akong maging mas maganda sa umaga. I am wearing that light yellow dress. Bumagay sa maputi kong balat. Salamat dok ulit.

Bago ako umalis sa bahay kanina, pakiramdam ko, may nakapasok na ibang tao sa bahay ko habang nakatitig ako sa salamin. Paglabas ko naman, may lalaking nagtanong sa akin kung ka-anu-ano ko 'yung matabang may-ari ng bahay.

So, noon nakikita naman pala nila ako sadyang wala lang gustong makipagkaibigan na  kapit-bahay dahil hindi ako noon maganda at payat?

Ang galing.

Pinigilan ko na lang ang magalit. Ilang tao ba sa mundo ang nakakaranas ng discrimination. Hindi lang naman ang dating ako. Marami kami. Pero kahit pa gaano kalakas ang boses namin, hindi pa rin mawawala sa mundo ang mga judgmental na tao.

They are still part of human race as much as we are kaya dapat tanggapin kahit hindi nila tanggap iyong mga taong hindi perpekto para sa kanila.

Sinabi ko na lang sa lalaking iyon na nabili ko na sa dating nakatira ang bahay. He even asked my name and I made up "Patti".

Katulad ng mga kapit-bahay ko, alam kong kaya lang mabait sa akin itong si Monti dahil sa  panlabas kong anyo ngayon. Kung mataba pa rin kaya ako at masebo, didikitan niya kaya ako?

"Sorry, Boss." napahiyang sabi ni Monti dahil sa paninita sa kanya ni Heath.

Heath is scrutinizing me now with his looks. Bakit parang nagagalit pa siya sa akin? Ako ang dapat na magalit sa kanya dahil sa ginawa niya. Walang-hiya siya.

Parang bumalik na naman ang lahat ng sakit mula sa tatlong taong nakalipas. Gusto kong magwala. Kulang ang salitang masama para ilarawan kung gaanong nakakamuhi ang ginawa niya sa akin.

Inuto niya ako, nagpanggap siyang mahal na mahal ako para lang makuhanan niya ng sex tape at maipangalat sa buong opisina na nasikmura niyang makipag-sex sa kawawang matabang Sundae.

Wala siyang karapatan na tingnan ako ngayon na parang naiinis siyang nakikita niya akong nakikipagtawanan kay Monti.

Unless, he's being jealous now?

Imposible, pero baka nga iniisip niya pa ring ako nga 'yong tangang matabang ginago niya noon at pakiramdam niya inaagawan siya dahil minsan niyang na-angkin ang katawan ko. Ang imposible talaga pero sa inaasal niya, parang tama nga ako.

Halos araw-araw ganoon siya. Gumawa pa siya ng seat arrangment at inilayo niya ako kay Monti. Sa mga babae niya ako itinabi. Pakiramdam ko, bawat galaw ko, binabantayan niya ako kaya nang magkaroon ng pagkakataon, sa elevator, kinompronta ko siya.

"Can I ask what your problem is?" I asked straight to his face.

He just stared at me for a minute then he press the G button. Nawala ang ilaw duon that means we are in the middle of that building at aandar lang iyon kapag may pumindot ng numero sa labas. "Ikaw. Ikaw ang problema ko,  Sundae Villegas. Why can't you admit that you knew me?"

"At bakit hindi ka nahihiyang harapin ako, walang hiya ka?" hindi ko na pinigilan ang sarili ko. My plan is to torment him. Pero ako itong nasasaktan ngayon.

Hindi siya nakasagot. "Ano naman kung ako nga yung nakakadiring babaeng niloko mo noon? Hindi ba ako pwedeng magbago at magustuhan ng iba? Dapat ba, paikutin ko pa rin sa'yo ang buhay ko pagkatapos mo akong gaguhin?"

Nasa mga mata niya ang guilt. Paiyak na ba siya? Napahinto lang ang pagtatalo namin nang marating na namin ang Basement. May pumasok na ahente kaya lumabas ako para lumipat ng elevator.

I didn't realize he followed me. At pagkasara ng pinto, sinugod niya agad ako ng halik habang nakapinid ako sa dingding ng elevator. Parang nanghihina ang tuhod ko sa ginagawa niya pero nilakasan ko ang loob ko at sinampal ko siya.

Duon bumukas ang pinto at nakalabas ako sa Ground Floor. I controlled my tears. Maaga pa para umatungal ako. Saka bakit ako iiyak?  Dapat nga matuwa ako.

He kissed me. Ibig sabihin, gusto niya ako ngayon. Mas lalo ba siyang naging determinado na kunin muli ang loob ko dahil ganito na ang hitsura ko?

Akala niya ba magiging madali dahil may nakaraan kami? Well, ito ang pagkakataon ko para makuha ang gusto kong paghihiganti. He must fall in love with me. Atsaka ako babawi.

Iyon lang ang focus ko ngayon.

I got no time for crying.

°°°

Hilam ang mga mata ko sa luha habang sinusundan si Sundae. Hanggang ngayon, ganoon pa rin siya. Walang kaalam-alam na narito lang ako sa likod niya, nakabuntot. I can't take my eyes off of her. Ayokong mawala na naman siya sa paningin ko.

I can tell with that kiss, mahal pa rin niya ako. Kailangan ko lang patunayan sa kanya totoo iyong nararamdaman ko sa kanya. That's the only way I can ease her pain.

Alam ko, kasalanan ko talaga iyon. If I had only fought harder, hindi sana mangyayari ang lahat ng iyon. Umuwi lang ako nang makita ko siyang nakapasok na sa bahay niya.

Pagkauwi ko, tulog na si Theah.

Kailangan kong sarilinin ito ngayon. Ayokong umasa si Theah pero susubok ako ulit. Gagawin ko ang lahat makuha lang ulit si Sunny. I will prove to her that I am still the man she fell in love with. At patutunayan ko ring hanggang ngayon, siya pa rin ang laman ng puso ko.

Sinimulan ko agad iyon kinabukasan. I secretly put a lunch on her table. Nilagyan ko 'yon ng note.

"Let's meet after shift. —H."

Imbes na pansinin iyon, itinapon niya ang note at ibinigay niya sa iba ang pagkain. I did expected that. That's why I decided to become more aggressive.

Humanda siya after nesting.

OPPA SERIES V (Book 9): Mr. Goody-two-shoes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon