-Carlene's POV-
"Mommy? Where are we going?" tanong sakin ng anak kong cute na cute sa suot nyang violet na baby dress with matching tiara pa.
"Mommy ninangs." simpleng sagot ko at saglit pang sumulyap sa kanya.
"Omg!!! Really? But I thought that Mommy Astig was in US?"
"Oo nga pero pauwi na sya because I told her that our Duchess Wynona's birthday is near so kailangan na nyang umuwi."
"OMG Mommy. You are so the best!!!" she said while giggling.
"Is that a correct construction of words?"
"I dont know Mommy."
Pati ata ako nahawa na sa tawa nya. Puro kalokohan talaga tong batang toh.
It has been 4 years since umalis ako and at first, I admit sobrang hirap nya talaga.
Mag isa ako dahil nga itinakwil din ako ng pamilya ko noon. Walang wala ako at ni hindi ko nagawang makapagsabi kina Jazz at Bia ng tungkol sa pagbubintis ko.
Oo inaamin ko, ikinahihiya ko ang sitwasyon ko noon. Pero nalaman ni Jazz ng hindi sinasadya dahil nagkita kami sa isang karinderyang pinagtrabahuhan ko noong umalis ako. Apat na buwan na ang tyan ko at malaki laki na rin sya.
Nagalit sya at nagtampo pero naging okay din kami sa kondisyon na sa kanya ako tutuloy at hahayaan kong tulungan nya ako.
Namg sumang ayon ako ay sinabi na rin namin kay Bia ang lahat. Silang dalawa ni Bia ang naging sandigan ko sa kabila ng lahat. Sila ang sumuporta sakin all throughout my pregnancy at hanggang ngayon, eto parin kami. Bff forever pa din. Wala ei, ganon katibay ang ffriendship naming tatlo.
Kaya eto, spoiled na spoiled ang anak kong si Duch. Jusko, para naman kasing walang minana sa ugali itong batang to ei. Parang lahat halos sa mga mommy ninangs nya. Kung di ko nga lang to kamukha ei iisipin kong hindi sakin to.
"Mommy?"
"Yes baby?"
"You are the best mommy in the whole wide world. You are the kindest among them all and Im so lucky to have you as my mom."
Parang nagkaroon ng bikig sa lalamunan ko and nagtubig ang mga mata ko. Fuck it. Nagiging emosyonal na naman ako.
"And I, Duchess Wynona Saadvedra is a proud pretty daughter of my super loving Carlene Jane Saavedra." dagdag pa nya.
" I love you Duch."
"I love you too Mommy."
"OMG!!!Mommy Astigggggg!!!" tili ng anak ko ng sinalubong namin sa airport si Jazz.
"Ang haba ah. Ikaw na talaga baby girl." natatawang sabi naman ni Bia na katabi ko lang.
"Wala ei. Anak ko yan." proud na sabi ko.
"Sira ka talaga."
" Yow, di masyadong pretty na madlang tao!!!Kumusta ako? Oo na...Namiss nyo na alindog ko." nakangising bungad ni Jazz.
Oo nga. Si Jazz nga to. Halos isang buwan din syang nagtagal sa US pero parang mas pumuti at nagkalaman sya.
"Hoy Ja, mahiya ka sa bata. Dont say bad words." Bia rolled her eyes.
"Ah ganon? Wala kang pasalubong ha." banta ni Jazz na ikinahalaklak namin.
Ss isang kilalang resto kami dumiretso dahil gutom na gutom na daw si Jazz.
"Kuripot mo talaga bes noh?" nakairap na sabi ni Bia.
"Di no. Matipid lang. Magkaiba yun." angal naman ni Jazz.
