Joyce POV
nagtinginan sila sa amin na parang may mali.
"Boyfie?!??!?!?" Gulat na tanong ni Lexi.
"Oo naman. Kris is my one and only boy bestfriend. Boyfie kasi tawag ko sa kanya kaya nasanay na ako hanggang sa nasanay siya tapos... Naguguluhan na ako! Stop asking questions guys!" Sabi ko. Nakakahilo kasi eh.
"Pasensya na joyce pero nakakapanibago kasi eh." Sabi ni Bea
"Ahh... Noon kasi magkakaklase kami ng apat na ito. Sa preschool kaya lang may nangyari tapos nilipat ako ni daddy sa school niyo." Pageexplain ko
"Eh bakit boyfie tawag mo kay Kris? Parang awkward yun sa magkaibigan di ba?" Sabi ni Louise
"Hindi ah! Bebegurl nga tawag sa akin ni Kris eh.. Ah basta! Magkakilala kami nitong si Kris." Sabi ko na lang
"Okay..." Sabi ng besties ko.
"So kris kamusta na ang buhay?" Tanong ko kay kris na kanina pa nakatulala sa akin.
"Uhmm. Eto ayos naman. Still the same. Alam mo Giselle, akala ko di na tayo magkikita. I tried to search you pero di ko magawa." Sabi ni Kris
"Joyce na lang pede? Masyadong formal ang Giselle. Tsaka ayos lang yun! At least nagkita tayo uli. Namiss kita Boyfie." Sabi ko
"Ako rin bebe gurl." Sagot niya
After nun naging awkward kami sa isat isa. Kasi naman ang tagal naming di nagkikita. Si kris kasi ang pinakamabait na lalaking nakilala ko. Promise! Bait bait niyan.
Kahit na baon niya ibibigay niya sa yo kahit walang matira sa kanya. Ganun siya kabait sa akin. Tapos siya pa tagapagtanggol ko, kaya naman miss na miss ko talaga siya.
Nagkwentuhan kami bout our hobbies at nadiscover ko na may similarities kami. Actually ang dami eh... Kaya di na kami naging awkward. Pati mga music na pinapakinggan namin. :) nakakagiliw talaga pag nagkita kayong muli ng old friend mo. Yung tipong akala mo di mo na makikitang muli kasi di mo na matandaan ung eksaktong itsura. Pero ayos lang!
Natapos ang aquaintance party at hiningi ng boys ang number namin,. Binigay rin naman namin tapos nagexchange numbers kami. Hinatid ako ng chaffeur ko pauwi. Haayyy... Ang saya!!! Nakita ko uli kasi si Boyfie Kris Chan! ^____^
[end of POV]
Derrick's POV
So... Si Giselle at si Joyce ay iisa?
Siguro ang saya saya ng mokong na yun. Haha si Kris kasi eh, super mahal niya yang si Joyce.
Ewan ko ba sa kanya. Sabi niya, soulmate daw niya kaya di malimut-limutan. Haha sarap pag-tripan! Kay Joyce ka lang pala ah! Pa-Yassi Yassi ka pa jan!
By the way, nakasakay ako sa kotse ko. Syempre ako nag-drive at hinatid ko si Kylie sa bahay nila. Malamang lang, coz she's my date at responsible ako. Kahit naman bad boy ako, I still care for girls. Especially, beautiful girls.
Matapos ihatid si Kylie, pumunta na ako sa bahay namin. I was running for 70 km/hr. mejo mabilis for a narrow road. Pero ayos lang. The road is owned privately by my family kaya syempre noone can drive around here without my permission. Nag-drive lang ako sa road. At nang makarating na ako sa mansyon, I saw my mom staring at me.
"How's the ball?" Sabi ni mama
"Ayos naman po." Sagot ko.
Aakyat na sana ako nang biglang nagsalita si mama.
"I heard you were getting along with Ms Padilla?" Sabi ni mama
"Ma! Are you stalking me again?" Sabi ko
Nakakainis!! Wala na ba akong privacy ngayon at pati lovelife ko pinakikialaman ni Mama.
"I just want you to hang out with people who suit us. Not just any actor's daughter." Sabi niya
"Sino naman ang gusto niyong ipa-date sa akin?" Sabi ko
Palagi naman eh. Pag may date ako na ayaw ni Mama, kahit maganda basta di mayaman or di kasingyaman namin ni-rereject niya. It was one of the perks of being the son and heir of the Monasterio Holdings. You always get these kinds of things. Kahit di mo gusto. It comes along.
"Smart." Sabi niya, "maybe you heard of the only daughter of Robert Fernandez?"
"Si--- si Lexi??" Tanong ko.
Si Lexi Fernandez ang gusto niyang i-match make sa akin?
"Of course! None other than her!" Sabi niya
"Ma naman! Can you please stop playing like Cupid in my life. Let me love the one I choose to love!" Sabi ko
"I'll reconsider the proposal if the girl falls in love with you. At sa charm mo na yan, alam kong imposibleng di ka niya mapansin." Sabi ni mama.
Pagkatapos ay unalis na siya. I headed to my room. Thinking about what she said. Actually maganda rin naman si Lexi eh. But she's not my type. Kasi alam ko na siya yung klase ng babae na di mo mabobola. At baka naman pag naging kami ay utus-utusan niya lang ako. I dont want that. Masyado akong mataas for that kind of treatment. Ayokong magpa-under, at gusto ko ako palagi masusunod.
Pero paano nga ba? Gusto ni mama si Lexi sa akin at malamang shes making talks with Lexi's parents. It will be difficult and hard. So... Kailangan na...
Itulog ko na lang yan. Haha :) time to sleep! ^___^
[end of POV]
BINABASA MO ANG
Lovestruck (denlou, derlex, krisjoy, and jhabea)
Fiksi RemajaNasusukat ba ang pagibig sa isang pagtingin? Nakukuha ba ng salapi ang lahat ng gusto mo? Naitatama ba ang lahat ng pagkakamali? Makukuha mo bang umibig kahit alam mong mali? Tunghayan natin ang kwento ng walong taong magmamahalan ng tapat at t...