LS == Chapter 3 >>

721 8 1
                                    

Lovestruck 

Chapter 3: Sneaking In 

Jhake's POV

    sinusundan ko ang pulang ferrari ni Derrick. Kasunod ko naman ang Porsche ni Kris at pang-apat ang Volvo ni Alden. Sinabi talaga ang mga kotse noh? Bale akin naman ang lamborghini. 

Nakarating kami sa SMDM. ANg ganda ng building. Parang building ng UP sa laki. Ang ganda lng. Luma na kasi yung amin eh. Tumigil ang kotse namin sa harap ng building. Pinark namin sa tabi. Hindi naman namin prinoblema kung mawala man ang mga yun kasi mahigpit naman ang security sa school...

Ay, nakalimutan ko palang magpakilala. Ako si Jhake Angelo Vargas. Mahilig akong kumanta, makinig sa music mga ganun. Kasali ako sa Philippine Music Group. Well, anak kasi ng may-ari ng Universal Gate kaya ganun. Pero sa totoo lang, mahilig talaga ako sa music... Simula pa nung bata ako.

   "Oh, Rick, paano kung mahuli tayo?" sabi ni Kris

   "Oo nga naman. Baka trouble na naman ang abutin natin niyan." sabi ni Alden

   "Guys. wg kayong mag-alala, ako ang bahala. Hindi tayo mahuhuli no." sabi ni Rick

   "So what makes you so assured???" sabi ko

   "Hindi niyo ba kilala si Derrick Monasterio???" sabi ni Rick

    "Oo na... ikaw na si Derrick Monasterio. Nagagawa mong posible ang imposible. Ikaw na!" asar ni Kris

   "Paano mo ba yun nagawa dude?" sabi ni Alden

    "Well... Good Question... You see... kinuntsaba ko ang mga teacher dito... Magiging VIP ang trato sa atin. Sinabi ko kasi  na we have trouble choosing our dates for tomorrow at since mababait naman ang mga teachers dito, they allowed us na pumili." sabi ni Rick

    "Oh! Galing naman ng ginawa mo pre!" sabi ko

   "Hindi ka pa nasanay kay Rick. Lahat ng gusto niya nakukuha niya." sabi ni Kris

    "SIya na! Basta ako. Hanapin nio na lang ako sa library ah!" sabi ni Alden

   "Eto na naman si Alden. Umiiral naman ang pagka-bookworm mo eh." sabi ni Rick

   "Hindi ako interesado sa mga girls noh!" sabi ni Alden

   "Ok. Ikaw ang bahala. Bumaba ka na lang pag gusto mo." sabi ni Kris

   "Yeah right.." Alden

  Pumasok kami nina Kris at Rick papunta sa lobby o hall. Grabe mas malaki pa sa great hall ng SMDSI. Maganda pero... girly... super girly... ayoko sa mga babaeng girly eh. Gusto ko yung may pagka-sporty. tsk.tsk. ayoko yung mga maarte talaga eh. At seeing the hall na puno ng pagkababae. Naaasiwa talaga ako... 

------>>>>>> St. Margaret de Mediatrix Academy (pic on the right)

"Guys, upo na kayo rito. Ni-reserve na ng mga teacher ang buong lobby for the Lyndon Date Search." sabi ni Rick at inemphasize niya talaga ang "Lyndon Date Search"

"Ikaw ba nag-isip ng pangalan nun? Bano talaga." sabi ni Kris habang tinuturo ang mga flyers na nakasabit na may mukha naming apat at nakalagay ang Lyndon Date Search.

Lovestruck (denlou, derlex, krisjoy, and jhabea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon