🖤Chapter Sixteen🖤

19 2 4
                                    

"Ano?" ang OA ng sigaw ni Annika at Cal sa kabilang linya. Halos maitapon ko ang cellphone ko dahil duon.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo?" shocked na tanong ni Annika. Hindi na rin maipinta ang mukha niya at kitang-kita ko iyon kahit sa video chat lang kami magkausap.

"He's here last night at may date kami." I answered casually.

"Talaga ba? Kayo na ba ulit?" singit ni Cal habang kinukulot si Annika. Ang aga-aga nilang magkulutan.

"Remember, part ito ng plano. No strings attached."

"Mamatey?" sabay nilang tanong.

"Oo, 'no? Para kayong sira. Hindi ko na siya mahal." Sagot ko nang may kasamang kumpiyansa.

Kahit kagabi habang may nangyayari sa amin, iyon ang iniisip ko. Hindi ko na siya mahal at hindi ko na siya dapat mahalin kahit pa anong gawin niyang pang-uuto sa akin.

"Alam mo girl." ani Cal. "Feeling ko, isusuko mo na naman ang bataan sa kanya. Sa gwapo nun, malabong hindi ka bumigay."

Pinalo ni Annika ang kamay ni Cal. "Ano bang tingin mo kay Sundae, marupok?"

"Ay hindi ba?" eksaheradang sagot ng baklita.

"Pero, honestly... Isuko mo man o hindi, gusto namin magdedesisyon ka duon sa magiging masaya ka." She has been always sincere with that. Kapatid na ang turing niya sa akin at parati niyang sinasabi na gusto niyang maging maligaya ako.

"Thank you. Kaya nga, itutuloy ko ang plano dahil ang makaganti kay Heath ang magpapasaya sa akin."

"Okay. Sabi mo e." alam ko namang kontrabida  si Cal sa buhay ko.

"Bye na. Punta ako d'yan next week."

"Okay...  bye!!!" high-pitched na paalam nilang dalawa.

Eksaktong tumunog ang door bell ko. Sinipat ko muna ang sarili ko sa salamin. Nakapambahay pa rin ako pero nakapag-ayos na. Siguradong lalo siyang mahuhulog sa akin.

Hinarap ko siya ng may pilit na ngiti. "Good morning!"

He's obviously blushing. "Hi! Breakfast?" may dala siyang mga pagkain. Hindi na ako sanay na mag-almusal kaya hindi ko man lang mag-init ng tubig para sa kape.

"Hindi ka pa nag-aalmusal?"

Umiling siya.

Niluwagan ko ang gate para makapasok siya. Inakbayan niya ako habang naglalakad kami papasok sa bahay. That really felt good but I wish this all happened before he slapped me with the truth.

Baka mas napaniwala niya pa akong totoo nga ang nararamdaman niya para sa akin.

His sweet gestures didn't change a bit. Parang mas lalo nga siyang nag-eeffort ngayon.

"After nito, saan mo gusto?"

"Surprise me."

"Okay. Pero ang dinner naten sa bahay. Nakwento ko na kasi sa kapatid ko na iuuwi kita."

I've heard about his sister. Si Theah lang naman ang bukambibig niya noon. From what I can remember, Theah is his only family. Wala na siyang ibang binahagi sa kapatid at pamilya niya kaya iyon lang ang alam ko.

He probably thought that I dislike the fact that he set things for me. Kaya mabilis niyang sinundan ang sinasabi. "No pressure. Okay lang naman kung sa iba mo gusto—"

OPPA SERIES V (Book 9): Mr. Goody-two-shoes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon