Chapter 3: Coincidence

5 2 0
                                    

-Carlene's POV-

"Bia? Why?" tanong ko ng sagutin ko ang tawag nya. Nasa kanya kasi si Duchess dahil kinailanganko itong iwan para sa meeting ko sa opisina.

Hindi ko naman sya maisama palagi lalo na kung may meeting ako na kagaya nito.

I am an architect but as much as possible, pili lang ang mga proyektong tinatanggap ko lalo na dahil sa sitwasyon ko. As of now, I am using Carl Saavedra at karamihan ng mga client namin na tinatanggap, ay naipagkakamali ako bilang lalaki.

Omly the big boss knows my real identity.

"Gosh Carlene. Nagta tantrums si Duch. Nasa ospital kami ngayon."

Nang marinig ko ang ospital, parang sinaklot ng matindihangkaba ang puso ko.

"O-ospital? Anong nangyari?" nag aalalang tanong ko.

"Tooth ache... But she's fine now." parang nakahinga naman ako ng maluwag.

"Pupunta na ko jan----"

"I suggest not to." mariing putol nya sa sasabihin ko.

"Bakit? I just saw Mico. Doctor pala sya dito. Tangina, di ko alam."

"BIA!!! Baka makta nya ang record ni Duch!"

"Apelyido ko ang ginamit kong apeyido ni Duch. But still, I advice you not to go here because Jasper is here too... with Lorraine and her son."

"Dammit!" Bakit ba kasi lagi na lang pangalan nila ang naririnig ko?

Tangina. Oo na. Kailangan pa bang isampal sakin. Sila na!!! Sila na ang happy family. Wala akong pakialam.

"P-paano si Duch?" nanghihinang tanong ko. Ni hindi ko alam kung para saan ang tanong na iyon. Kung para ba sa sitwasyon ng anak ko ngayon o sitwasyon nya at ng ama nya?

"Pauwi na kami. Kung gusto mo talagang makita agad si Duch, hintayin mo na lang kami sa parking pero siguraduhin mong walang makakakita sayo."

Bakit ba feeling ko isa akong takas sa bilangguan na nagtatago? May ganon pala no? Ako na nga ang nasaktan, ako pa ang nag aadjust para sa kanila.

Ako na nga yung niloko at ginago, ako pa yung nagtatago ng ganito.

" S-sige. " gather yourself Carlene. Kailangan ka ng anak mo.

"Tawagan kita ulit pagpalabas na kami dito." sabi sakin ni Bia bago nya tuluyang patayin ang tawag.

Di nagtagal ay nakarating na ako s parking ng ospital at saka tahimik na inantay sina Bia at ang anak ko. Gustuhin ko mang puntahan sya, hindi maaari.

Maya maya din naman ay dumating na sila. Nag intay lang ako hanggang makalapit sila at matindihang kaba ang naramdaman ko lalo pa nga at kasunod lang nilang lumabas sina Mico, Liam, Jasper and Lorraine.

Karga pa nga ni Jasper ang anak nila ni Lorraine while the latter, alalay na alalay ang mag ama nya.

Masaya ka na ba ngayon Jasper? Na habang mahal na mahal mo ang anak mo sa ibang babae, naghahanap naman ng pagmamahal ng isang ama ang anak mo sakin.

Dapat ko yun ei. Dapat kami ni Duch yung kasama mo ngayon. Dapat si Duch ang karga karga mo habang ako ang nakaalalay sa inyo. Pero wala ei. Sila ang pinili mo.

Masakit man, pero tama lang siguro na nagparaya ako. Mukha ka namang masaya ngayon ei.

"Mommmyyy!!!" tili ni Duch ng buksan nya ang kotse ko. Buti na lang sobra ang pagkaka tinted ng sasakyan ko lalo pa nga at napalingon oa dito sina Jasper.

Agad din namang nawala sa kanila ang atensyon ko ng marinig ko ang paghikbi ng anak ko. Agad na nilamon ng awa at sakit ang puso ko.

Shit.

"Baby..."

Parang nagsusumbong na sinapo nya pa ang pisngi nya kung nasaan ang ngipin na masakit.

"Ouch..." nahikbing sabi nya.

"Diba Mommy told you not to eat too much sweets. Puro ka kasi chocolates ei." banayad na panenermon ko kahit pa awang awa na ko sa itsura ng anak ko ngayon.

"Sorry po Mommy ko..."

Malambing na hinaplos ko ang pisngi nya at hinalikan ang masakit na parte. Nakita ko kung paano lumiwanag ang mukha nya sa ginawa ko..

"Mommy!!! Magic!!! I'm okay now!" jusko. Pasalamat ko na lang talaga at si Duch ang anak na ibinigay sa akin.

"Move now Carl. Ako na ang magdadrive. Luka-luka ka. Nagdrive ka ng nanginginig ka?"

Mabilis na lumipat kami ni Duch sa passenger seat ng hindi lumalabas ng sasakyan.

"Pupunta na daw si Duch sa bahay. Dun na sya mag iintay." Bia said habang minamaniobra ang sasakyan.

"Sana pinagluto mo na din."

"As if. Alam mo naman yun. Takot sa kusina." sabay pa kaming natawa sa sagot nya.

Gagi.. Oo nga pala. Walang talent sa pagluluto ang babaeng yon.

"So how's your meeting with Randall?" she asked pertaining to the big boss of the Architectural Firm I am working at.

"Big time client daw. Magbubukas ng resort sa batangas." sagot ko.

"Tatanggapin mo?"

"Probably this is my last project before I focused my attention to Duch." I said while lovingly staring at my daughter na nakatulog na sa lap ko.

"Mag aaral na pala ang baby namin."

"Yup. Kaya kailangang focus ako. Gusto kong tutok ako sa panibagong journey nya."

"Wow. Nice naman ng Mommy."

"Nang aasar ka ba Bia?" pairap na tanong ko na tinawanan lang nya. May pagkabaliw din talaga.

"Anyways, magtake out na lang tayo para siguradong may makakain tayo pag uwi. Wala tayong aasahan kay Jazz ei." Bia said sabay hinto sa may Mcdo at saka lumabas na.

Nanatili lang ako sa pwesto ko dahil nga natutulog si Duch. Binuksan ko muna ang bintana sa side ko para makalanghap ng sariwang hangin.

Nalilibang na ko sa pagtingin tingin ng makita ang isang pamilyar na mukha na nakatitig sakin.

Holy shit!

Si Jairus.

"Carlene? Is that you?" parang di pa siguradong tanong nya.

Mabilis na ibinaba ko si Duch para makasigurong di nya makikita saka ako muling tumingin sa kanya saka nag aalangang ngumiti.

"J-Jairus." oh my gosh. Please wag ka munang lumapit.

"Carl---" akmang hahakbang sya palapit ng may isa pang sasakyan na sumingit sa pagitan namin.

"Fuck!!!" I heard his loud curse.

Bumaba ang bintana sa driver's seat ng kotse and I saw Jazz na sumisenyas na umalis na kami. Tamang tama namang dumating na si Bia.

Nakita nya din si Jairus at ang pagsenyas ni Jazz kaya mabilis nyang pinaharurot ang sasakyan palayo sa lugar na iyon.

Shet. Muntik na yon.

Bakit naman ganon? Kanina sa ospital si Jasper ngayon naman si Jairus.

Coincidence lang ba talaga lahat? O sinasadya ng tadhana na pagtagpuin talaga kami ni Jasper. Pero bakit pa? Masaya na sya.... At ako... Sasaya na din siguro... sana...

😘😘😘

One Last ChanceWhere stories live. Discover now